Kabanata 20

5 0 0
                                    

Sa Daan Pauwi, Sa Maaliwalas na Gabi

Sa patuloy ng paglalakad ko pauwi ay may nararamandan akong kakaiba. Ewan, parang mayroong sumusunod sa akin. Ngunit kung ililibot ko naman ang paningin sa paligid ay wala naman akong may nakikitang ibang tao. Guni-guni ko lang ba ito? Pero, parang may iba talaga. Ano kaya ang pakiramdam na ito?

Napatingala ako sa kalangitan at nabatid na wala naman akong may nakikitang dapat ipuna roon. Kagaya lang ng kanina ang tanawin kasalukuyan. Maaliwalas at masiglang tumatanglaw sa paglalakad ko ang buwan at mga bituin.

Muli kong ibinalik ang tingin sa unahan at nagpatuloy sa pag-abanse. Muling napadako ang isip ko sa nangyaring usapan sa pagitan namin ni Liza kanina. Bahala na siya. Mabuti na rin at tinapos ko na ang namamagitan sa amin dalawa kaysa tanungin ang sarili ng napakaraming tanong. Ayaw ko nang mas pag-isipin pa ang sarili. Marami na akong intindihin simula ngayon. May bagong mundo pa akong tutuklasin.

Mula sa paglalakad ay napatigil ako nang umihip ang may kalakasang hangin. Napakalakas ng daloy nito na wari mo'y may nagbabayadyang unos. At nang sa tingin ko ay lumipas na ang napakahabang sandali at hindi pa tumitigil sa pag-ihip ang hangin-- at kung tama ako ay mas lalong lumulakas pa ito— doon ko na napagtantong may kakaiba talaga.

Tumingin ulit ako sa kalangitan at napansin na may nagsisimulang mamuo na kaulapan. Ngayon ang maaliwalas na kalangitan ay unti-unti nang nagdidilim. Hindi nagtagal ang masiglang buwan ay hindi na tanaw, ang mga bituin naman ay mabilisang nawawala. Nagsisimulang nang magdamaot ang kalangitan sa taglay nitong kagandangahan. Pero parang ang bilis naman ng mga pangyayari?

Nagpatuloy ang pagtingin ko sa kalangitan hanggang sa napababa ako ng tingin nang may napansing may bumagsak sa mukha ko na basa at malamig na bagay. Hinawakan ko ito at inamoy. Napagtanto ko na hindi ito dumi ng ibon o anumang hayop na lumilipad. Kasabay ng realisasyong iyon ay nagsimula nang dumami ang pagpatak ng malamig at basang bagay hindi lang sa katawan ko kundi sa paligid.

Umuulan na: napasabi ko na lang sa sarili. Dahil sa wala akong dalang payong at kung ano mang panangga sa tubig ay minaigi ko na lang na bilisan ang paghakbang para makauwi na. Kumusta naman kaya si Liza. Nakauwi na kaya iyon? Basa na na ba siya?

Habang sinusuong na ang mas lumalakas pang ulan, napangiti na lang ako sa isiping na kahit gaano ako kagalit sa babaeng iyon ay may lugar pa rin siya sa puso ko. May nararamdaman pa rin akong awa sa kanya.

Nang...

Mula sa pagtakbo ay mabilis akong napatagil nang biglang umuhip ang malakas na hangin. Kinukontra nito ang direksyon kung saan dapat akong pupunta. Ngunit bakit ganito? Kanina ay sa likuran ko nagmumula ang malakas na hangin. Ngunit ngayon ay sinasagupa na ako nito. Hindi ganito kabilis magbago ng ihip ang hangin. Ano ang nangyayari?

Mula sa maraming pagtataka na isa-isang sumusibol sa isip ko ay napatitig ulit ako sa kalangitan nang may narinig akong isang partikular na tunog. Dito ko napansin na ang dilim dilim na ng langit ngayon. Nagsisimula na ring kumulog.

Ganito ba dapat kapag kagagaling mo lang sa Alter World? Puro mga hindi na pangkaraniwan ang mga nangyayari sa iyo? Natural na ba ito? Kaso realidaad ito! Dapat may siyantipikong eksplenasyon ang lahat ng mga pangyayari!

Dahil gusto ko na talagang umuwi ay tinatagan ko na lang ang sarili at sinagupa ang malakas na hangin. Wala kasing mga bahay dito at kung sa mga puno naman ay baka mabagsakan lang ako nito. Mula rito ay may sampung minutong layo pa ako na dapat lakarin. Ngunit ngayon na bumabagal ako ay mukhang mga kalahating oras pa na lakarin ito. Muling napatawa ako sa sarili. Mukhang dito ko pa nadadali ang sarili ko. Nakaligtas nga ako sa mga panganib na nandoroon sa Alter World, ngunit dito sa realidad ay parang hindi ako aabutan ng isang oras na.

Patuloy lang ako sa mabagal na paglalakd. Nang...

Sabi na nga ba!

Ilang metro mula sa kinatatayuan ko sa unahan ay tumama ang isang napakalakas na kidlat. Sa lupa ito sumaksak at sa kagandahang palad ay hindi ako nakaramdam ng kahit mahinang ground.

Ang pangyayari ngayon ay katulad na katulad ng mga naranasan ko roon sa maze.

Pero tama ba ang hinala ko na kagagawan ito ng isang tao na maalam sa mahika? O isang nilalang na mula sa Alter World na makapangyarihan? Pero sino o ano naman kaya ito?

Nanatiling nasa kinatatayuan, ngayon ay nararamdaman ko naman na gumagalaw ang lupa. Lumilindol! At dahil mahina ang balanse ko sa kasalukuyang postura ay mabilis naman napatukod ang tuhod ko sa lupa.

At mabuti na lang na ganoon ang nangyari. At kung hindi ay malamang tumama na mula sa likod ko ang isang lumang yero na palipad-lipad. Malamang may naputol ng bahagi ng katawan ko kung nasaktong tumama iyon sa akin.

At napangiti na lang ako nang nagsimula namang magyelo.

Ah grabe naman ito!

Kahit na nanginginig na ay hindi iyon naging hadlang para ikompos ang sarili at magsimulang mag-isip para matunton ang pinagmumulan ng mga abnormal na mga pwersa ng kalikasan.

Sa tuwing ako ay ngumingiti ay may nangyayaring kakaiba. Malamang ay natatanaw ng tao o nilalang na ito at gumagawa ng panibagong natural phenomena para pahirapan pa ako lalo.

Pero kapag tuluyan namang mapeligro ang buhay ko ay inililigtas ako nito. Katulad ng biglaang pag-iba ng hangin para pabagalin ako at huwag matamaan ng kidlat at makaramdam ng kahit na mahinang electric shock. Ganoon din noong lumindol para ibaba ako at huwag matamaan ng delikadong yero.

Saan ka kaya nagtatago?

Muli kong inilibot ang paningin at agad na may napunang isang kakaibang bagay ang nagkukubli sa isang puno. Tama nga ang isang hinala ko na kung hindi tao ay malamang isang nilalang ang may pasimuno sa mga kakaibang nangyayari sa akin kasalukuyan. Umiilaw ng kulay pula ang mga mata nito kaya agad ko itong napansin. Parang ang laki ng galit ng nilalang na ito sa akin.

Kahit na nagsimulang matakot sa kung ano ang posibleng mangyari sa akin kapag napuntahan ko na ito ay nilakasan ko na lang ang sarili at nagdesisyong puntahan na nito. Hindi naman ako siguro sasaktan nito ng lubos dahil iniwas nga ako nito sa dalawang beses na tuluyang pagkapahamak kanina. Pero ano kaya ang nilalang na ito at bakit niya ako gustong pahirapan?

Mula sa kinatatayuan ay nagsimula na akong tunguhin ito. Nang mapansin ang ginawa ko ay nawala ang ilaw sa mga mata nito. Ngayon ay tumigil din ang mga weather phenomena. Patuloy lang akong tinitigan ng nilalang hanggang sa malapitan ko na siya.

Nang...

"Fabgrace?" gulat at lito na wika ko.

Si Fabgrace ay isang creature doon sa Alter World. Ngunit ang pinagkaiba nito sa mga ordinary na Alter World creature ay under sa classification ng pagka-legendary ang nasabing nilalang. Paliwanag pa ni Pink o Pyrena Inigma Noctolis Kaem sa amin ay may kakayahan itong magsanhi ng kahit na anumang weather phenomena. Siya nga ang may pasimuno ng  mga kakaibang pangyayari.

Pero bakit nandirito ito? Sino ang may ari nito?

Ang kakilala ko kasi na mayroon nito ay si Margaret Cristobal. Pero napakaimposible naming nadirito rin si Margaret sa lugar na malapit sa bahay ko. At bakit naman niya uutusan ang Alter World Creature niya para pahirapan ako? Hindi , hindi ito si Margaret. Kung taga rito lamang siya ay malamang nakilala ko agad siya doon sa Alter World. Pero sino nga ang may ari nito?

Mula sa inosenteng tingin sa akin ni Fabgrace ay inirapan niya ako. Kung tao lamang ito ay walang duda na suplada ito. Nagsimulang lumutang palayo sa akin ang badtrip na nilalang.

Dahil sa na-curious kung saan ito pupunta at kahit na nilalamigan na ay nagdesisyon pa rin ako na sundan ito.

Tanong ko sa sarili: saan ka kaya pupunta, Fabgrace?

Alter World Series 1: The Magical WorldWhere stories live. Discover now