Kabanata 5

58 14 0
                                    


Ang Papunta ng Kabilang Mundo

Minulat ko ang aking paningin at lubos na ikinagulat ang sunod na nakita.

"Ahh!" wika ko bilang reaksyon sapagkat kasalukuyang nalalaglag ako mula sa kalangitan. Paanong nangyari ang ganito? Kanina lamang ay nasa loob pa ako ng puno sapagkat may dalawang kamay na humawak sa akin at hinila ako papasok ng narra, ngunit bakit ngayon ay papabagsak na ako sa lupa? Hindi naman yata tama ito, tadhana. Magsalita ka nga, ligtas na ako kanina mula sa lobo, e. Gusto mo ba talagang mamatay na ako na kahit ang mga napakaimposibleng pangyayari ay kaya mong likhain para lamang mawala na ako sa mundo? Dahil lang ba ito sa pagpasok ko sa kagubatang iyon nang walang paalam? Pasensya naman!

Kung tama ang tantsya ko, pagkamulat na pagkamulat ng aking panigin ay nasa sikwenta metros ang distanya ng sarili ko mula sa pagbabagsakan lupa. Kahit na may ilang segundo pa ako para makapagngilay-ngilay sa aking mga nagawang kasalanan, wala na rin iyong kwenta dahil hindi na ako makakahingi ng tawad sa lahat ng nagawan ko ng mali sapagkat patay na ako sa pagkakataong lalapat ang aking katawan sa berdeng kapatagan. Sa may-ari ng gubat na ilegal ko na napasok, pasensya; sa mga magulang kong nilabagan ng curfew, hindi ko na iyon mauulit; at sa kapatid kong pinasama ang loob ay sana maintindihan mo ako balang araw, sawa kasi iyon at hindi household pet. Ito na talaga, babagsak na ako. Patawad at paalam, sa mga iiwanan ko sa mundo.

"Plant Creation Magic: Trampoleaf!"

Rinig kong may nagsalita, ngunit sa kadahilanang natatakot akong makita ang aking kamatayan, pinanatili ko lang nakapikit ang aking mga mata. May tao bang lumikha ng panibagong magic? Kasi naman, ang narinig kong mga katagang isinalita ay katulad na katulad sa dalawang tao na tumulong sa akin kanina.  Iyong nagsalita ng 'Fire Bending Magic' at 'Recovery Magic'. Tama ba ang hinala ko na may isang tao na naman akong ma-e-engkwentro na marunong din gumamit ng mahika? Ngunit mamamatay na ako, paano ko pa siya ma-e-engkwentro?

Nanatiling nakapikit habang patuloy na nalalaglag, ngunit nang papalapit na papalapit na ako sa aking kawakasan ay ipinagtaka kong wala akong may naramdamang sakit nang lumapat ako sa isang malambot na bagay.
Akala ko lupa ang kababagsakan ko, ngunit bakit malambot na ito? O, sadyang namatay na ako na walang may naramdamang sakit dahil sa bilis at tindi ng impact ay agad na namanhid ang utak ko?

Sa pagpapatuloy ng aking pagkakapikit, kalaunan ay napansin ko na ang kinalalapagan kong malambot na bagay ay parang umiigting. Nagtaka sapagkat hindi ganito ang lupa, hindi umuunat ang lupa, sabay sa pagmulat ng mga mata ko ay ang pagkakaroon ng realisasyon nasa isang trampoline ako na gawa sa dahong kawangis ng water lily pala ako nalaglag. Ngunit kasabay sa pagkaramdam ng galak na buhay pa ako, ang muling paglipad ko sa himpapawid nang sa wakas ay ni-repel na ako ng trampoline.

Kinabahan sapagkat muli na naman akong mapupunta sa himpapawid, subalit mas matindi roon ang kaligayan ko kaysa panatilihin lamang na problemado ang aking ekspresyon. Ligtas ako, yohoo! Kaya naman, parang isang batang paslit na anong saya na tumatalbog-talbog sa trampoline ay iyan ang malapit na pagkakahalintulad ko sa sarili kasalukuyan. "Hahahaha! Buhay ako!"

"Ang saya mo naman, binata," sa pagpapatuloy ng aking pagtawa habang tumatalbog-talbog ay napatigil ako sa aking ginagawa nang may narinig akong nagsalita mula sa aking kanan. Nagtaka kung sino ito, ngunit sa pagitan ng aking pag-iisip kung ano ang mga posibleng sagot sa palaisipang iyon ay may napagtanto ako. Siguro siya itong may rason kung bakit imbes na lupa ang kababagsakan ko, may malaking dahon na parang water lily na lumitaw para pigilan iyong mangyari.

Patuloy sa pagtalbog-talbog, ngunit hindi kagaya kanina, ngayon ay papaliit na pag-umpok-umpok ko. Hinarap ko ang taong may babaeng boses para makausap ito.

"Sino ka?" tanong ko.

Mula sa maligayang mukha ay agad kong napuna ang pagsasalubong ng kilay ng isang babae na nasa kanyang thirties na siguro. Bakit napalitan ang kanyang ekspresyon? May nasabi ba akong mali?

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now