CHAPTER 34: LION'S ROAR

1 0 0
                                    



Pagkasabi nun ni Arc ay agad akong nabitawan ng lalaki. Yung kamay nya'y nakapigil na ngayon sa pagsasakal sa kanya ni Arc.

Sinubukan nyang suntukin si Arc ngunit mas lalong hinihigpitan ni Arc ang pagkakasakal sa kanya. Nakita kong namumula na yung lalaki at pakiramdam kong hindi na sya masyadong nakakahinga kaya napagpasyahan kong lapitan na si Arc.

" let go Arc." Wika ko sabay hawak sa kamay ni Arc na sumasakal sa lalaki. " Arc." Tawag ko ulit. Nakakatakot na si Arc. " Arc, let go baka mapatay mo sya." Naaalarma na ako.

" tss. How dare him." Mahina nyang wika.

" Arc, tapos na. Please, bitawan mo na sya." Pagmamakaawa ko.

" no." cold nyang sabi. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.

" Arc naman, bata ka pa. ayokong makulong ka. Please, bitawan mo na."

" no." Aba't an'tigas ng ulo. " I'm waiting for his boss."

"pwede mo namang hintayin yung boss nya na hindi sya nasassakal."

"okay." Yun lang ang sinabi nya. Saka nya hinampas sa batok ang lalaki dahilan para mawalan agad ito ng malay.

Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa nya. " what have you done?!"

" I just did what you said. I'm waiting without him choking." Kaswal nyang sagot.

Hindi na ako umalis sa tabi nya habang hinihintay nya yung boss nitong lalaki. Baka kasi ano na naman ang gawin nya.

We heard a clap from our backs. Kaya sabay kaming napalingon. This guy! Yung lalaking may dating. Nasa likod nya ang anim nya pang kasama.

" uyyy, ang member ng *** na frat." Nakangiti nyang bati kay Arc. " or should I say... LEADER NG INDEPENDENT *** na frat?" Arc glared at him in return of his smile.

" tss. I don't know that you dig too far, for that information."

"I need to. So that, I'll know how to drag you down." Ano na naman ang pinag-uusapan nila? O.P. ako.

" drag? Tss." He scoffs. " Big word....too big which you can't handle."

" wala ka talagang kakupas-kupas Arc." Pailing nyang sabi kay Arc.

"I'm here to warn you, Zach." Saka sila nagsukatan ng tingin. " don't just drag someone, especially in my territory."

Napa-atras naman ako dahil sa pagtitig sakin nung si Zach.

" I don't care if it's your territory, I.want.her." Saka nya ako tinuro.

" bakit ako?" mahina kong wika. Kainis naman oh. Kanina pa sya!

" you can't have all of your wants, Zach. Just go back to your place...peacefully. I don't want to cause any casualties, especially here in my territory." Kalmado nyang sabi.

" sinabi ko naman sa'yo.. I want her. At aalis lang kami pag kasama sya." Pagmamatigas ni Zach. An'tigas talaga ng bungo ng taong to. Ayoko ko nga shebe eh. Keinis.

" in my territory, everything in it... is mine... and SHE'S MINE. You can't have her.. " He stated while looking straight to Zach. Okay, kailangan kong iprocess muna ang mga naririnig ko mula sa kanila. Wait, pinag-aagawan ba nila ako? Kung oo, ang ganda ko naman. Haha. Behave Friday. Hindi na maganda ang nangyayari. I scolded myself.

"..or anyone out of their will." Panira naman ang karugtong.

" haven't you heard the sayings about me?..." at isang nakakapangilabot na ngiti ang binigay nya kay Zach. "... Arc is the name..."

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now