Kabanata 17

4 1 0
                                    


Sino ang Nakita ni Redmon?

Dahil sa nakakasilaw na liwanag na bumalot sa paligid ay wala akong nagawa kundi napapikit na lang ng mga mata. Minulat ko na lamang muli paningin nang mapansing parang napunta na ako sa ibang lugar. Kung kanina ay nakatayo ako, ngayon kasi ay parang nakalatag ako sa isang magaspang na sahig. Nagtaka kung bakit ganito, nasagutan lamang ang palaisipang kung ano ang kasalukuyang nilalapagan ko nang mamulat ko nang muli ang mga mata ko.

Sa isang banda ng kagubatan na pinasok ko kanina sa ilegal na kaparaanan ay may nagtipun-tipung mga tuyong dahon. Nakadapa sa taas ng mga ito ay walang iba kung hindi ako. Agad ko namang itinayo ang sarili at inalis mula sa pagkakadikit sa balat ko at damit ang iilang tuyong dahon. Itinuwid ko ang pagkakatayo at dito pa lang napansin na may bag akong dala. Ang bag na mula pa sa maze ay hanggang ngayon nasa akin pa rin. Tiningnan ko ang loob ng pinakamalaking lalagyan dito at nakitang nandirito pa rin ang itlog. Katabi nito ang keeping card na may litrato ng dragon ko at ang sobre na ibibigay ko sa mga magulang ko.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago binalak na lalabas na sa kagubatan. Ngunit tatlong hakbang pa lamang ang nagagawa ko papunta sa chain link fence na tanaw ko-- na siya ring inakyat ko kanina-- ngayon pa lamang bumalik sa isip ko ang pinakakadahilan kung bakit nga pala ako nagresulta sa pagpasok sa pribadong lugar na ito. May bigla na lang kasing sumulpot na maya sa unahan ko. Patalon-talon lamang ito na tila walang balak na lumipad kahit nakita na niya ako. Gumawa ako ng isang hakbang palapit sa kanya, ngunit imbes gawin na niya itong hudyat para sumibat, pinasadahan niya lang ako ng tingin sabay tagilid ng ulo niya.

Muli kong inihakbang ang paa ko palapit sa maliit na nilalang at mas ipinagtaka na hindi man lang ito kakikitaan ng pagkaalarma na mas malapit na ako sa kanya kaysa kanina. Muli akong gumawa ng hakbang ngunit tila wala talagang paki sa akin ang ibon. Napapaisip na baka may mali sa maya na ito-- maaring may injury, o baka may iba talaga sa kanyang instinct-- para malaman kung aling sa dalawang hinalang iyon ang tama ay kinuha ko ang ibon. Hindi naman ito pumalag at sinalubong lamang ang kamay kong may pagtataka. Inexamina ko ang katawan ng ibon at ipinagtakang wala naman akong may nakitang mali rito. At nang lulundag na sana ako sa konklusyon na may saltik ang ibon na ito-- nang pasimpleng napadako ang paningin ko sa isa sa mga sanga ng puno sa kanan ko-- ngayon ko lang napansin ang maraming bilang ng mga ibong namamahinga rito ang maamong nakatingin sa akin. Napatingin ako sa iba pang sanga sa mga punong nakapaligid sa akin at dito ko pa lamang napagtanto na napapalibutan ako ng mga ibon-- maya man ito o hindi-- na maamong nakatitig sa akin. May narinig akong pagsipol at kalaunan ay sinundan ito ng pagkanta na nagmumula sa aking likod. Tandang may taong paparating. Ngunit bago pa ako magsimulang makaramdam ng pagkataranta sa posibilidad na baka mahuli ako ng taong kasalukuyang gumagawa ng ingay, walang anumang ay sabay-sabay na lumipad ang mga ibon papunta sa pinanggagalingan ng pagkanta. Ewan ko lang kung ano ang tunay na rason kung bakit nila ito ginawa, pero ang sarili kong interpretasyon sa nangyari ay marahil sabay silang lumipad papunta sa isang direksyon upang ma-distract ang gumagawa ng ingay nang hindi ito mabilis na makapunta sa akin. Kapag kasi nagpang-abot kami ng kumakanta ay mahuhuli nga ako ng taong paparating na nandirito ako sa pribadong lugar na napasok ko sa ilegal na kapaaraanan. Tatandaan niya ang pagmumukha ko at hahanapin upang makasuhan. Nagagalak na hindi lang dragon ang kayo kong paamuhin, kundi mga ibon din, hindi ko na sinayang ang pagkakataong ibinigay sa akin ng mga kakaalis lamang na mumunting nilalang at sinimulan na ang mabilis na pagtakbo papunta sa chain link fence. Nang masapit ko na ito ay agad akong umakyat upang tuluyan nang makalabas sa kagubatan...

Mga minuto na rin ang lumipas nang makaalis ako sa lugar na iyon. Hawak-hawak ang maya sa kanan kong kamay, kasalukuyan na akong naglalakad pauwi sa bahay. Mag-isa tinatahak ang gilid ng highway habang dinarama ang may kalamigang simoy ng hangin, napatingala ako sa kalangitan at napahingang malalim.

Alter World Series 1: The Magical WorldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang