Chapter 13

40 5 0
                                    

Celestina's Pov 

'7:30 pm' 


Dilim na at nandito pa rin kami ni Theo sa kanyang sariling secret room. Kwento niya sakin kanina na ang pinto na nakita namin at pinasukan namin para makapunta dito ay natatakpan ng pader kapag may emergency. Kung sakaling may lumusob dito nasa kaniya ang alas dahil makikita niya ang lahat sa screen at makokontrol niya ng buong gusali. 




"Kain na Tina." nakangiting alok ni Theo sa akin. Dito na kami nagpasyang kumain dahil mukang pinaghandaan niya ito. May mga sushi na kalagay sa Refregirator dito. Kumuha ako ng isang pirasong sushi at isinawsaw ito sa toyo atsaka sinubo.




Napatigil ako sa pagnguya nang makita ko si Irene na susubo ng rin ng sushi. "Saglit!" gulat kong sigaw. Napatigil naman si Irene at ngumiti sakin. Napakamot naman sa ulo si Theo. "Oo nga pala Tina kaya niyang kumain ng pagkain ng tao. Waterproof siya, tulad ng pagsara ng daluyan ng hangin natin kagakumakain tayo para hindi mapunta sa lungs ang pagkain o inumin na inintake natin sa katawan. Ganun din siya dahil nilagyan ko siya ng food and water detector para hindi siya masisira kapag na basa o nag intake ng pagkain ng tao."






"Ganun pala, ang galing mo naman!" manghang manghang sabi ko. Napahanga talaga ako kay Theo napakatalino niya at marunong din siyang makipaglaban. Nalaman ko na siya ang gumawa ta nagdesenyo ng mga armas namin.





Lalo na ang pagkakagawa at pagkakaprogram ni Irene. Bat nga ba hindi n alang siya naggirlfriend ng totoong tao diba? Nagpakahirap pa siyang gumawa ng robot na muka talagang tao mula sa kaanyuan, kilos, pananalita at pagkain?






Matapos namin kumain ay nagkwentuhan pa kaming tatlo. Hanggang sa dapuan na ako ng antok at inaya ko na si Theo na bumalik sa dorm. "Irene salamat sa oras ha! See you ulit next time" pagpapa alam ko. "Ikaw din Tina balik ka agad ha!" masayang sabi niya.





Masayahin siya na parang si Leejian, parehas din siyang kulot ang buhok. 



'Antok na antok na ako' 




"Uyy Princess bukas na nga pala yung survival test natin no?" pagpapaalala ni Theo habang naglalakad kami sa hallway. "Oo nga, parang kelan lang nung first day of class natin." nakangiting sagot ko. "Nakapag handa ka na ba?" tanong pa niya. "Ahh hindi pa nga eh." kamot ulo kong sabi.





"Bilisan na natin ako din eh hindi pa, siguradong maaga pa tayo bukas." ngiting wika niya. Naglakad kami nang mabilis para makapunta na sa dorm. Ilang minuto lang ay nakarating na agad na kami. Pagbukas namin ng pinto ay nadatnan namin si Zac na mag isa sa dining table. Puno ng papeles ang lamesa at mukang seryosong seryoso siya. 





"Uyy Zac! anong ginagawa mo dyan?" biglang sulpot ni Theo sa harap ni Zac at talaga itinapat niya pa ang muka niya sa muka ni Zac kaya napatawa ako. Halata naman ang pagkunot ni Zac sa ginawa ni Theo kaya naman sinapok niya ito.




"HAHAHHAHAHHA"




Bigla silang napabaling sakin na ipinagtaka ko. Malakas ba tawa ko? Ngumiti ako ng pilit sa kanila. "Ikaw Tina ha tinatawanan mo ko!" maktol ni Theo. "Ang cute niyo kasing tignan." sabi ko. Napansin ko ang palihim na pag ngiti ni Zac at mabilis din itong nawala nang makita niyang akong tumingin sa kaniya. 



'Weird'



Miya miya ay may narinig kaming pagkalam ng tyan. Hindi naman ako yun mas lalong hindi si Theo dahil kakakain lang namin. "Kumain ka na ba?" baling ko kay Zac. Kahit ba naman may galit ako sa kaniya tao pa rin naman siyang kailangang kumain.




CELESTINAWo Geschichten leben. Entdecke jetzt