CHAPTER 13: ABSOLUTE WATER

14 1 0
                                    

Nakalipas narin ng mga ilang araw mula nung nangyari sa block 42 ngunit kahit kay Rita ay wala akong pinagsabihan baka malaman pa nila ninong at yari naman ako dahil sa pagsuway ko sa kanila. Matapos ang klase ko ay nagpaalam nako kay Mita at dumiretso na sa lugar namin.

An tahimik ata. Nasaan sila?

Agad akong nag GM:

To: Comrades

Asan na kayo??? Yuhooo.

Mabuti naman at agad silang nagreply.

Ayy, bakit?

Yung isa kasi hindi makatambay kasi may exam daw sa Monday. Yung isa malelate kasi may project na tatapusin. Yung iba ay uuwi sa kani kanilang bahay. Si Rita naman may lagnat. Ano ba yan. Kailangan sabay-sabay mawawala?

Napagpasyahan kong maupo muna at maglaro ng games sa cellphone.  Mag-iistay nalang ako ng kahit isang oras nalang dito total wala naman akong exam next week at tapos narin ang mga dapat kong tapusin.

Sa kalagitnaan nako ng paglalaro nang may narinig akong kalabog mula sa pintuan ssa aking likuran. Agad naman akong napalingon. Si Arc lang pala. Ngunit bakit para syang haggard? Punong puno ng pawis ang mukha nya, parang napagod dahil sa kakatakbo. Napasandal sya malapit sa pintuan. Bago pa sya matumba ay agad ko syang sinalo at inalalayan paupo sa sofa.

“ ba’t ikaw lang ang nandito? nasaan si Harley?” hinihingal nyang tanong.

“ wala sya rito.”

“ si Charles?”

“ wala. wala silang lahat dito.”

“ what do you mean?”

“hay, tingnan mo nga oh, ako lang ang tao rito.” Napatango sya. “ hindi ka kasali… kasi hindi ka tao.” Hirit ko pa. bleee.

He glared at me. Kung hindi lang sya pagod, haggard or whatever ay makakatikim na naman ako ng suplado line nya ngayon.
Hayyyy, mabuti nalang. Tumayo nako at kumuha ng tubig para sa kanya.

“oh, inumin mo to ang tuyo mo na.” offer ko ng tubig. Tinapik nya naman. Mabuti nalang at hindi natapon. Inirapan ko nalang sya.

Tss suplado talaga.

“iinumin mo ba ito o ibubuhos ko to sayo?” banta ko. Kainis.

He smirked. “ wag mo akong takutin dahil hindi ka nakakatakot.” Tugon nya. Pfu.

“ ah, ganun… ibubuhos ko talaga to sayo…” hindi ako natatakot na ibuhos to sa kanya kasi sa pagkakaalam ko hindi naman sya nanakit ng babae dahil lang sa ganitong dahilan.

Ibubuhos ko n asana nang pigila nya ang kamay ko. Nanghihina nga sya dahil ramdam ko na kaunti lang na force ang natatanggap ko mula sa gripped nya. Dahil kong nasa maayos ang level ng energy nya ngayon malamang lumipad na yung baso.
“ te…teka…” binawi ko naman ang aking kamay.

“oh bakit?” mataray kong tanong. Pasensya kana ngayon lang ako makakabawi pagbigyan mo na. haha.

“ ma…malinis ba … yan…” sus, kahit kelan napaka arte. mas lalo syang hinihingal. Bakit kaya? Mamaya ko nalang sya tatanungin mukhang wala rin syang energy na sagutin ang tanong ko.

“ syempre naman malinis kaya to. Galing pato ng Vatican…” proud kong sabi. “ binasbasan pa to ng santo papa.” Saka ko binigay ang tubig. Napangiti naman sya… “ F.Y.I. holy water yan. Sa sobrang holy, tanggal lahat ng germs dyan .”

Agad naman nyang ininom.

Sus, pa ayaw ayaw pa eh ubos naman yung tubig.

“ sigurado ka bang binasbasan to ng santo papa? Baka naman ikaw ang bumasbas dito?”

My Ladylove is a Gangster [revamping]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang