CHAPTER 17 : SUDDEN

10 1 0
                                    

“ Hindi muna tayo magmemeet this Friday night.” Anunsyo ng Quinn bago kami umuwi. First time na nag-anunsyo si Quinn na walang meet up Friday night. Napapansin kong lagi silang wala every Friday night. Minsan sila Charles , si Arc, o si Quinn at yung iba pa namin mga kasama kada friday,ngunit ngayon lang sya nag-anunsyo na walang hang-out. I wonder why. Umaandar na naman ang pagiging curious ko.

“ bakit naman?” tanong ko kay Quinn habang paalis kami ng meeting place dito sa school.
“ to have time to your other friends and relatives.” Masaya nyang tugon. Napatango nalang ako. Siguro nga namimiss na nila ang mga pamilya nila.

--
“ pre, mamaya ihanda mo na ang best mo tataya ako.” Dinig kong sabi ni Rome na blockmate ko kay Joshen. Bakit may ano ba? Lagi ko nalang naririnig ang mga ganyang linya sa mga kaklase kong lalaki kada uwian. Ngunit iba ata ngayon, kahit nandito sa cauntyen ay nag-uusap sila ng mga ganitong bagay.

“ihanda mo na ang malaki laki mong taya dahil madodoble yan mamaya.” Tanaw ko nagtawanan sila at naghigh five sa isa’t-isa. Isang grupo silang nakaupo malapit lang samin Mita, isang mesa lang ang pagitan namin.

“ hoy” pasimpleng sinipa nung lalaki ang upuan ng babaeng nakaupo sa mesang pagitan namin. Ang babae naman ay patuloy lang sa paghahalo ng pakain nyang halo-halo. Bastos talaga ng mga ugali nila. “magback out kana mamaya matatalo ka rin naman. Baka iiyak ka..hahaha” nagtawanan ulit sila sabay apir..

“ kung ako sayo, ibenta mo na lang ang motor mo, dodoblehin ko pa.” sabi nung isang kasama nila Joshen. “ matatalo ka rin naman mamaya.”

The girl smirked. Saka sila hinarap. “ sino? Ako matatalo? Ninyo? Kelan pa? magkano nga ang itinalo nyo sakin last week?” saka sya nag-aktong nag-iisip. “ ah, fifteen… fifteen thousand.  Mga timawa.” saka sya sarcastikong tumawa. “ salamat ha, may ipinang gasolina ako.” Wow, lakas ng babaeng to ah. Dahil sa sinabi nya ay napatayo yung lalaki at sunod din syang tumayo para magsukatan. Tumayo rin yung mga resbak ba nila.

“ alam mo Friday, parang katulad mo yang babae.” Napalingon ako ako sa nagsasalita. Nakatingin din pala si Mita sa dalawang grupo na nagbabangayan.

“ha? Bakit naman? Malayo kaya. Likas akong tunay na babae, maganda, mahinhi-“

Napaubo si Mita. Bastos nito, di man lang ako pinatapos magsalita at nagreact agad.

“ aray.” Reklamo nya. “ nambabatok ka na naman.” Tss. I rolled my eyes.

“ hindi ka talaga supportive.”

“ totoo naman eh, hindi ka mahinhin atsaka katulad mo nga yung babaeng yun. Lakas maka hampaslupa. Haha”  kahit kelan talaga.

“ salamat ha sa pagiging honest mo, naappreciate ko.” Sarcastic kong sabi.

“ my pleasure.” Nagbow pa sya.
-
“ teka, may ano ba mamaya ba’t nagmamadaling umalis ang halos lahat ng lalaki nating blockmates?” tanong ko kay Mita habang nag-aayos kami ng mga gamit para makauwi. Napansin ko ngang pati yung ibang babae.

“ ewan ko roon. Siguro dahil friday na at uuwi sila sa mga bahay nila?” hula nya.

“ hindi rin, hindi naman sila mukhang laking bahay better…laking gala.”

“ pano mo nasabi yan?”

“ base sa mukha?” hula ko rin.

“ judger.” Akusa nya sakin.Tss.

“ Tom ba’t nagmamadali kang umalis?” tanong ko sa kakalase ko nang dumaan sya samin.

“ ah eh, may malaking event ng drag racing mamaya sa Habitat. Sige alis nako, Malaki kasi yung taya ko.” Pagpapaalam nya.

“ sandali.” Pigil ko sa braso nya. May rumor na may nagaganap na drag racing sa Habitat. So, totoo pala ang rumor na yun?

“ bakit?” tanong nya.

“ alam kong may drag racing na nagaganap doon ngunit bakit malaking event ang magaganap?” di ko mapigilang mag-usisa.

“ kasi sasali yung mga outsiders.” Outsiders.

“ what do you mean?”

“ may ibang sasali maliban sa mga Fraternities na nakarehistro.”

“ you mean…”

“ sasali ang mga maliliit at malalaking gangs.” Dugtong nya.

“ Frat…gangs… akala ko pareho lang sila. Iba pala?”

“ hard to explain sige mahuhuli nako.” Saka sya tuluyang umalis.

“tara uwi na tayo Beshey.” Yaya sakin ni Mita.

Dumaan kami sa main gate na trauma na ko sa dinaanan ko last time. Baka hindi na talaga ako makakauwi nang buo nito.

“ so, pano liko nako dito ha.” Paalam ni Mita nang marating namin ang kanto malapit sa apartment nya.

“sige mag-ingat ka.” Sabi ko saka kumaway.

“ ikaw rin mag-ingat ka.” Pahabol nyang tugon.

“ mag-ingat sila. Haha.” Tumawa lang sya. Mag-isa lang akong nagpatuloy sa paglalakad.

Napatigil ako nang marating ko ang intersection ng daan kung saan ang isang daan ay patungo sa Habitat.
What if pumunta kaya ako roon, sisilip lang kung ano ang nangyayari.
No.Friday. snap it out.

Hay, kahit anong pigil ko my curiousity drags my feet to this place. Heto na naman ako at nakyu-curious. Malayo palang ay dinig ko na ang mga sigawan, hiyawan at tunog ng mga sasakyang humaharurot sa bilis. Maingat akong nglakad patungo sa maraming tao.

Napansin ko sa tumpukan ng mga tao yung isang grupo na katulad nung nakita ko sa block 42. Ngunit kulay itim ang kanilang gamit na mascara, nakahood din sila. Feeling ko leader nila yung nakamaskarang ewan… hindi ako marunong magdescribe nito basta katulad nung mascara ni Ichigo sa Bleach kapag lumalabas ang pagiging Hollow nya. Kumpara sa dami ng ibang grupo ay kunti lang sila. Doon sila sa bandang kanang bahagi ng daan kung saan nakatumpok ang bawat grupong mukhang adik. Tadtad ng hikaw ang mga tenga babae man o lalaki. Halos puno rin ng kulay ang mga buhok. Feeling ko sila yung mga gangsters dahil kumpara sa kabilang bahagi ng daan yung mga grupo ay parang mukhang….tao. ang pinagkapareho lang nila ay ang di maiiwasang paninigarilyo ng halos myembro ng bawat grupo.

May napansin akong isang pamilyar na tao.
“ teka parang…si.. kamukha ata yun ni Quinn ah.” Agad kong binilisan ang paglalakad. Nakilala ko sya kasi may tinanggal sya sa mukha nya at tumungo sa isang malapit ng motor. Malayo-layo nang kaunti sa nagtutumpukang tao. Akala ko ba bawal ang *** dito? Bakit sya nandito?

“ Qui-“ di ko natuloy ang aking pagtawag kasi may isang motor na sumilaw sa aking mata. Sa sobrang silaw ay hindi ko makita ang dadaanan ko. Bastos talaga nitong driver nato sa gilid na nga ako ng daan, iilawan pa ang aking mga mata at parang sa gawi ko pa talaga dadaan. Bago pa sila makalampas ay naramdaman kong may sumuntok sa aking tagiliran.

“hoy, napaka ano nyo!” sigaw ko nang makalampas sila. Hinabol ko pa sila ng tingin. Napakabastos Nilingon lang ako ng lalaking sakay nung driver. Yunng mukha nya ay parang kandidato rin para mapabilang sa tuyot gang.
“Dadaan lang manunun-“ teka, umiikot ata ako aking paningin. Napahawak ako sa aking tagiliran. Teka ba’t basa? Napatingin ako sa baba. Pula? Teka ba’t may Dugo-? before I could think ,everything went black.

“find that cockroach and present it to me.” A manly and an auAlecative voice caught my senses. I know this voice. Wait. Why would this man be here? Akala ko ba ayaw nya sa gulo? Then, a conclusion hits me.

“Friday, do you hear me?” another voice. I wauntyd to say to her yes but can’t. I cannot lift even a finger. My strength is being drained.

Few minutes ago, I have all the energy to kick someone’s ass. But now I become helpless. Why everything comes so sudden?

“ everything will be alright.” That…that manly voice again is the last word I hear before I lost consciousness.

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now