Kabanata 2

104 15 0
                                    


Ang Paghabol sa Mahiwagang Nilalang

Sa pagkakaalala ko, may kwento ang mga matatanda na naninirahan malapit sa amin tungkol sa pribadong lugar na ito na napasok ko sa ilegal na kaparaanan. Ito'y istorya ng dalawang tao na malaki ang agwat ng estado sa lipunan, subalit nagkasama panghabambuhay sapagkat nagmahalan nang lubusan.

Isang mayamang lalaki kasi na nagngangalang Leonardo ang nag-akyat ng ligaw sa isang dukhang babae na nagngangalang Porsena. Sa kadahilanang mayaman ang lalaki at mahirap naman ang babae, maraming humadlang sa relasyong posibleng lumitaw kapag nahulog din ang loob ng babae sa lalaki.

Higit sa mga magulang ni Leonardo, ang isa sa nagpahirap sa lalaki para makuha ang loob ng babae ay ang ama ni Porsena.

Kahit kasi na mahirap lamang ang pamilya ng babae ay idiniin ng ama ni Porsena sa anak nito na hindi nila kailangan ng yaman. At isa pa, lolokohin lamang siya ng lalaki pagdating ng panahong magsasawa na ito sa kanya. Marami nang istorya tungkol sa mga mayayamang lalaki na pinaglalaruan lamang ang mga mahihirap na babae at kapag nagpauto si Porsena kay Leonardo ay hindi malayo na sa ganoon ding wakas hahantung ang pagpapakitang loob ng lalaki sa babae.

Subalit determinado si Leonardo na makuha talaga si Porsena. Higit kasi sa may hitsura ito, ang gaan-gaan ng loob niya sa babae. Sa isip ng lalaki: parang ito na ang pinakasimpleng nilalang na kanyang natuklasan na ayaw niyang pakawalan.

Dahilan sa nakita ng ama ni Porsena na parang desidido nga ang lalaki na mapa-oo ang anak sapagkat walang mintis itong pumunta sa kanilang bahay araw-araw, maganda man o pangit ang panahon, ay binigyan niya ng pagsubok si Leonardo.

Imbes na sa bahay nila ni Porsena ang lalaki pumunta na walang araw na pinalilipas na hindi niya ito nagagawa, bago tumuntong si Porsena sa edad na bente uno ay kailangang magtanim ni Leonardo ng isang puno bawat araw.  Dapat bago sumapit si Porsena sa ganoong edad at maging sila na ni Leonardo ay may limang daan na siyang napapalaki...

Ngunit, ang kwentong iyon ay nagtatapos lamang sa pagtatagumpay ng lalaki sa pagsubok na ibinigay sa kanya ng ama ng babae kaya nakuha niya si Porsena at iyon ay tumagal hanggang sa pareho na silang nagpahinga ng panghabangbuhay at naiwan ang gubat na ito sa pangangalaga ng kanilang mga anak.

Hindi nasali sa istoryang iyon ang presensya nitong kakaibang ibon na may matitingkad na kulay ng pula, kahel, at dilaw ang katawan na kalmadong palipad-lipad sa pagitan ng mga puno na itinanim noon ni Leornardo.

Parang may hinahanap siya na hindi ko alam kung ano. Pagkain, bagay, o anuman, sa tingin ko ay malalaman ko lang ang palaisipan iyon sa pagpapatuloy ng pagmamasaid ko sa mahiwagang hayop na ito.

Ang ibon ay hindi maipagkakailang mas malaki kaysa sa maya. Siguro halos isang daang pinagtipon-tipong maya para lamang sa malaking katawan nitong kakaibang nilalang. Kahit na hindi na ito kayang mahawakan ng aking bunsong kapatid para sa kanilang pet presentation, siyento-porsyento akong ang kapatid ko ay kamamanghaan ng kanyang kaklase. Baka nga siya pa ang tatanghaling may pinaka-the-best na alagang hayop sa kanilang buong klase.

Pinagpag ng lumilipad na nilalang ang kanyang pakpak at napansin kong may mga nalalaglag. Parang itong silver dust ngunit hindi gaya niyon, sa papadilim nang paligid kasalukuyan, ay mismong ang mga ito ang umiilaw. Sa silver dust kasi ay ang ginagawa lamang nito ay nag-re-reflect ng ilaw kaya parang kumikinang ang dating nito sa ating paningin, ngunit ang ibinagsak nitong ibon ay ito mismo ang umiilaw. Parang tala sa kalangitan, iyon ang malapit kong pagkakahalintulad sa nakita kong nalaglag sa hayop habang pinapagpag nito ang malalaking pakpak nito.

Nagpatuloy ang nakakapagtakang aktibidad ng ibon na palipad-lipad sa pagitan ng mga puno hanggang sa nagbalak na itong lumisan sa aking paningin. Sinimulan na kasi nitong tunguhin ang dako na hindi na matatanaw ng paningin ko maliban na lang kung mananatiling sinusundan ko pa rin ang nilalang. Ngunit sa kadahilanang kanina ko pa iyon napagdesisyunan, sinimulan ko nang habulin ang ibon papuntang pinakaloob pa nitong kagubatan.

Siguro kung may relo lamang ako ay kanina ko pa nakumpirma na hinahanap na ako roon sa bahay. Kahit kasi labin-walong taon na ako, mahigpit ang mga magulang ko sa curfew na itinakda nila sa akin. Dapat bago mag-alas siyete ng gabi ay nandoroon na ako sa bahay. Kung ma-le-late ako sa pag-uwi ay dapat tatawag ako sa kanila para maipalaam ang rason kung bakit magagabihan ako.

Patuloy akong tumatakbo para masundan ang ibon, ikinibit balikat ko na lang ang isiping nag-aalala na ang aking mga magulang ngayon o ilang sandali buhat ngayon. Ang ibon na sinusundan ko ay napakakaiba, malamang bilang lang na mga indibwal ang nakakakita nito. At sa tingin ko ay tanging ako lamang ang may tsansang makakakuha nito. Ngayong gabi, dito sa mapunong lugar na ito.

Dahilan sa nananatiling tumatakbo, kalaunan ay napuntahan ko na ang banda kung saan pinagpag ng kakaibang ibon ang mga pakpak nito at may nalaglag na mga kumikinang na bagay. Subalit dahil mas interesado ako sa kakaibang ibon, ang tanging nagawa ko lang-- patuloy sa pagtakbo-- ay tingnan kung ano ba ang eksaktong imahe nitong inilaglag ng ibon. Malaki kumpara sa silver dust, ang mga bagay na nakita ko ay parang mga hugis diamante na paiba-iba ang kulay sa bawat segundong lumilipas. Pula, pagkatapos ay naging kahel, pagkatapos ay naging dilaw, muling naging pula... paulit-ulit.

Mula sa pagkakatuon ng paningin ko sa dakong iyon ay muli kong ibinalik ito sa dinaraan. Ngunit tila ang malas ko ay nagsisimula pa lamang mangyari. Nang muli ko kasing ipinokus ang buong pansin sa paghabol ng ibon, huli na lang nang mapansin kong may malalagpasan akong isang puno na ang isa sa mga sanga nito ay nakaharang sa daraanan ko. Magkasing taas lang kasi ang partikular na sangang itinutukoy ko sa aking ulo. Dahilan sa hindi na makontrol ang bilis ko sa pagtakbo ay akin nga itong nabungo. Sapul sa ulo, agad akong napahiga sa lupa. Dahil dito ay nawala na sa paningin ko ang ibon.

Nakahigang patihaya ay ipinikit ko muna ang mga mata para palipasin itong sakit na aking naramdaman ilang segundo matapos na mabunggo ang ulo sa malaking sanga.

Ngunit ewan ko, dahil nakaramdam din kalaunan ng hilo, ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa malamig na sahig na kinalalapagan kong may pinaghalong damo at tuyong dahon.

Pero, hindi ba, mali ang umidlip pagkatapos na may nangyaring impact sa iyong ulo? Mayroon kasing mga kaso na ang mga taong nakakabunggo ng malakas sa matigas na bagay ay hindi na muling nagigising.

Idinideklara na lang sila na patay na.

Kaya kahit na nasarapan na sa pagkakaidlip ay pinilit ko pa rin ang sarili na muling magising at imulat ulit ang mga mata.

Ngunit kahit na nagawa ko itong matagumpay, ipinagtaka ko ang hitsura ng paligid na kasalukuyan kong kinaroroonan.

Matapos ang ibon ay ito na naman...

Bakit kulay pula na ang paligid ko?

@HuntingFantasy

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now