Kabanata 19

3 0 0
                                    


Ang usapan sa ilalim ng mabituing langit sa gabing payapa

Sa ilalim ng gabing matahimik ay mag-isa kong tinahak ang kahabaan ng Eidenberg Street. Masaganang dumadampi sa balat ko ang may kalamigang hangin na kahit maihahalintulad ang kasalukuyan eksena sa mga nakakatakot na palabas sa telebisyon at pelikula ay kabaliktaran n'yon ang nararamdaman ko ngayon: kapanatagan ng loob.

Ngunit ewan ko kung bakit ganoon.

Marahil ay marami nang nangyari sa aking mga kababalaghan na mas sukdulan pa ang mga iyon sa pwedeng mangyari sa akin ngayon. Hindi naman na siguro magpapakitang muli ang nakakabighaning ibon na iyon na nakita ko sa loob ng private property na iyon, hindi naman na siguro ako hahabulin ulit ng mga makukulay na bolang kinokontrol ng walong tao, wala naman nang lobo siguro rito na umaaligid-ligid at naghihintay ng magandang pagkakataon para lapain ako, wala naman siguro akong makakasalubong na taong papakitaan ako ng kapangyarihan, sigurado naman akong walang nandudukot dito na puno, walang taong sumasakay sa ulap, walang maze na dapat ipasa, walang mga alter world creatures na sasagupain, at mas lalong-lalo na, bukod sa akin, ay wala nang pitong ako.

Sa panghuling naisip ko ay pansamantala akong natigilan at napatanong sa sarili kung paano nga may nag-e-exist sa mundong ito na parang clone ko lang? At paano kung makikita ko iyon ngayong gabi sa paglalakad ko sa kalyeng ito?

Mula ang tingin sa nilalakaran ay napalingon ako sa kanan nang may napansin akong gumagalaw doon.

Gaya ng kung gaano kabilog ang buwan sa kalangitan ngayong gabi, gaya rin niyon ang mga mata ng pusa na nakatitig sa akin. Napakapuro ng pagkaitim na mapapasabi ka na lang sa sarili na nagpapakita ito ng pagkainosente, pagkainosente sapagkat maari siyang saktan ng makakakita sa kanya dahil sa maitim nitong kulay ng balahibo. Malas daw kasi ang ang ganoong kulay ng pusa kapag nakasalubong mo sa kalye lalo na sa gabi. Pangitain daw iyon na maaaring nay masamang mangyari sa iyo.

Nagpatuloy ang pakikipagtitigan ko sa inosenteng nilalang na wala ni sinuman sa amin ang gumagalaw. Parang nagpapakiramdaman kami pareho sa kapwa isa. Ako ay napapatanong sa sarili kung may posibilidad bang may mangyari sa aking masama. Ewan ko lang kung ano na iniisip ng pusa sa akin ngayon. Ngunit nang mapansin ko na parang wala namang kabuluhan ang isiping may mga masasamang posibleng mangyari sa akin sapagkat hindi naman ako naniniwala roon, napagdesisyunan ko nang putulin na ang pakikipagtitigan sa pusa.

Humakbang na ako pasulong at ang pusa ay nananatili lamang akong tinitingnan aa paglisan ko.

Nagpatuloy ang paglalakad ko papunta sa pagkikitaan namin ni Liza...

"Hi, Red."

Matapos ang ilang minutong paglalakad sa ilalim ng masiglang gabi ay sa wakas nasapit ko na ang isa sa mga paborito naming lugar noong mga bata kami.

Nakalatag sa luntiang damo sa ilalim ng umiilaw na lamppost sa may katahimikang gabi ay ang isang picnic blanket. Nakalagay roon ang mga iilan sa mga pagkain na naaalala ko pang iyon din ang paborito naming kaining magkaibigan noong mga bata hanggang sa naging magkasintahan na kami. Tsokolate, ice cream, potato chips, burger, at juice.

Mula sa picnic set-up na iyon ay hinarap ko si Liza na ngayon ay nakatayo at hindi inaalis ang titig sa akin.

Wika ko, "Hello, Liz. Kanina ka pa rito? Napakarami naman nito, mag-abala ka pa."

May kung anong kinang ang lumitaw sa mga mata ni Liza nang marinig ang sinabi ko. Pinasundan iyon ng malamyang ngiting umikit sa mga labi niya.

"Ah, eh," nauutal na sabi niya matapos ang ilang sandaling pananahimik habang pinagmamasdan lang ako. Pagpapatuloy nito, "Naisip ko kasi na baka hindi ka pa nakakapaghapunan Kaya, nagdala na ako ng mga kakainin. At isa pa, ganito naman tayo, 'di ba, mula pagkabata tayo?"

Kahit na tumatawa na ngayon si Liza para ipakita sa akin na masaya siya at hindi ko binigo ang pag-asa niya at sumipot ako sa pagkikitang ito, alam ko sa loob ko na may katiting iyong pagkaasiwa na kasama. Lalo na at hinalungkat niya agad ang nakaraan namin bilang matalik na magkaibigan.

Oo, tama siya. Ganito kami noong mga bata pa kami. May nakalatag talagang pagkain tuwing naglalaro kami. Katunayan, sa grupo naming magkaibigan ay nag-uunahan pa kaming magbolontaryo kung sino ang magdadala ng pagkain sa susunod na pagkikita.

Kumusta na rin kaya ang mga kaibigan at kalaro namin ni Liza noong mga bata pa kami?

Pansamantala akong natigilan nang mapansin na napupunta na ang pansin ko sa ibang mga isipin palayo sa talagang rason kung bakit kami nandirito ni Liza sa playground. Humugit muna ako ng malalim na hininga bago nagsalita, "Liza, huwag mo sanang masamain kung magtutunog marahas ako ngayon. Pero ang pinunta ko rito ay para marinig ang rason kung bakit nagiging distansya ka na sa akin? Sa akin na nobyo mo at childhood bestfriend? Nakakain na ako at kung hindi man ay kaya kong tiisin ang gutom ko. Kaya, hindi na ako kakain pa at magsasayang ng oras para sa mga walang saysay na usapan na hinahalungkat ang nakaraan. Kaya, please lang, ilang buwan na akong nagtiis na walang sagot sa mga tanong mayroon sa relasyon natin, hindi ko na gusto na magdagdag pa ng ilang oras para magpanggap lang na parang walang alitan sa pagitan natin!"

Madami pa sana akong sasabihin ngunit hindi na natuloy ang mga iyon nang maaninag ko na may mumunting kinang ang kasalukuyang naglalakbay sa kanang pisngi ni Liza. Luha.

Ngayon ano na?

Kahit na sunod-sunod nang dumadaloy ang mga luha sa mukha ni Liza ay nagawa pa niya akong bigyan ng ngiti. Habang tinitingnan iyon ay may kirot na agad umikit sa aking dibdib. Kahit na galit ako ngayon sa kanya ay iba pa rin kapag mahal mo ang isang tao at nakita mo itong naluluha. Parang gusto kong pahiran ang mga ito para maaliwalas lang siyang tingnan. Ngunit hindi ko na lang itinuloy ang binabalak. May namamaos na tinig ay nagsimula na siyang magsalita.

"Red, alam ng langit kung gaano kita minahal."

"Minahal?" patanong na wika. Ang tinig ko ay namaos na rin bigla. Ang sakit marinig ng salitang iyon ngayon.

"Huwag ka munang sumabat, hindi pa ako tapos sa sinasabi ko."

Hindi ako kumibo. Tiningnan ko lang siyang diretso.

Pagpapatuloy niya, "Oo, Red, minahal. Tama ang narinig mo. Mula pagkabata hanggang sa naging tayo at magkalabuan. Minahal kita ng sobra-sobra."

Napakunot ang noo ko sa narinig. Ngunit kahit ganoon ay nanatiling nakatikom lang ang bibig. Patuloy ko pa rin siyang tinitingnan nang diretsahan.

"Pero may mga bagay na hindi mo pa maiintidihan ng mga panahong iyon. Kaya nagsimula na akong maging distansya sa iyon."

"Liza, naman, nasa hustong edad na tayo ng mga panahong iyon. Sabihin mo, ganoon na ba kababa ang tingin mo sa akin para pagdudahan ang kapasidad kong umintindi? Para mo namang sinabi sa akin na wala akong kwenta kasintahan. Hindi mo man lang ako nirespeto!"

Mula sa kinatatayuan niya ay agad akong niyakap ni Liza. May pagsusumangobg nagsalita siya, "Red, hindi ganoon ang nais kong sabihin. Mali ang pagkalaintindi mo."

Disgustong napatawa na lang ako habang hinihilot ang sentido ko. Wika ko, "Liza, kung mababa talaga ang tingin mo sa akin ay itigil na nga talaga natin ito. Parang wala na rin nga akong pagmamahal sa iyo."

Dahil sa narinig ay mas lumakas pa ang pag iyak ni Liza. Ganoon din ang pagkalahawak niya sa akin. Ang banda kung saan nakasubsob ang mukha niya sa damit ko ay basa na rin.

Wika ko habang iniaalis ang pagkakasayap sa akin ni Liza, "Umuwi ka na at kalimutan mo na ang pangyayaring ito. At kalimutan mo na rin ako. Uuwi na ako."

Nang tuluyan ko nang matanggal ang pagkakayakap sa akin ni Liza ay tumalikod na ako ay naglakad palayo.

Naiwan ko ang babaeng mahal ko na nakatayo at pinagmamasdan ako.

Oo, mahal ko pa rin si Liza. Pero siguro matuturuan naman ang pusong kalimutan siya...

Ngunit sa aking pag uwi ay parang may napapansin akong kakaiba.

Author's Note:
Hello, guys. Yes buhay pa po ang story na ito. Tamad lang ang magsusulat na mag update. Maybe ngayon ay frequent ko na itong magagawa. Ewan. Please vote and comment naman para may encouragement tayo. Salamat and stay safe po.

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now