CHAPTER 31: UNKNOWN

12 0 0
                                    

CHAPTER 31: UNKNOWN

"I tell you. Don’t touch anything while I’m asleep." Paalala nya.

"Grabe ka. Anything talaga?" Angal ko.

Napaisip sya. "Well,you can."

"YES—"

"That chair of course." Ay. Nakawalang gana. "You can touch all things outside but not here in my room."

"Oo na. Ang arte." Sabay irap sa kanya at lumabas. Nagluto nalang ako ng instant noodles.

Wala eh. No choice. Pasensya muna UTI, no choice lang.

Matapos akong kumain at magligpit, bumalik ako sa kwarto ni Arc na may dalang tubig sa pitsel at baso. Nilapag ko ang dala ko sa mesa at naupo sa upuan. Kaharap ko ngayon ang likod ng natutulog na supladong unggoy.

Nakakabagot namang maghintay na umalis yung mga mokong sa labas. Ano ba ang problema nila? Kainis naman.

Iginala ko ang paningin ko. Sakto. May isang shelf sya sa kwarto na punong puno ng libro.

Ba’t ngayon ko lang napansin to? Di bale.

Tumayo na ako at tinungo ang shelf. "Uy, fan din sya ni Stephen King, James Patterson, Darren Shan at ang paborito ko… R.L. Stein." Pinili kong kunin ang libro ni R.L. Stein. At bumalik sa upuan.

Habang nagbabasa ay pumasok sa isip ko ang sinabi ni Arc ang: don’t touch anything ngunit tulog naman sya kaya  hindi nya malalaman.

"Pagbigyan mo na ako Arc, once lang." Mahina kong wika kay Arc kahit hindi nya naririnig. Saka ko pinagpatuloy ang pagbabasa ng “goosebumps”.

Nasa kalagitnaan nako ng pagbabasa nang may tumunog na phone. Alam kong hindi sakin yun kasi naiwan ko yun sa kwarto ko. Patuloy parin ang pagring kaya hinanap ko na. Sa loob ng drawer ang tunog kaya binuksan ko. Sa pagkakaalam ko, hindi naman to ang daladala ni Arc na cellphone.

UNKNOWN NUMBER CALLING….

Dahil patuloy sa pagring ang cellphone ay sinagot ko na.

"Hey are you okay? No one can go to your place right now." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ng sa kabilang linya. Huminga sya nang malalim. "Bantay sarado nina Lucas sa tulong ng council ang lahat ng pwede mong puntahan at mapuntahan. Desidido na talaga silang hulihin ka."  A paused from another line.  " I know you’re not going to respond but let me hear something from you when you’re in the mood." Another long paused. "Just be careful this time…" Mas lalo akong kinabahan sa sunod nyang sinabi. Tinawag nya ang may-ari ng cellphone sa pangalang napakadalang lang kung tawagin at bilang lang ang nakakakilala. "… you know, malapit ng bumalik ang kabilang kampo, let’s move fast with care." Saka nya inend ang tawag.

Nanginginig pa nang inilapag ko pabalik ang cellphone sa drawer. Napahawak ako sa dibdib ko, malakas parin ang kabog nito.

Naisipan kong umupo muna para pakalmahin ang sarili ko. Kumuha ako ng tubig at nagsalin sa baso  ngunit bago pa ako makalawang lagok ay biglang humarap si Arc. Muntik na akong mapabuga. Agad kong nilapag ang baso at umayos ng upo sabay tago ng libro. Unti unting inimulat ni Arc ang mga mata nya saka umubo.

"Hoy Arc, okay ka lang?" I sound so tense. Kasi naman hindi pa ako nakaget-over sa narinig ko kanina. "Gusto mo tubig?" Agad akong nagsalin ng tubig saka iniabot sa kanyaq. Ngunit tiningnan nya lang ito. "Ayaw mo?"

"I want distilled water." Demand nya.

"Tss. Demanding mo." Angal ko. May naalala ko tuloy ako. "Eh, sa vatican pa nga to galing. Bago ko lang pinabasbasan ulit sa santo papa. Holy water yan." Todo ngiti kong sabi.

My Ladylove is a Gangster [revamping]Where stories live. Discover now