Chapter 5

138 16 11
                                    

Leejian's pov

*kkk-kring...ringggg­*

Maaga akong nagising dahil sa tunog ng alarm clock. Binuksan ko ang lampshade para makakita ako sa madilim na kwarto na to. Napakurapkurap ako dahil medyo na silaw ako. Nangmakapag adjust ang aking mga mata tinignan ko ang orasan.

 '3:45 am"' 

Maaga pa para sa 8 am na oras ng klase namin. Tinignan ko ang dalawang bruha na katabi ko sa higaan. Mahimbing pa silang natutulog. Sabagay ang sarap sa pakiramdam ng aircon dito pakiramdam ko lalong gaganda kutis ko nito. Isabay pa ang malambot na higaan at kama. 



'Ayiieeee heaven!'

 Dumiretso ako sa c.r para maligo at gawin ang iba pang routine ko. Hygeine kung baga. Nang matapos ako sinuot ko ang white na sports bra at black na leggings pang jogging. Itinali ko lang paitaas ang aking kulot na buhok at ready na ako. Sinilip ko ang dalawa at nakita ko si maicah na nakaupo na habang kinukusot-kusot ang mga mata. 



"Good morning Leejian." ngiti niyang sabi. 



"Goodmorning din Maicah!" pagbalik ko ng pagbati sa kanya. Parehas kaming napatingin kay Naomi na tulog pa rin hanggang ngayon. Bigla kaming nagpalitan ng tingin ni Maicah. Siguro parehas kami ng nararamdaman natatakot rin akong gisingin yang babae na yan eh. Pano daig pa bato nakakatakot siya. 



"Leejian gisingin mo nayan. Ligo lang ako hehe." sabay pasok niya sa banyo. Ayy magaling din ang isang ito. Pumasok agad ng c.r para di ako makaangal. Wala na akong nagawa pa kaya umupo ako katabi ni Naomi na mahimbig pa rin ang tulog. Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Napatigil ako ng bigla siyang gumalaw. Para akong na estatwa sa kinauupuan ko. Akala ko magagalit siya ayun pala umayos lang ng pagkakahiga at nananatiling tulog pa rin. Nakahinga ako ng maluwag doon. Iniyugyog ko ang balikat niya habang tinatawag ko siya sa pangalan niya.



'Be brave Leejian!'



'INHALE!'



'EXHALE!'



'IN THE COUNT OF'



'ONE!'

'TWO!'

'THREE!'

 "Naomiiiiiiiii! Gising na! Naomiiiiiii!" walang epekto sakanya. Hindi ko alam kung nagbibingi bingihan ba ito o tulog talaga. Ini-set ko na lang ang alarm clock ng 5 minutes more para tumunog. Iniwan ko ito katabi ng tenga niya at nilakasan ang volume. Tignan ko nalang kung hindi siya magising. Bumaba na ako para magtimpla ng mainit na chocolate. Nagulat ako ng bukas na ang ilaw sa kitchen at may anino akong nakikitang gumagalaw. May magnanakaw kaya? May gising agad ng ganitong oras samin? Kami lang naman nila Maicah ang may usapan na magjajogging kami ngayong umaga ah.



 "Bulaga!"



 "Ayyyy palaka! Butiki ipis!" napasigaw ako sa gulat . 



"Ayy muka ba akong palaka? Ipis at butiki?" tanong ni theo habang hinihimas himas ang magkabilang pisngi niya. Napakamot ako sa ulo. Nasabi ko pala yon. Hindi naman siya mukhang ganon eh. 



'Anggwapo nga niya eh'           ^_^



'shit! Leejian ano bang iniisip mo'



CELESTINAHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin