Kabanata 18

5 1 0
                                    


Tatanggi o Papayag?

"Pwede namang ngayon na, ha? Nag-uusap naman tayo ngayon, hindi ba?" may halong pagsusupladong wika ko kay Liza.  Tinanong niya kasi kung may isang oras ba akong libre mamayang gabi sapagkat gusto niya akong makausap.

Oo, inaamin kong may epekto sa akin ang kumikinang niyang mga mata na tila ba nangungusap ng may sinsiridad. Huli ko itong nakita noong ilang buwan na ang nakakalipas nang sinagot niya ako para maging boyfriend niya. Kay anong galak ko ng mga pagkakataong iyon, parang nanalo ako ng jackpot sa isang palaro na ang papremyo ay isang bagayna pinakakaasam ng halos karamihan.

Pero minsan na niya akong sinaktan nang dumistansya siya sa akin. At napaka-gago ko naman kung hahayaan ko na lang ang sarili na bigyan pa siya ng pagkakataon para ipaulit iyon sa kanya. Minsan na niya akong iniwanan sa ilang ng mga katanungan. Tama na siguro ang isa, paninindigan ko na itong resolba kong idistansya ang puso sa kanya.

Nang marinig ang namimilosopo kong pahayag ay bumaba si Liza sa bisikleta at sinabayan akong maglakad. Walang imikan at tanging ang bisikleta lang niya at mga naglalakad naming mga paa ang gumagawa ng ingay. Lumipas pa ang ilang sandali at doon pa lang si Liza nagsalita. Ang tono nito ay may halong pagmamakaawa, "Red, hindi ito ang magandang tagpo para sabihin sa iyo ang nais kong sabihin. At isa pa, inihahanda ko pa rin ang sarili ko sa magiging pag-uusap natin kung sakaling pumayag ka isang oras mamayang gabi. At ikaw rin, mukhang pagod ka, kailangan mo muna magpahinga. Matagal ko na ring gusto sabihin sa iyo ito pero wala akong lakas ng loob. Kaya, Red, sana pumayag ka mamaya."

Mula ang tingin kay Liza ay inilipat ko ito sa nilalakaran namin. Tugon ko sa pakiusap niya, "Ayaw."

Hindi na ako nag-atubiling lumingon ulit sa kanya para tingnan ang reaksyon niya sa sinabi ko pero batid kong ang sinagot ko sa kanya ay ikinalungkot niya. Sa pagpapatuloy kasi ng paglalakad namin, tumahimik na lang siya. Ako rin ay hindi na rin kumibo. Walang imikan sa pagitan namin sa loob ng mahabang sandali hanggang sa siya na lang muli ang nagsalita.

"Alam mo ba, Red, ang isa sa mga lubos kong ikinakatakot na mangyari sa buhay ko ay iyong itakwil mo ako."

Mula sa paglalakad ay napatigil ako at napahugot ng hininga. Nanatiling nakatutok pa rin ang paningin sa daang tinatahan namin, tumugon ko, "Liza, huwag naman sana ang ganituhan. Huwag ka namang magpaawa sa akin na para bang ikaw ang naaapi sa sitwasyon natin. Ako ang dehado rito. Kung sana ayaw mong itakwil kita ay sana hindi mo dinidistansya ang sarili mo sa akin. Bakit mo nga ba sinasabi ang mga ito sa akin ngayon lang? Noon ko kailangan ng paliwanag, ng eksplenasyon. Bakit bigla-bigla ka na lang magkakaganito? Magbibigay ng paliwanag na hindi ka naman na kailangan pa. Iniwanan ka na ba ng pinalit mo sa akin? Ganiyan ka na ba ka desperada?"

Marami pa sana akong sasabihin kay Liza pero hindi na ito natuloy nang sa panghuling iwinika ko ay isang may kalakasang palad ang dumampi sa kaliwa kong pisngi. Nag-iwan ito ng maanghang na pakiramdam na nagpaging tiyak sa akin na napasobra na ako sa sinasalita at lubos ko nang sinasaktan si Liza.

Nang hinarap ko ang babae at nakita sa mga mata nito ang tanawin ng sobrang lungkot qy agad akong nakaramdam ng pagkakonsensya. Ngayon ay wala ng tigil sa paglaglag ang luha sa parehong mga mata ni Liza.

"I-I'm s-sorry," nauutal na wika ko dahil hindi ko inaasahan ang ganoong tanawin ni Liza.

Kahit na tiyak akong malabo ngayon ang paningin niya dala ng luhang humaharang sa mga mata niya, gayunpaman ay nagawa pa ring ngumiti sa akin ni Liza. Namamaos na wika nito sunod, "Pasensya rin at nasampal kita, Red. Hindi ko lang kasi matanggap ang mga sinasabi mo dahil alam ko sa sarili ko na nagsakripisyo lamang ako para sa nararamdaman ko sa iyo. Hindi ako bumitaw at mas lalong-lalo nang wala akong ibang lalaki. Mas palalim na ang gabi, umuwi kana at tiyak akong hinahanap ka na. Alas niyebe mamaya gabi, kung papayagan mo akong mag-usap tayo ng isang oras, doon mo ako kitain sa madalas nating paglaruan nang mga bata tayo. Mauna na ako, Red."

Alter World Series 1: The Magical WorldDonde viven las historias. Descúbrelo ahora