Chapter 15

36 3 0
                                    



'Second day'


Leejian's pov



'9:30am'



Naalimpungatan ako dahil sa init na nararamdaman ko galing sa sikat ng araw. Kinusot ko ang mata ko inimulat. Nakita ko si Naomi na tulog pa rin sa tabi ko. Narito kaming dalwa sa gitna ng masukal na gubat. Nasan na kaya nag iba.



Hinilamusan ko ang aking muka gamit ang tubig na nasa garapon ko. Umaliwalas ang aking pakiramdam matapos kong gawin iyon. Naglabas ako nang mga tinapay.



"Naomi gising na." niyugyog ko pa siya. Kaagad naman siyang bumangon at kinusot din ang mata niya. Gaya nang ginawa ko kanina ay naghilamos din siya. "Kumain ka na." sabi ko sabay bukas nang tinapay at nagsimula na akong kumain.



Tahimik naman siyang kumain. Alam niyo sa lahat nang makaksama ko eto pang napakatahimik. Paano na lamang ang saliva ko nito baka mapanis.



"Huwag na tayong umalis dito." bigla niyang sabi. "Bakit? gusto mo ba ditong tumira?" tanong ko sa kaniya na ikinabuntong hininga naman niya.



"Dito sa spot na ito para madali tayong mahanap ni Theo dahil siya lang ang may tracker diba?" paliwanang niya. Napatingin naman ako sa bracelet ko. Oo nga tama siya.



"Pagtapos natin kumain maglagay tayo ng mga patibong kung sakaling may laban o mabangis na hayop na mapadpad." nakangiting sabi ko. Nagkabright idea din ako.



Tumango lamang siya bilang pag sang ayon. Ano ba naman yan akala ko may makakausap na ako.



Natapos kaming kumain at ngayon ay naglalagay kami nang lambat mga limang dipa papalayo sa pwesto namin. Tinakluban namin iyon ng mga tuyong dahoon. Hindi namin dinamihan para hindi gaanong takaw pansin.



'11:30 am'



'Kapagod'



Tanghali na kaming natapos sa paglalagay ng mga lambat sa palibot ng pwesto namin. Syempre may palatandaan kami na kami lang dalwa ang nakaka alam mahirap naman yung kami ang mahulog sa sariling patibong namin.



Miya miya ay napatigil kami nang makaramdam kami ng paggalaw. Nagkatinginan kami ni Naomi sa isa't isa. Hanggang sa nakarinig kami ng mga yabag ng paa dahil sa mga dunog ng dahon. Nagtago kami sa isang malaking puno at inintay ang mangyayari.

CELESTINAWhere stories live. Discover now