Chapter 8

73 11 5
                                    


Maicah's pov


Taranta kaming naghahanda at nag aayos ng kwarto namin para iwelcome ang aming mahal na mahal na si Tina. Pagkatapos ng dalwang gabi at dalwang araw na pamamalagi niya ospital makakasama na ulit namin siya.



"Oyy leejian bilisan mo sa pagdidikit ng mga letters." utos ko sakanya at lumapit kila Theo at Ethan na nagkakabit ng mga balloons sa taas.



"Hoyy kayong dalawa kulang pa dito oh. Bilisan niyo padating na sila Tina!" sigaw ko.



"Eh kasi tong si Theo sabi ko ayon lagyan ayaw!" pagmamaktol ni ethan.



"Anong ako nanaman!?" sigaw ng kapatid kong magaling. Aishh parang bata mag aaway nanaman sila.



"Aaaray-n-nasa-sa-k-kal a-ak-oo!?" hindi ako makahinga ng ayos dahil bigla nalang may mga banderitas na pumulupot sa leeg ko.



'Mga lintek!'



"Eto na ayan na wala na. Tumulong ka kase manang!" nakapamewang na sabi ni leejian.



"Oo tama kailangan mo ring tumulong puro utos ka" may patango tango pang nalalaman si naomi. Aba ang dalawang to nagjoin force pa.



"Kayong dalawa pinulupot niyo sakin yung banderitas!?" sigaw ko.



Nagkatinginan ang dalawang bruha at sabay tumingin sa kisami na para bang walang narinig. Ayy kaasar tong mga to tinatawag na nga akong manang ganito pa.



*Ting*



Napatigil kaming lahat ng tumunog ang pinto signal na nadto na sila. Mabilis namin inayos ang kalat at kinabit ang isang mahabang papel na may salita Welcome Tina.



Humelera kami ng ayos at inintay ang pagpasok nila.



Naramdaman ko ang pagsiko ni Theo sakin. Kaya tinignan ko siya. "Ohh bakit?"



"Ate Manang este ate maicah yung pagkain natin tingin mo naluto ni Zac ng ayos? Kase alam ko itlog lang ang kaya niya hindi manok "



Luminga linga ako at hindi ko makita si Zac nasaan kaya yung kabute na yon patay tayo nan.

CELESTINAWhere stories live. Discover now