Fifteen

3.7K 82 7
                                    

Fifteen

"C'MON baby." Pangungulit niya.

"Hindi nga pwede. Ano ka ba?" Sabi ko habang pinipilit kong umalis sa kandungan niya pero mas hinigpitan niya ang kanyang pagkayakap sa bewang ko. "Jericho!" Saway ko sakanya habang natatawa.

"Please?" Humarap ako sakanya at humawak sa kanyang balikat. He's now pouting and blinking adorably to me which made me chuckle.

Gusto kasing niyang lumipat na 'ko sa bahay niya at tumira kasama siya. Mag-iisang linggo na nang makapag-usap kami at maging maayos ulit.

Hindi ako sigurado kung ano ang tunay na estado ng relasyon namin pero hatid-sundo ako ni Jericho sa condo ko at ngayon, gusto niyang magsama kami sa iisang bahay.

I guess we're dating. And I'm fine with that as long as I'm with him.

I touched his jaw and he purred like a kitten. My kitten.

"I'll think about it okay?" I said and he just pouted.

NAGTA-TYPE ako sa aking computer at nagta-trabaho ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Kaya nang umangat ang tingin ko, napatalon ako sa gulat ng makitang nakasalumbaba si Jericho habang nakatingin sakin.

"What the."

Bumungisngis naman siya ng parang bata dahilan para lumiwanag ang mukha ko. Pati ang ibang empleyado na malapit samin at narinig iyon at gulat na napatingin samin.

"You jumped." He chuckled. Pero nanatiling nakangiti lang ako at pinagmamasdan siya kaya napaubo siya at pinilit na huwag tumawa.

Ako naman ang natawa dahil sa ginawa niya. Now he's smiling and looking at me.

I calmed down and look at him. "You need something?"

"Yeah. We're leaving."

"What? But you have a luncheon meeting." I said.

"Reschedule that. We're going to Caila." He casually said.

Napasinghap naman ako at biglang naalala na kabuwanan na pala ni Caila ngayon. Kinuha naman na ni Jericho ang blazer ko at sinuot sa'kin.

"Nanganak na siya?" Tanong ko habang bitbit niya ang handbag ko at hawak-hawak ang kamay ko palabas.

"Yeah. Kagabi lang ata." Aniya.

Habang papunta kaming elevator, napansin ko na maraming nakatingin samin. All eyes are on us and some of their brows are up and when I felt Jericho tighten his hold to my hand, I realized what's happening.

After one week of staying and resting in his place, ngayon lang kami lumabas ulit at maayos na ang relasyon namin so this their first time to see us like this together. Nakaramdam naman agad ako ng hiya at discomfort kaya sinubukan kong bawiin ang kamay ko kay Jericho.

Nagulat naman si Jericho ng binawi ko ang kamay ko. Kaya kumunot ang noo niya at sumingkit ang kanyang mata ng hawakan niya muli sa harap ng empleyado niya ang kamay ko.

Nakarinig ako ng mahinang hagikgik at singhap patunay na may nakakita no'n. Hinayaan ko na munang hawakan ni Jericho ang kamay ko at babawiin ko na lang ulit kapag wala ng tao.

Nasa harap na kami ng elevator at naghihintay ng mapansin ko ang masamang itsura ni Jericho. Napalunok na lamang ako ng mapansin kong tinitignan niya ko sa reflection ng elevator.

"Uy!" Biglang sambit ni Engr. Francisco mula sa aking kaliwa. Nakangisi siya at may mapaglarong tingin saming dalawa ni Jericho.

Naramdaman ko namang uminit ang pisngi ko at siguradong namumula iyon.

The Nerd's Obsession | ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang