CHAPTER14: SLAP MAJOR

16 1 0
                                    

“ fu-“

“ hoy, Lutos yung bibig mo.” Saway ko kay Lutos. Dahil siguradong magmumura na naman yun. Nanood kami ngayon ng paborito namin Sports na UFC.

“opo.” She rolled her eyes. “ Uyy!” sumigaw sya. “fu-“ naputol ang sasabihin nya sa ginawa ko. “ lalong bumibilis ata yung kamay mo.”

Pinigilan nya lang naman ang kamay kong dadapo sana sa pisngi nya.
“ mabuti nalang at mabilis ako.” Sabi pa nya.

Inirapan ko nalang sya at binawi ang aking kamay.

“ang bibig mo kasi.”

“sorry na po nadala lang.” Apologize nya. “ YAN!” sigaw nya nang ma knockdown na ni Ronda ang kalaban.

“ iwasan mo na kasi ang pagmumura.” Saway ko sa kanya.

“ I know. Naparami na naman siguro yung pag inom mo ng kape at kulang ka sa tulog.” Out of the blue nyang sabi.

“ ha bakit naman?”

“ bumibilis kasi ang pagrereact mo kapag nakakarinig ka ng bad words.”

“ hindi naman.” Depensa ko.

“ alam mo, namana mo talaga ang ugali ni lola, nananampal rin kapag makarinig ng mura. Fast version ka lang nya.” Si lola. “ naalala mo nun nung narinig nya tayong nagmumura? Dumugo yung gums ko nun.” Napatawa ako nang maalala ko yun.

“ tigas ng ulo mo kasi.  Sabi ngang wag magmura eh, tinutukso mo pa si lola. Alam mo namang parang kinalabit na gatilyo ang pagmumura at bala naman ang sampal nya.”

“oo nga.sabi pa nga ni lola pag narinig natin ang isa’t isa o sino man sa bahay na magmura ay sampalin natin. Tss.” Napailing sya.

“ oh,bakit?” tanong ko.

“hindi pa kasi ako nakakabawi sayo.” Abnormal.

--

“ uyy hi Friday. Hi Lutos.”

“ hi Joyce.” Bati ko kay Joyce. Si Lutos naman ay nagwave lang. Si Joyce ang classmate namin ni Lutos nung High school pa kami. Medyo hindi lang type ni insan.

“ buti at nagkita tayo dito sa mall, kamusta kana?” masiglang tanong nya.

“okay lang ako. Ikaw?”

“ heto, nagwoworking student.”

“wow, okay nga yan may experience ka na sa trabaho bago ka makapag-apply.”

“ oo nga eh, kaso mahirap. Pero okay naman pandagdag lang sa panggastos. Ikaw nag-aaral kaba?” tumango ako. “ saan?”

“ sa Indigara University.”

“ ayy wow naman sosyalin. So, anong course mo?”

“ ah Eh, BSCE-“ biglang nahulog ang dala nyang mga libro.

“OH SHI-“ nanlaki ang mga mata ko. hala! What have I done?

Napahawak si Joyce sa kanyang pisngi.

“ naku, sorry…sorry talaga…hindi ko sinasadya.” Wala kong tigil sap ag-aapologize. Ano ba kasi ang nangyayari sakin, napaka alert ko naman ata ngayon at napakabilis ng mga kamay ko at ang talas ng pandinig ko.

“BSCE a.k.a. bachelor of arts in C.E. major in sampal.” Komento ni Lutos. Pinandilatan ko lang sya.

“ sorry talaga.” Paghihingi ko ng tawad.

“o—okay lang.” iginalaw galaw nya pa ang kanyang panga.

“ masakit ba?” tangang tanong. Syempre masakit. Full force eh..

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now