Chapter 27

16 3 0
                                    

Celestina's pov

Tahimik kaming pumasok sa loob ng clinic. Sa totoo lang hindi dapat clinic ang tawag dito dahil muka na itong ospital.

Sinandya bang magkaroon nito dahil pakikipaglaban ang pinagaaralan namin?

Mahimbing na natutulog ang isang dalaga sa kama. "I'm suprised with your presence guys." bakas ang lungkot sa boses ni Zac.

Kagigising lang niya pagpasok namin sa clinic. Ang clinic ng academy ay may sarisariling kwarto para hindi sama sama ang mga pasyente.

Umupo kami sa sofa tahimik na pinagmamasdan ang kapatid ni Zac. Ngayon ko lang napansin na may pagkakahawig sila dahil malapit sila sa isa't isa hindi katulad kanina.

"Tina tara ayusin na natin yung bulaklak sa vase." bulong sakin ni Maicah. Tumayo naman kami at tahimik na nag arranged ng mga bulaklak.

"Z-Zein!?" napalingon kami ng biglang magsalita si Zac. "K-Kuya." nanghihinang wika ni Zein.

Lumapit kami at nakita namin na gising na nga siya ngunit nanghihina pa siya. "Zein tell kuya, may masakit pa ba?" nag aalalang tanong ni Zac habang chinacheck ang itsura ng kapatid.

"Don't worry about me kuya, I'm fine now." mahinang wika ni Zein. "How I will prevent myself from worrying about you? If you're lying in that fuck'n bed with bandage on your arms?" malambing ngunit may inis na wika niya sa kapatid.

"Don't cursed kuya, you're girlfriend will be mad at you." natatawang sabi niya at sumulyap ng tingin sakin. Napatahimik naman si Zac at sumulyap sa direksyon ko upang makita niya kung sino ang tinutukoy ni Zein.

*DUGDUG*

'Anong gagawin ko!?'

Pati sila Maicah ay naibaling na sa akin ang atensyon. "H-hindi niya ako girlfriend." sagot ko. Sana lang at hindi nila halata ang pagka-utal ko.

'My Gracious God I don't like this!'

Napansin ko ang pagkadismaya sa muka ni Zac ng magsalita ako.

'Bakit?'

'Totoo naman diba?'

"Is that so? Sayang naman I really thought you are into each other." nakangiting wika niya. Para siyang si Leejian kung tutuusin at muka lang siyang palasimangot at laging seryoso gaya ng kuya niya.

Sinuklian ko ng ngiti ang mga magagandang ngiti na ibinibigay niya sa akin. "If that's the case It's fine with me, I wan't you to be my sister-in-law and I'm sure with that. Bagay na bagay kaya kayo!" kinikilig na sabi niya. Parang nawala ang pagiging mahina niya kanina.

Biglang nagtama ang paningin namin ni Zac at mabilis akong umiwas ng tingin. "Lalo na at si kuya laging nag-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng biglang sinubuon siya ni Zac ng lugaw.

"Stop wasting your energy in talking you must eat and rest afterwards." seryosong wika ni Zac. Wala namang nagawa si Zein sa kuya niya. Sumunod na lang siya sa sinabi ni Zac.

"Kumain na rin kayo." wika ni Zac habang sinusubuan ng lugaw ang kapatid niyang nakangiti ng mapang asar.

"Good Idea!" masayang sabi ni Theo at kumuha ng lugaw. "Basta pagkain." pairap na bulong ni Maicah.

"Tina kain ka na." alok ni Ethan sakin. "Mamaya na busog pa ako." nakangiti kong sagot. "Sabagay marami namang lugaw, isang malaking kaldero ba naman lutuin at dalhin dito." sambit ni Leejian habang nakain.

CELESTINAWhere stories live. Discover now