Special Chapter

5.3K 107 21
                                    

Special Chapter

"MOMMY, wiwi ako." Paalam ng ni Dominique sa kanyang ina.

"Sure sweetheart. Samahan pa kita?" Tanong ng kanyang ina.

"No mommy. I got it." Magiliw na sagot ni Dominque.

Palundag na naglalakad si Dominique papunta sa malapit na banyo. Class recital nila ngayong araw kaya nakasuot siya ng costume na anghel. Naka-puting bestida, puting sandals, at puting maliit na pakpak.

Kumunot ang noo niya ng makita niya na may dalawang payat na lalaki ang sumisilip sa pambabaeng banyo. Mabuti na lamang ay umalis agad ang dalawang lalaki kaya hindi niya ito natarayan.

Pwersahan niyang binuksan ang pinto ng banyo at tahimik na pumasok sa isang cubicle.

Habang siya ay umiihi, hindi niya napigilang kantahin ang kinanta nila kanina.

"Flower, gleam and glow
Let your power shine
Make the clock reverse
Bring back what once was mine

Heal what has been hurt
Change the Fates' design
Save what has been lost
Bring back what once was—"

Napatigil siya bigla ng may narinig siyang may humihikbi. Hindi kailan man pinayagan na manood ng nakakatakot na pelikula si Dominique kaya imbes na matakot siya ay mas nakaramdam siya ng awa dahil ang nasa isip niya ay may umiiyak.

"Eh? Hello?" Tanong ni Dominique sa kanyang matinis na boses. Hindi niya na muling narinig ang mumunting hikbi pero sigurado siyang may narinig siya. "Ayos ka lang?" Muli niyang tanong.

Tahimik siyang kumilos at inayos ang kanyang suot. Hindi niya na na-flush ang toilet dahil bilin sakanya ng kanyang ina na h'wag niya raw hahawakan ang toilet handle dahil marumi raw iyon.

Isa-isa niyang tinignan ang lock ng cubicles at sa wakas ay nakita niya na ang nag-iisang kulay red. Nag-squat siya paupo at pinasok ang kangang maliit na kamay sa ibaba space ng pinto.

Narinig niya ang maliit na pagsinghap ng tao sa loob.

"Nag-poo poo ka ba? Why ka nagc-cry? Gusto mo tawagin ko mommy ko para hugasan ka?" Inosente niyang tanong.

TAHIMIK lang na inaayos ni Dominique ang kanyang gamit sa kanyang kwarto ng makita niya ang paboriro niyang tote bag. Isa-isa niyang tinanggal ang laman no'n at isa na roon ang isang hindi pamilyar na itim na velvet box.

Kumunot ang noo niya dahil hindi pamilyar sakanya iyon pero kahit papano ay na-excite siyang makita ang laman noon.

Nakita ni Dominique ang gintong kwintas na may parang bulaklak na pendant. Inalis niya iyon sa kahon at nakita niyang may maliit na papel ang nakaipit sa loob.

This flower symbolizes my lasting love for you, my love.

Your Jesi

Isa-isang tumulo ang mga luha ni Dominique matapos niya mabasa ang mensahe sa loob ng kahon. She's selfish for leaving Jericho without a proper goodbye.

Napahagulgol siya ng tuluyan ng ma-realize niya ang nagawa niya. Kaya imbes na ilabas niya ang mga gamit niya, pinasok niya ulit ito pati ang ilang damit niyang nakatani sa cabinet.

Humahangos siyang bumaba kaya nag-panic ang mga tita niya at pinsan ng makita siyang nagmamadaling lumabas ng bahay habang umiiyak.

The Nerd's Obsession | ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ