Kabanata 7

44 10 0
                                    


Ang Paliwanag sa Sugat ni Redmon

"Ano raw ang sabi niya?" mula sa pagkakatutok ng buong atensyon ko sa lalaking ermitanyong nakasakay sa ulap, nahati iyon nang marinig ko si Blue na tinanong ako mula sa likod.

Nanatiling nakatingin sa harap, pasimple akong tumugon sa kakakilala ko pa lamang na kaibigan, "Akala ko si Pink lang dito ang may stock ng tutuli sa taenga. Ikaw rin ata Blue, eh. Ang lalaking nakasakay sa ulap ay siya ang gatekeeper sa maze kung saan gaganapin ang ating exam."

Agad namang tugon ni Blue, "Hindi. Hindi iyan. Narinig ko rin ang sinabi niyang ganyan. Ang tinatanong ko ay ang sinabi niya bago iyon."

Pansamantala akong napaisip sa kung ano ang gustong maliwanagan ni Blue. Kayanaman, muli kong hinalungkat ang alaala ko para may maitugon sa kanya. 'Everyone, please lend me your ears', mukhang hindi ito ang itinutukoy niya. Malamang hindi rin ang 'A nice morning to everyone of you'. 'I am Steve the Gatekeeper', ano naman ang magiging puna ni Blue sa pangalan ng ermitanyo?

"Steve the Gatekeeper, iyan ba ang itinatanong mo?"

"Oo, iyan nga," tugon niya. Nanatiling nakatingin sa harap, akin sunod na ipinagtaka kung bakit natatawa itong kaibigan ko.

"Hoy, Bernus, umayos ka," paalala ko.

"Umaayos naman ako, tol," wika niya. Kanyang natatawang pagpapatuloy, "Natatawa lang talaga ako sa pangalan niya."

"Ha, bakit ka naman natatawa?" naguguluhan kong tugon. Ano ang nakakatawa roon?

"Kasi naman, Red, ang pagkakasabi niya kanina ng 'the' ay parang middle initial na letter 'D'. Steve D. Gatekeeper, haha, nakakatawa iyon. Sigurado akong tinutukso siya ng mga kaedad niya noon. Haha!"

Ngunit kahit na gaano ko kagusto na palampasin na lang iyon sa aking pandinig, parang sinintensyahan ako ng panghabambuhay na pagiging bato nang humalaklak nang tuluyan si Blue. Patay kami nito.

Kahit na nananatili lamang ang aking tingin sa ermitanyo, kitang-kita ko pa rin sa aking peripheral vision ang paglingon ng halos lahat ng mga katabi namin sa pila. Sa kanan, ganoon din sa kaliwa. Nanigas ako sa kinatatayuan habang patuloy na naririnig ang pagtawa ng kakikila ko pa lamang na kaibigan.

Nang...

Mula ang tingin sa dakong kanan, nang mapansin ang nakakaistorbong tawa ng aking kaibigan, ay agad na napalingon si Steve sa kanyang kaliwa para matingnan kung saan ito nanggagaling. Dahilan sa nasa pagitan lang namin ni Pink si Blue, para kami na rin ang kasalukuyang pinagmamasdan ng gatekeeper.

"Oi, boy, ano'ng problema at bakit ka natatawa?" tanong nito. Dahilan sa napapansin na ni Bernus na marami nang mata ang nakatitig sa kanya, sinimulan na niyang umayos.

"Ah, wala po, Steve," tugon ni Blue. "Pasensya na. Magpatuloy ka na."

"Sigurado ka bang wala ka talagang sasabihin?" parang hindi kumbinsido sa tinuran ng aking kaibigan na tanong ni Steve.

"Opo, opo, wala pong problema. Well, maliban na lang sa iyong..."

Dahil nahihinahuna ko kung ano ang susunod na sasabihin nitong aking kaibigan, mabilis kong hinarap si Blue para takpan ang bibig nito. Hindi ko alam na ganoon din pala ang binabalak na gagawin ni Pink kaya dalawang kamay na ngayon ang nakalapat sa mukha ni Blue. May masayang mukha na sabay naming hinarap ni Pink si Steve at winika ito, "Ah, wala pong problema, Steve. Magpatuloy ka na."

"Sigurado kayo ha? Sige magpapatuloy na ako."

Kayanaman, mula sa amin ay muli ng ipinalandas ni Steve ang paningin sa iba pang mga binata at dalaga na nasa pila. Hinarap ko si Blue at sakto naman ang pagkasaksi ko sa pagbatok sa kanya ni Pink.

Alter World Series 1: The Magical WorldDove le storie prendono vita. Scoprilo ora