Twenty-two

3.5K 63 10
                                    

This is the last chapter. Before I post the epilogue and the remaining chapters, I'll edit some uploaded chapters first before I officially finish this story. Thank you for supporting this story until the end❤️

Twenty-two

WARNING R-18: Violent Content

KUMIKIROT ang aking ulo ng magising ako dahil sa malakas na tugtog na narinig ko. A really loud operatic song is playing somewhere.

I tried to move but I felt a cold and hard metal is wrapped in my ankles. Agad akong kinabahan dahil doon at tumindi iyon ng maalala ko kung anong nangyari sa reunion.

Minulat ko ang aking mata at nakita kong nasa isang 'di pamilyar na kwarto ako. Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata habang pinagmamasdan kung nasaan ako.

Nasa isang maliit na kwarto ako na kulay dilaw. Mayroong maliit na bintana sa aking bandang kaliwa, mayro'n ding isang maliit na ceiling to floor na cabinet at ang pinto naman ay nasa bandang paanan ko.

Napansin ko rin na suot-suot ko pa ang aking gown mula kagabi. Sinubukan kong umupo pero naramdaman ko ulit ang bagay na nasa aking paa at isa pala iyong malaking kadena. Mahigpit iyong nakapulupot sa aking paa dahilan para mamula na ito. Mukhang nakakabit iyon sa paanan ng kama at hindi kahabaan.

Kahit na kumikirot ang aking ulo at katawan, pinilit kong tumayo at sinubukang makalabas. Pero hindi pa man ako nakakahakbang ay bigla akong natumba dahil namanhid ang aking paa. Gumawa ng malakas na kalabog ang aking pagkatumba at mukhang may nakarinig no'n dahil biglang tumigil ang malakas na musika.

Nanindig ang balahibo ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil rinig na rinig ko ang bawat yapak mula labas.

Hindi ako makagalaw habang nakasalampak ako sa sahig. Binaba ko ang aking ulo dahil sa takot kaya hindi ko makita kung sino ang papasok at maaabutan niya 'ko na ganon ang itsura. Mabilis kong pinikit ang aking mata ng mabuksan ang pinto.

"Tsk, tsk." Rinig kong sabi nito. 'Di ko alam kung anong mararamdaman ko ng marinig ko iyon dahil isang tinig ng babae ang nagsabi no'n.

Naramdaman kong lumapit siya sakin at naamoy ko ang kanyang matapang na pabango. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mata at pinagsisihan kong ginawa ko 'yon.

Sobrang lapit ng kanyang mukha sakin. Nakatitig lang siya sa aking mata habang may nakakatakot na ngisi sa kanyang labi.

Tuluyan akong napaiyak dahil sa takot. Walang emosyon ang kanyang mga mata pero may malaking ngisi sa kanyang mukha.

"P-Please..." Pagmamakaawa ko ng bigla niyang hinaplos ang balikat ko.

"Ang ganda-ganda mo sa damit mo." Bulong niya. Patuloy lang akong umiiyak dahil sa takot. Tinabig ko ang kanyang kamay na nasa balikat ko dahilan para sampalin niya ko.

"Bastos ka ah! Hinahawakan ka lang eh!" Malakas niyang sigaw sakin. "Bumalik ka sa kama mo!"

Kaya mabilis akong umupo ulit sa kama habang nakatungo dahil sa takot. Her slap stings in my cheek and I think it left a mark. "A-Ano bang g-gusto mo?" I sobbed.

I heard her laugh like a maniac before gripping my chin up, making me look at her. Maganda ang kanyang mukha at makinis iyon. Her hair is short and dark and she have a full bangs. Habang tinititigan ko siya, mas nagiging pamilyar ang kanyang mukha pero hindi ko lang maalala kung saan at kailan ko siya nakita.

"I want you, my Nikki." Nakakakilabot niyang sabi bago tuluyang umalis.

I panicked when I heard the door locked and then I heard the loud operatic music playing again. Pinilit kong tumayo at maglakad para mahabol siya. Pero tama nga ang hinala kong maikli lang ang kadenang nakakabit sa paa ko kaya mas lalo akong napahagulgol.

The Nerd's Obsession | ✓Where stories live. Discover now