CHAPTER 11: REASONS

10 1 0
                                    

“ uyy Friday, free ka ba tomorrow night?” tanong ng isa kong blockmate.

“ why?”

“ magcecelebrate kasi ang whole cast ng Hairspray mamaya mga 6 pm.” Ayy, tama kasama pala ako sa cast. Kunsabagay, kailangan ko na ring magrelax kasi katatapos lang din ng mga exams namin.

“I’m sorry, meron kasi akong pupuntahan.” I decided to spend it with my comrades.

“ayy, sayang naman. Actually pwede ka namang humabol eh if-“

“ mas importante yung pupuntahan nya.” Sabat ni Mita. I look at her, she flashed with a boring look.

“ ganun ba? Sige alis nako.” Paalam ng blockmate ko saka sya umalis.

“bakit ganyan ang mukha mo?” tanong ko kay Mita.

“ wala.” Saka sya tumalikod.

“ hoy, ano naman ba to?tell me.” Humarap sya na parang naluluha. “ hoy, bakit? Bakit ka naiiyak?”

“eh, kasi parang malayo kana sakin, lagi mo nalang kasama yung mga bago mong ka bra-“ agad kong tinakpan ang bibig nya. Kinuha nya naman yun. “ wala kanang time sakin pati kay Lutos. Pinagpalit mo na kami.”

Narealize ko ngang medyo nawawalan na ako ng oras minsan sa kanila. Perks of having a many and different friends. I guess I need to balance it now. 

“ Mita…” I sighed. Umaandar naman ang pagiging cry baby, selosa at childish nya.

“ I guess you found another good friends, good company.” May tampo sa kanyang boses.

“yeah you’re right. I found another good friends and good company.” Nagbago ang mukha nya, at tuloy-tuloy na bumagsak ang kanyang mga luha.

“ so? should I get out of your way, for you to be with your NEW good friends?”

“ no, it’s not like that Mita.” I paused. “True, I find them good but they can never replace you and Lutos. Friends diba tayo forever?” ngumiti sya. Agad ko naman syang niyakap. “ sorry, for this.”

“ talaga?” tanong nya. Tumango lang ako. Nakakatawa para syang bata.

“ alam mo, gusto nga kitang dalhin doon kaso…” sabi nang kumalas na sa pagkakayakap sa kanya.

“ kaso?”

“ that place is not suitable for you.” A dangerous place sometimes. I need to preserve her innocence in some ways. Ayokong maranasan nya ang dinanas ko. Pakiramdam ko nga nasayang lang ang lahat dahil na kumpirma ko na na hindi rin pala ako naaalala ng taong dahilan kung bakit ko pinasok yun. Ngunit may naiwan pa akong rason kung bakit ko pa ipagpapatuloy ito.

“ you know that place…” I want to tell her how dangerous and fearful that place is but… “ basta hindi pwede. Atsaka nandun si Charles baka pagalitan nya ko. But promise dadalhin kita sa isa sa mga outreach namin.” Ngumiti naman sya.

“Alam ko ang mga ngiting yan...si Charles.” Tukso ko sa kanya. “ so, okay kana?” yumuko lang sya at tumango.

“wag kana kasing magselos sa kanila.” Napatungo naman sya.

“ sinong nagsabing nagseselos ako? Hindi ah, no way.” Pagtatanggi nya.

“yiieee.” Tukso ko.

“ hindi nga, hindi ka naman lalaki, hindi rin kita boyfriend ba’t ako mageselos?”

“talaga?” she pouted. Hindi sya tumitingin sakin. “ sige, sasama nalang ako sa kanila. Bye Mita.” Akma nakong aalis nang pigilan nya ako.

“ sandali.” Napatigil naman ako.

“bakit?” tanong ko saka ko sya tinaasan ng kilay.

“ oo na, nagseselos nako.” Pag-aamin nya.

“what?” I want to hear it again haha.

“ tss, tara uwi na tayo.”
-
“ so, kumusta ang exam guys?” tanong samin ni Janus.

“good.” Sagot namin. Totoo nga ang sabi ni Lutos, may advantage sa grupong ito. May libre akong tutor, bali kaming lahat. Thanks to Knight Andrews and Quinn Harley, pasalit salit sila ng turo saming nahihirapan sa subject. School base lang ang pagtitipon namin ngayon so, lahat ng *** na taga indigara ay nandito.

“hey, matanong ko lang bakit ka sumali dito sa anong rason?” tanong ko kay Jim.

“ ako?” tumawa sya saka lumagok ng beer na hawak nya. “ marami. Family problem, I’m depressed that time, I need someone or group to talk to that’s why. Ikaw?” tanong nya sakin.

“ because of someone.” Diretsa kong sagot.

“ bakit? Nadamay ba sya sa alitan ng mga organisasyon kaya gusto mong maghiganti?” usisa nya.

“ no, it’s not like that.” Mahina kong sabi.

“ah, ganun ba, kung sino man sya I can say that he’s lucky to have you. Biruin mo,na kaya mo all the way here just for him.” Napangiti lang ako sa sinabi nya.“ sige kuha lang ako ng beer.” Sabay tap ng balikat ko.
-
“ ako? Well, pressure lang sa friends.”

“I’ve nowhere to go.”

“Depressed.”

“ sign of rebelling to my parents.” Nanlaki ang mga mata ko sa rason nya.

“ I need attention.”

Isa sa mga di ko diretsang masabi na walang kwentang rason ng mga natanong kong kasamahan kung bakit nila pinasok to because I don’t know the whole truth but it sounds lame to me. As for my reason , well besides it is for someone which is way to much lame, I have one great reason which I think reasonable when it is succeded.

“ well, to have connections at makapasok sa cheerleading squad.” Sagot naman nung cheerleader ng school namin sakin.

“ for popularity and to win the SSC candidacy.” Sagot nung SSC president namin.

“ free tutor?”

“ to get an access to main.”

“para hindi nako mabully.” Sagot naman ni Rita. Antapang nya para sa isang nerd na gawin ang bagay nato.

Kunsabagay, bullies can change a character of a person. Bullies create bullies. It can create a monster as well. Nabully din ako dati eh, nakakababa talaga ng self-esteem. Parang ayaw ko ng pumasok sa school nun dahil sa bully, it makes me depressed always and it change my perspective in life until I decided to conquer it and accept my flaws, that’s how I’ve escaped the depression feeling.

Talaga namang may mga problema ang mga tao dito, they find comfort among themselves. Mabuti nalang at kahit pumasok sila sa ganitong lugar eh, hindi napariwara ang buhay nila dahil ang *** ay nagfofocus sa studies ngunit hindi rin maiiwasan ang party-party paminsan minsan. Mabuti nalang sekreto ang mga members nito dahil nag-iingat at umiiwas kami sa mga riot at kung ano ano pang gulo.

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now