CHAPTER 36: STAY CLOSER

3 0 0
                                    

" A...arc.." mahinang sambit ko. Agad kaming napabitaw ni Quinn.

"Kanina ka pa A-"

Arc cut her off. "You are now free to call me Uno, since...I guess... people here knows my identity." Sabi nya at dahan dahang lumapit sa amin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

Ibig sabihin narinig nya!

Napayuko naman si Quinn. "Leave us Harley. We need to talk." Agad napatingin si Quinn kay Arc.

"No." Pagtututol nya. Anong problema ni Quinn? Sabi nga nya magpapatulong kami kay Arc, ba't ganito sya makareact?

Napapikit si Arc at halatang nagpapakalma ng sarili.

"I have an important thing to settle with Friday." Seryoso nyang sabi habang nakatingin ng diretso sa akin. Bumilis naman ang tibok ng puso ko habang tahimik na nakikinig sa kanila. Hindi ko alam kung bakit sa bawat bigkas ni Arc ng pangalan ko ay biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Abnormal na ata ang puso ko. " Don't make it hard for me to convince you Harley."

"How can I leave you with her settling that thing when last time I let you, my friend was nowhere to be found." Pagrarason ni Quinn. Nanlaki ang mga mata ko na napatingin kay Quinn.

So, ang ibig sabihin-teka, ano ang ginawa ni Arc? Don't tell me yun din ang mangyayari sakin?

"Leave." Maawtoridad nyang utos kay Quinn.

Napahawak naman agad ako sa kamay ni Quinn. At binigyan sya ng wag-mo-akong-iwan-sa-kanya look.

Ito na ba yung sinasabi nila na kapag malaman mo ang bagay na to, matakot kana para sa buhay mo. Makaligtas ka man mula sa ibang kamay, wala ring takas sa nagmamay-ari ng impormasyon na yun.

How ironic. Sumali ako rito ngunit takot akong mamatay. Ang adik ko talaga.

Natigil ang mga iniisip ko nang may mambulabog na boses mula sa pinto. Agad kaming napatingin sa kanya.

"Hey, hey." Masayang bati nya sa amin. May hawak pa syang bote ng beer. " I smell the great tension here." At nag-akto pa syang sumisinghot sa hangin. "Exciting." Nakangiti nyang sambit. "What's happening?" May pagkachismoso talaga tong taong to.

"Take this woman out of this room, Saturn." Pagtutukoy nya kay Quinn.

"No." Pagmamatigas ni Quinn.

"But why-" hindi na natapos ni Saturn ang sasabihin nya dahil sa ginawa ni Arc.

"JUST TAKE HARLEY OUT OF THIS ROOM."Sigaw ni Arc.

Lahat kami ay nagulat sa pagsigaw ni Arc. First time kong masaksihan ang ganitong asal ni Arc. At tingin ko'y pati sila Quinn ay ganun din.

Ilang sandali pa'y binigyan sya ng tinging may pagtutol ni Saturn. Na tingin ko'y hati kung sino ang susundin nya. Si Arc ba o si Quinn.

"It's our code one." Sagot nya sa tingin ni Saturn. Bumalik naman sa pagiging cold ang boses nya.

Teka, ba't di ko alam ang code na yan?

Halatang nagulat si Saturn sa sinabi ni Arc. Agad nya namang hinatak si Quinn.

"Teka! Teka!" Pagpupumiglas ni Quinn. Halatang nahihirapan si Saturn na hatakin sya ngunit wala rin syang kaya sa lakas ni Saturn. "Hoy! Mas matanda ako sa inyo! Kaya kailangan nyo akong sundin!" Sigaw pa nya bago makalabas.

" I'm sorry Quinn. Its the order." Dinig kong sabi ni Saturn.

At bago sila tuluyang makalabas ay binigyan din ako ni Saturn ng pity at sorry look. Saka sinara ang pinto. Nilock naman ni Arc ang pinto.

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now