Kabanata 3

88 13 0
                                    


Ang Kakaibang Lugar

Nananatiling nakahiga sa aking pinagbagsakan, ang ginawa ko ay kinumpirma kung tama ba itong aking hinala na puros pula na ang kulay ng lahat ng nandirito sa lugar na kasalukuyan kong kinaroroonan.

Mula ang tingin sa kalangitan na kanina ay tandang-tanda kong papadilim na sapagkat papalalim na ang gabi, naguguluhan ay lumingon ako sa kanan. Gaya ng kulay ng tanawin sa langit na una kong nakita sa pagmulat ng aking mga mata matapos ang pagkakaidlip, ang kanan ko ay parang pininturahan din ng pula ang lahat ng nandoroon. Sa mga damo na kanina ay kulay berde pa, mga nalagas na dahon na kung hundi kayumanggi ay dilaw kanina, nakatirik na mga puno na berde ang dahon at kayumanggi ang katawan, at ang mga pailan-ilang bunga ng mga puno-- hinog man ito o hilaw o nasa pagitan-- ang lahat ng mga ito ay naging pula.

Sunod akong napatingin sa kaliwa at nakumpirmang puros pula na nga ang aking paligid. Sa mga puno, sa mga bunga, sa damo, at sa mga nalagas na dahon. Muli akong napatingin sa kalangitan habang tinatanong ang sarili sa palaisipan na batid kong hindi pa masasagutan maliban na lang kung may makita akong isang tao na alam kung bakit naging ganito na ang paligid ko, "Natulog lang naman ako ng ilang sandali, ngunit bakit sa paggising ko ay naging ganito na ang lugar?"

Kahit na nakakaramdam pa rin ng kirot ang aking ulo dulot ng pagkakabangga kanina sa isang sanga ng puno, ako'y nagdesisyon nang bumangon. Isa-isa kong itinukod ang aking mga kamay sa lupa para maingat ang sarili, ngunit habang ginagawa ko iyon, napansin ko sa proseso ng aking pagbangon ang lamig ng mga damong nalalapatan ng aking mga palad. Nag-iba man ang kompleksyon ng aking paligid, mula kasi sa madilim ay naging pula na ito, nananatiling malamig pa rin ang mga damong unang nilapagan ng aking katawan kanina nang bumagsak ako sa lupa. Nasa parehong gubat pa rin ako na aking napasok sa ilegal na kaparaanan at bukod sa kulay ng paligid ay pareho na ang lahat. Duda naman akong may malakas na ulang paparating kaya naging pula ang lahat ng nakikita ko. Nakapanood kasi ako ng balita kaninang madaling umaga kung saan sinabi rito ang weather forecast na magiging maaliwalas ang panahon buong araw hanggang gabi. Ano ba kasi ang nangyayari ngayon?

"Tagna... tagna... tagna..." Kasabay sa matagumpay ko na pag-angat ng aking sarili ay ang mabilis na paglingon ko sa aking likod nang may narinig ako rito na parang mga taong nagsasalita. "Tagna... tagna... tagna..."

Nagtataka kung bakit may mga taong nandirito din sa gubat maliban sa akin at bakit nagsasalita ang mga ito ng isang kataga magkasabay nang paulit-ulit, mula sa pagkakaupo matapos na maingat ang sarili ay agad akong nagpasya na tumayo para matungo ang dako kung saan sa tingin ko nagmumula ang pinaghalong-halong boses ng maraming tao. Nang makatayo na ay sinimulan ko na agad ang paglalakad.

Mula sa aking kinaroroonan, hindi naman nalalayo ang bandang binabalak kong mapuntahan. Matapos kasi ang halos sampung paghakbang ay sa wakas nasapit ko na ang isang puno na sa tingin ko ay magiging mainam na lugar para makapagmasid at sa parehong oras ay hindi malalaman ng mga taong naririnig ko na nagsasalita na nandirito ako at nakikita sila sa kung ano man ang ginagawa nila. Unang dungaw ko pa lamang sa puno para makita ang banda kung saan nanggagaling ang pinaghalong boses, agad nang nanlaki ang mga mata ko sa nakita.

Sa isang bahagi nitong kagubatan ay may open space na parang pabilog. At sa pinakagitna nito ay may walong tao. Dahilan sa naka-cloak na mga ito na sa sobrang haba ay pati ang mga paa nila ay natatakapan, ewan ko lang kung sino sa mga ito ang mga pinanggagalingan ng parang babaeng boses na sumasabay sa iba sa pagsasalat ng 'tagna, tagna, tagna...' at sino naman dito ang mga lalaki na sumasabay rin sa pagsasalita ng parehong kataga nang paulit-ulit.

"Tagna... tagna... tagna..." nananatiling paulit-ulit nilang turan. Para silang mga kulto, ngunit para sa ano?

Sa pagpapatuloy ng aking pagmamasid sa kanilang kakaibang ginagawa, kalaunan ay may napansin ako. Dahilan sa nakaporma pabilog ang walong tao na tila may tinatawag, nang napadakong muli ang aking mga mata sa kanilang paanan, dito ko na nakita ang sa tingin ko magiging sagot kung bakit parang may tinatawag sila. Walong bato kasi ang nandoroon. Walong bato para sa walong tao, tama kaya ang hinala kong ang bawat isa sa kanila ay nagmamay-ari ng tig-iisang bato?

"Tagnamu oyak!" ang huling sinalita nilang magkakasabay bago makitang gumalaw-galaw ang walong bato at nagsimulang magbanggaan sa isa-isa. Kasabay sa pagkakaroon ng mga bitak ang mga ito dala ng impact, ay ang nakakasilaw na mga liwanag na nagmumula sa loob ng mga bato. Ang isang bato ay nagpapakita ng pula na liwag sa mga bitak nito, ang isa naman ay bughaw sa mga bitak, ang katabi naman nito ay dilaw, sa kabila nito ay berde, ang isa ay puti, ang isa ay brown, ang isa ay gray, at ang panghuli ay pink o rosas.

Nagpatuloy ang pag-untugan ng mag bato hanggang sa tuluyan nang magkatagpo ang mga bitak at nagsilaglagan ang outer layer ng bato. Agad na lumitaw sa paningin ko ang mga nakakamanghang bilog na bagay na may iba't ibang kulay at ang mga ito ay sabay na umangat papuntang ibabaw ng ulo ng bawat isa. Gaya nga ng hinala ko, ang bawat isa sa kanila ay mayroong bahagi sa walong bato na ngayon ay naging parang bola na ng mga iba't ibang enerhiya. Ngayon, ano na ang susunod?

Nananatiling nakamasid, ang sunod na nangyari ay ang paninigas ko sa aking kinatatayuan nang mapansin ang mga umangat na mga maliliwanag na bola ay isa-isang tinungo ang banda kung saan ako naroroon. Ngunit kahit na nabigla kaya hindi makagalaw sa kasalukuyang kinaroroonan, ay masikap ko pa ring pinilit ang mga paa ko para makahakbang paatras, kapag kasi matagumpay akong napuntahan ng mga makukulay na mga batong ito, mapagtatanto ng walong taong parang kulto na liban sa kanila ay mayroon pang ibang nandirito sa gubat na ito.

Ang mga bato ay patuloy lamang sa paglipad papunta sa akin, at ako naman ay tatlong hakbang pa lamang ang inaaatras. Ngayon ay apat na.

Dahilan sa napaisip na mamemeligro ang buhay ko kapag matagumpay nga akong natungo ng mga bato, ay nilakasan ko ang aking loob na mas bilisan pa ang paghakbang para hindi maabutan ng mga maliliwanag na bagay. Nilunok ko ang aking laway at tumalikod. Dito, aking binilisan na ang pagtakbo.

Ano ba ang mga bagay na iyon? Ibon lamang ang binabalak ko na kukunin sa pribadong kalupaang ito ngunit habang tumatagal pa nang tumatagal ang pananatili ko ay parang marami pa akong kakaibang bagay na makikita. Tama na itong kagaguhan, manghihiram na lang ako ng household pet sa mga kaibigan ko. Hindi naman siguro mahahalata ng guro at mga kaklase ng bunsong kapatid ko na hindi namin alaga ang hihiramin kong hayop. Gabi na at kailangan ko nang umuwi!

Ngunit kasabay sa ideyang iyon na pumasok sa isip ko ay ang paglitaw ng isang katanungan. Dahilan kasi sa pagkakaidlip ko kanina ay nawala na sa loob ko kung saang banda ako nanggaling kanina. Paano kung sa maling direksyon pala ako patutungo? Paano kung imbes na makalabas na sa gubat na ito ay mas marami pa akong matutuklasan na kababalaghan?

Dahilan sa natagalan na rin nang sinimulan kong tumakbo palayo sa mga tingin ko'y bola ng enerhiya, ngayon ay nagkaroon na ako ng lakas para lumingon sa aking likod. Isang ginhawang parang nabunutan ng tinik sa lalamanunan ang kumawala sa akin nang mapagtantong wala na ang mga bagay na iyon na sa tingin ko ay sumusunod sa akin. Baka dahil sa takot ay agad ko lang naisip na ako ang pupuntahan ng mga iyon kung sa totoo lang ay iba naman pala. Ngunit kung hindi ako, sino o ano ang pupuntahan ng mga iyon?

Mula sa pagtingin sa likod ay muli kong ibinalik ang tingin ko sa aking tinatakbuhan. Ngunit gaya ng nasa isip ko kanina ay marami pang kababalaghan ang nagbabadyang magpaparanas sa akin. Agad akong napatigil sa pagtakbo at nahihingal na napapatitig sa isang partikular na hayop.

Kung kanina ay ibon, sunod ang pulang paligid, pagkatapos ang mga kultong iyon na may mga makukulay na bato, ngayon ay isang naglalaway na lobo na naman ang nagpakita sa akin.

Bahagyang umihip ang may kalamigang hangin, doon ko pa lang napansin na pinagpapawisan na ako.

Napatingala ako sa pulang kalangitan at nang makitang bilog ang buwan ay napatanong ako sa aking sarili ng ganito: katapusan na ba ng buhay kong ito?

Ang lobo kasi kapag bilog ang buwan ay nagiging mas mabangis pa.

@HuntingFantasy

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now