5

5.7K 114 7
                                    

5

TANGA ka.

Ang landi landi mo talaga.

Tigang na tigang lang?

Really? Daddy?

Gaga ka.

Naiinis ako sobra sa sarili ko! Bakit?

Bakit ang rupok ko?

Huminga ako nang malalim at pinunasan ng tissue ang basa kong mukha.

Nasa loob ako ng restroom ng isang restaurant kasi after our momol session, mag-lunch daw kami.

I can't even remember how we got in to his car and drove here.

Nanghihina pa ang aking mga tuhod dahil sa sensasyong pinaramdam niya sakin kanina.

For one last time, I take a deep breath and head outside.

Nanginginig pa ng bahagya ang aking kalamnan habang papalapit ako sa aming lamesa. Nang mapansin ni Jericho na papalapit ako ay tumayo siya upang ipaghila ako ng upuan.

Naramdaman kong uminit ang aking pisngi dahil sa ginawa niyang iyon.

Bumalik siya muli sa kanyang upuan at umubo ng bahagya.

Nakayuko lamang ako at nilalaro ang aking mga daliri.

After what happened? After how fast things happened? I can't ever look him in the eyes again without thinking our steamy incident.

Mabuti na lamang ay wala siyang sinasabi sakin at hindi siya nagbabalak na magumpisa ng conversation. But I can still feel his stares to me.

We silently finished our lunch and head out.

PINAGBUKSAN niya ako ng pinto papasok sa kanyang sasakyan at mabilis na sumakay na rin.

He started the engine but he didn't move the car.

Nagsisimula na namang magparamdam ang mga sensasyong naramdaman ko kanina. I swallowed a big lump of saliva then inhaled sharply.

"So... s-saan kita ihahatid?" Mahina pero rinig kong tanong niya sakin.

I bit my lip then answered. "Sa... sa t-terminal na lang ng b-bus."

Pumihit sa paharap sakin at nakita kong magkasalubong ang kanyang kilay.

Galit siya?

"No. I will take you home—"

"Hindi na." Mabilis at malakas kong sabi sakanya. "Hindi na. Please."

Tinitigan niya muna ako ng mabuti at matagal pero da huli ay wala siyang nagawa at bumuntong hininga.

"Fine." Napipilitan niyang sagot. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.

Hindi ko na ata kakayanin kapag magsasama pa kami ng matagal.

I have to control myself because it seems like he can't control himself.

Mabilis naman kaming nakarating sa tapat ng terminal ng bus, hindi na siya nag-park at nag-hazard na lang.

Mabuti naman.

Naramdaman ko ang dahan-dahan niyang pagharap sakin at ang masuyo niyang pag-abot sa aking kamay na nakapatong sa aking hita.

"Take care, okay?" He said. I just nodded as my response. His simple touch can really make me weak.

"Hey, I'll text you." Aniya. Napalingon naman ako sakanya. Nakita ko kung gaano kasaya ang kanya aura. Ang kanyang mga mata ay puno ng sensiridad.

The Nerd's Obsession | ✓Where stories live. Discover now