12

4K 84 13
                                    

12

PAPASOK na muli ako sa loob ng unit ni Jericho. Lumabas lang ako saglit dahil bumili ako ng makakain namin.

Nagkaroon pa kami ng medyo mahabang diskusyon tungkol sa paglabas ko dahil ayaw niya na lumabas raw ako.

Kung hindi raw siya sasama ay magpa-deliver na lang daw kami.

Sabi ko naman ay kailangan niya ng lutong bahay na pagkain at baka mabinat naman siya kapag sumama pa siya sakin.

Buti na lang ay gumana ang galit-galitan card ko sakanyan at pinayagan na 'kong lumabas. Basta raw ay mabilis lang ako at bumili na kaagad kapag may nakitang bibilhan.

But it still took me less than 15 minutes to buy kasi mostly puro prito na ang mga nadaanan kong karindirya.

Buti na lang may nahanap at nakabili rin ako ng nilaga at tinola.

Pagkapasok ko ay narinig kong sinigaw ni Jericho mula sa taas ang pangalan ko.

"Oh?!" Sagot ko. Mabilis kong nilipat sa mga mangkok ang ulam na dala ko at naglagay na rin ng kanin.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay naramdaman ko agad na medyo malamig ang kanyang kwarto.

"Nibuksan ko yung AC, baby. Nainitan na ko eh." Aniya.

Nginitian ko lang siya at nilapag sa side tabi niya ang nilaga.

"Huwag kang malikot. Matapon yan ah." Suway ko sakanya pero matamis niya lamang akong nginitian.

Nang makaayos na siya ng upo ay umupo na ko sa harap niya.

"Kaya mo ng kumain?" Tanong ko sakanya.

"Yeah. Sabayan mo na lang ako kumain." Sabi niya at tumango na lamang ako.

Tahimik lang kaming kumakain habang nanonood ng balita.

Mabuti na lang ay bumalik na siguro ang panlasa niya dahil naubos niya ang halos tatlong order ng nilaga at kanin.

Inabot ko naman agad sakanya ang tubig at Paracetamol para inumin niya.

I also checked his temperature and saw that bumaba na ang kanyang temperature pero hindi pa rin iyon balik sa normal.

"Maligo ka Jericho ah. Kahit 3 minutes ka lang magbabad sa shower." Sabi ko at ngumuso siya.

"Ayaw." Aniya na parang bata.

"Huy kanina ka pa walang ligo." Sabi ko at mukha naman siyang na-conscious.

Nanlaki ang kanyang mata at pasimpleng inamoy ang loob ng kanyang T-shirt at nakasimangot na humarap sakin.

"Hindi naman ako mabaho eh." Aniya.

Napatawa na lamang ako dahil sa kanina pa siya nagbe-baby talk sakin. I can't believe that this guy can have this kind of side. Akala ko noon ay lagi lamang siyang seryoso.

"Pero sige, baka magalit ka na naman." Aniya at tumayo dahan-dahan.

Kinuha niya muna ang kanyang puting towel sa closet niya at nilingon ako. "Upo ka lang ah. Wait mo 'ko diyan." Sabi niya. Ngumiti at tumango lamang ako at pinagmasdan siyang pumasok sa CR hanggang masara niya ito.

Nang marinig ko ang tunog ng rumaragasang tubig ay naisipan kong balitaan si lola.

I texted her telling that we're fine and Jericho's getting well too.

While I was on my social media, Caila called me all of a sudden.

Nagtataka akong sinagot ang tawag niya.

The Nerd's Obsession | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon