CHAPTER 19: THE TROUBLEMAKER

10 1 0
                                    

Kakabalik ko lang ng school after three days of absent. Mabuti nalang at byernes ako nasaksak dahil baka more than a week akong wala sa klase hirap magpalusot sa aking mga absences. Hindi ko naman masabing nasaksak ako dahil baka ipapatawag ang aking parents at malaman nila ang nangyari at mapapadali ang pag-alis ko ng IU.

Kahit kasali ako sa samahan dapat hindi mapabayaan ang pag-aaral ko. Yun dapat ang priority ng bawat estudyante. Dahil wala ring magandang mangyayari kung puro kasayahan lang ang pipiliin ko. Magiging kawawa lang ako kumpara sa iba. Kung wala akong pinag-aralan, matatawag pa akong bobo. An’sama ring pakinggan diba?

“ okay ka lang Friday?” alalang tanong ni Mita.

“okay lang ako noh, besides kaya ko pa ngang tumakbo at tumalon sa kalagayan ko.” I smiled at her.

“ewan ko sayo.” Sabay irap sakin.

“uyy, tamang tama nandito na si Lutos.” Patungo sya sa aming table ni Mita dala-dala ang pagkaing pinabili namin ni Mita.

“seriously Friday?” di makapaniwalang tanong ni Mita.

“ anong problema?” inosente kong tanong. Bakit anong problema sa pinabili ko?

“ may fiesta ata sa table natin.”

“may fiesta nga at sya lang ang magsecelebrate.” Komento pa ni Lutos habang minamasahe ang kanyang braso pagkalapag ng mga pagkain. “ang dami mong pnabili, kainis.”

Nagpeace sign lang ako.

“mauubos mo ba yan?” tanong ni Mita.

“eto naman parang walang tiwala sakin, syempre naman. Gutom ako eh.” Proud kong sabi.

“ lagi naman.” Komento ni Lutos.

“atsaka, di ko trip yung pagkain sa hospital, parang madaragdagan ang sakit ko.”

“anong problema roon?” sabat naman ni Mita.

“Malaki ang problema.” I declared. “puro gulay ang ulam.”

“Mukhang masarap nga eh.” Ani ni Mita.

“palibhasa vegetarian.” Komento ko.

“ anong mukha? Ang sabihin mo masarap talaga, ikaw nga ang umubos nun sa hospital.” Pagbubuko ni Lutos.

“eto naman . Eh, sa masarap eh.” Depensa ni Mita.

“sabihin mo nga sakin Mita, patay gutom kaba?” tanong ni Lutos.

“patay gutom na kambing.” Pagkaklaro ko.

“ kayo naman, nung time nayon nandun si mama sa apartment so, puro meat ang niluluto nya kaya nakikain nalang ako sa hospital.”

“for 2 days?” di makapaniwalang tanong ni Lutos. Tumango naman si Mita.

“sana sa restaurant ka nalang kumain.” Angal pa ni Lutos.

“eh, sa nagtitipid ako eh.” Napailing nalang kami. Iba talaga ang kaibigan namin. Di ko kinaya.
-

Ba’t wala pa si Quinn?

Natraffic siguro. Nandito ako ngayon sa kanyang coffee shop malapit sa university namin. Tumungo agad ako matapos kong mabasa ang text nya.

From: Quinn
Regarding for your condition, see me at my coffee shop today if you have free time

Kahit kelan an’titipid nila sa letters pati sa punctuation marks. Si Ninong, Sunny,Quinn at mga yung mga datihan. Wala namang bayad ang bawat letters sa text ah, ba’t sila nagtitipid?
Hindi siguro sila nakaregister sa unlitext promo ng tm at tnt. Kunsabay rich kid naman sila di tulad ko timawa,umaasa lang sa unlitext 10 at free data. Haha. Kahit naman my pera ako yan parin ang aasahan ko. Naaawa ako sa pera na gagastusin. Haha.

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now