Chapter 36

21 3 0
                                    


Ngayon ang ika-limang araw ng sports fest. Ngayon ang simula ng iba't ibang klase ng competition. Nandito kami sa shooting range kung saan si Naomi ang kalahok namin.

Nakasimple t-shirt at jeans lamang siya habang nasa tapat ng mesa. Isang halera sila doon.

Nakasuot na siya ng mga protective gear. "Omii my babe! Galingan mo!" sigaw ni Ethan habang nagpupunas ng luha.

"Ang oa mo!" - Theo.

"Wala kang pake hindi nga kayo pinapake-alaman ni Leejian." parang batang angal ni Ethan.

Itinuon na namin ang atensyon namin ng magbigay na ng hudyat na simula na ang laro.

Seryoso ang muka ni Naomi habang nakatutok ang kaniyang baril sa isang karton na hugis tao. May mga guhot ito na pabilog. Meron sa dibdib at ulo.

Sinimulan niya ang unang pagputok at nakuha niya ang pinakasentro. Kalahati ang natanggal sa kanila dahil sala ng mga tira nito.

Pumuwesto muli si Naomi at nagpaputok. Ngunit malapit lapit lamang ito sa pwesto ng pinaka maliit na bilog.

Huminga ng malalim si Naomi. Muli siyang pumuwesto. Ito na ang huling level kung saan malalaman kung sino na ang panalo.

Tatlo na lamang silang natitira. Kaikangan niyang matamaan ang sentro upang manalo siya. Bago sila magsimula ng huling level biglang umandar ang mga papatamaan nila.

'Bakit humirap?'

Ang mga kalaban nila ay hindi malaman kung saan itututok ang baril.

Nanatiling tahimik si Naomi at walang ginagawa. Pinagmamasdan lang niya ang pagkilos ng patatamaan niya.

Huminga siya ng malalim at ikinasa ng baril. Tinutok niya ito sa patatamaan niya n nagalaw. Hindi siya gumagalaw at nakasteady lang ang mga kamay niya.

Nang dumating ng iniintay niyang pagkakataon tsaka niya pinaputok ang baril niya.

Bumagal ang paggalaw ng mga pinapatamaan nila. At lumabas ang resulta.


Naomi 27

Alex 25

Jen 23


Dali dali namin siyang pinuntahan upang yakapin at batiin. "Anggaling ng Omii babe ko!" sigaw ni Ethan at niyakap ng mahigpit si Naomi.

"Congrats!" - Maicah.

"Super cool mo Naomi!" - Leejian.

"Congratulations!" bati ko at yumakap rin.

"Salamat sainyo." nakangiting wika niya habang suot suot ang isang medalya.

"Tama na yan. May competition pa ako. Zac let's go na." sambit ni Vivi habang hila hila si Zac. Nakita ko pang ang pag irap ni Maicah at pag iling iling niya.

Wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod dahil kasali rin ako don. Humiwalay ako sa kanila at pumunta sa ibaba kung nasaan ang mga ibang contestant.

Pumunta ako sa isang kwarto na may pangalan ko. Nakita ko ang isang whole body na na red suit at ang armas ko.

Nagmadali ako sa pagpeprepare dahil malapit ng magsimula. Nakaponytail ang buhok ko ngayon para maging madali sa akin ang matamaan ang sentro.

"Mag-i-istart na!" pagtawag samin ng babae. Nakahanay kaming lumabas at pumuwesto.

CELESTINAWhere stories live. Discover now