Chapter 39

27 3 0
                                    


Some one's pov

How sweet they are. Months passed and now they have their own lovelife.

I'm just here watching from afar. Stupid people. They don't know I am. I'm glad that Vince didn't leave with any proof.

There is no evidence that would reveal that I'm the one. The one that kill him.

Poor Ion Genesis.

Died without telling Tina that he loves him.

Died without seeing her.

I laughed devishly. Their smile makes me more tempted to make their lives miserable.

I'm back. I just need you to be in my side again. Just we used to be before they all came to your life.

I'm back without any of you knowing.

--------------------­--------------

Celestina's pov

"Sinong cute na baby?" tanong ni Ethan habang karga karga halos dalwang buwan ng pusa.

"Mas cute itong hawak ko!" parang batang angal naman ni Theo. Pinagtatalunan nila kung sinong mas cute sa dalawang anak ni Pola.

Tawa lang kami ng tawa nila Maicah sa mga kalokohang ginagawa ng dalawa. Lagi nilang niloloko si Pola na ilalayo ang anak niya kaya namang lagi itong na-ingaw kapag hindi nakikita ang mga anak.

"Love?" narinig ko ang pagtawag sakin ni Zac ng pabulong sa likuran ng tenga ko. "Hm?"

"Let's go to the mall." parang batang aya niya sakin. Humarap ako sakaniya na nakakunot ang noo.

Simula ng nanligaw siya sakin madalas ko ng makita siyang nakangiti. Sa tingin ko nga nahawa na siya kila Theo. Parang bata. Hindi ko na nakikita yung Zac na laging nakakunot ang noo at blanko ang muka.

"Hindi pa ako na liligo Zac." wika ko dahil kakatapos lang naming magbreakfast. Linggo ngayon at wala namang klase kaya pwedeng pwede kaming maggala.

Inilapit niya ang ilong niya sakin at biglang itinaas ang kanang braso ko na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko ng amuyin niya ang kili kili ko. Mabilis kong sinara iyon dahil nakaka-ilang.

"Zac!" singhal ko. Ngumiti siya ng nakakaloko. "Bakit? Mabango ah? Isa pa nga." tangkang aamuyin niya ulit ang kilikili ko kaya agad akong tumayo at tumakbo papuntang kwarto. "Maliligo na ako!" natatawang sigaw ko.

Aaminin ko na kahit nakakailang kinikilig ako sa mga kalokohang ginagawa niya. Wala naman akong tinatago sa kilikili ko ang akin lang pakiramdam ko kasi kinikiliti ako kaya ayoko ng ganon.

Naligo ako agad at nagsuot ng simple pink na t-shirt, jeans at sneakers. Katulad ng araw araw kong ayos nakapangdisguise ako habang nakalugay lang ang buhok ko.

Kinuha ko ang sling bag ko at agad na bumaba. Nadatnan ko agad si Zac na nakapolong black & white, jeans at sneakers.

Ngumiti agad siya at tumayo ng makita ako. "Uyy san date niyo?" tanong ni Maicah ng makita kami.

"Ako na lang i-date mo Zac." sinamaan nmn ng tingin ni Maicah si Vivi kung kaya't padabog na nanahimik ito.

"Secret." ngiting sagot ni Zac at inalalayan ako papalabas. "Sana all nagaaya ng date!" parinig ni Leejian kay Theo na nasa dining at kumakain.

Sakay kami ng itim na kotse ni Zac upang makarating dito sa mall. Sabay kaming naglalakad papuntang couple store.

Wala pa namang kami kaso medyo advance siyang mag-isip. Gusto daw niya ng damit na terno kaming dalwa. Yung pangcouple pero hindi nakaka-asiwang tignan.

CELESTINAWhere stories live. Discover now