Chapter 18

34 3 0
                                    


Celestina's pov


"Wag kang masyadong mag alala dyan." rinig kong wika ni Zac. Tinatakpan ko kasi yung sugat niya sa kamay gamit ang extra palda ko. Sinira ko pa yung palda ko para sa kaniya.



Binenda ko ito at hindi ko talaga maiwasang hindi mag alala. Siguro halata sa muka ko pag aalala kung kaya't sinabihan niya ko ng ganon.



"Tapos na." pilit na ngiting sabi ko. Natutuwa ako dahil kahit papaano napigilan nito ang pagdurugo ng kamay niya. "Thankyou, I think we should eat." wika niya at nagsimulang buksan ang bag niya.



Hinawakan ko rin agad ang bag niya upang pigilan siya. Umangat ang tingin niya sakin at kumunot ang noo. "Kase diba may sugat ka, ako nalang ang kukuha mamaya mapaano pa yang kamay mo." nakangiting sabi ko at tinanggal naman niya ang kaniyang mga kamay sa bag para hayaan ako.



Nagsimula akong kumuha ng mga ibat ibang klaseng tinapay sa bag niya at sa bag ko gayun din ng mga bottled water.



'Hindi ba siya nabibigatan?'



'Puro tubig dala niya kesa sa tinapay'



"Zac, Kumain na ta-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nawala sa tabi ko si Zac.



'Saan naman pumunta ang manyak na yon?'



Luminga linga ako pero wala akong makitang Zac sa paligid. Binuksan ko n alang ang isang plastic bottle ng tubig at nagsimulang uminom. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang plastic bottle.



'Kamusta na kaya sila?'



'Magkikita kita na kaya kami?'



"Bakit ka nakangiti?"



"Ayy multo!" gulat kong sigaw dahil sa biglang pagsasalita ni Zac sa likod ng tenga ko. Mabuti na lamang at walang laman na tubig ang aking bibig dahil paniguradong maibubuga ko ito.



"Hindi ako nangghoghost Tina at mas lalong hindi ako multo." nakangiti niya sabi at umupo sa tabi ko. "Ano yan?" tanong ko sa kaniya. May tela siyang hawak at may laman ito sa loob. "Ahh like what I've said I'm not a ghost so I bring fruit so we can eat something healthy. Humans eat but ghosts are not." sagot niya sakin.

CELESTINAOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz