Ten

3.4K 66 22
                                    

Ten

"THIS number is cannot be reach—"

"Damn." I let out a deep exhale as I put my phone on my pocket. Hindi ko pa rin ma-contact si Jericho simula kagabi.

It's been two days since we finally got to talk, 'yung usap na maayos, at akala ko pagkatapos no'n ay magiging maayos na ang lahat, tilang babalik na lahat sa dati.

Pero dumating ngayon ang araw na papunta kaming Bolinao para sa team building at wala pa ring may alam kung makakasama siya. Kanina pa kaming 7AM naghihintay dito, pero wala pa si Jericho.

"Sure ka ba Nikki na makakasama siya? Alas nuebe na't mata-traffic na tayo." Sabi sa'kin ng head ng Architecture.

"T-Tawagan ko po—" Naputol ang sasabihin ko dahil dumating na ang isang pulang BMW at bumaba doon si Jericho na naka Tom Ford rose gold sunglasses at nakaputing polo shirt.

He approached us and look at his employees. "I'm sorry for being late. Let's go now." Maikli niyang sabi at mabilis na bumalik sa kanyang sasakyan.

Ako naman ay nakatulala pa rin sakanya at hindi gumagalaw. Kinalabit ako ng isang Architect at ngumuso sa sasakyan ni Jericho na hindi pa umaandar. "Gora na sis."

Agad naman akong lumapit sa sasakyan ni Jericho at iniisip kung saan ako uupo. But since I thought we are fine, I tried to open the passenger seat but it was locked. Hindi ko naman makita si Jericho sa loob dahil heavily tinted ang kanyang sasakyan kaya binuksan ko ang back seat at 'yun ang 'di naka-lock.

Agad kong naamoy ang pabango niya pagkapasok ko. Binaba ko muna ang mga dala kong gamit at komportableng umupo.

Nakangiti ko siyang tinignan at lalapitan sana ng makita kong may kasama pala kaming iba.

"Wear your seatbelt." Sabi ni Jericho sa kanyang malalim na boses. Nakadungaw pa rin ako sa gitna ng dalawang upuan at gulat na nakatingin sa taong nakaupo sa passenger seat.

"Dominique." Mariin niyang sabi kaya napaupo ako ng maayos sa upuan ko. Sa likod.

Parang nanghihina akong kinabit ang seatbelt. Muli kong tinignan ang rear view mirror at nakita kong nakatingin sa'kin mula roon si Jericho.

Ako naman ay unti-unting nainis dahil hindi ko maintindihan kung anong nangyayari. Parang gusto kong sipain ang upuan sa harap ko dahil doon nakaupo si Camille na natutulog.

SWABE namang nag-drive si Jericho at sinusundan ang sasakyang nasa harap namin papuntang Bolinao. Makailang beses na rin akong nagbubuntong hininga dahil sa inis. Inis dahil hindi ko alam kung bakit nandito sa kotse ni Jericho si Camille at natutulog pa.

"Stop it, Dominique." Suway niya sakin dahil kanina ko pa siya tinitignan ng masama at bumubuntong hininga.

"Why is she here?" Mariin kong bulong sakanya. Kahit naiinis ako na nandito si Camille ay pipiliin ko pa rin na hindi siya magising. Baka lalo lang akong mainis kapag marinig ko ang boses niya.

Tumawa pa ng mahina si Jericho na lalong kinainis ko. "Chill okay. Sumabay lang 'yan pa-Pangasinan."

Lalong kumunot ang noo dahil sa sinabi niya. Palihim ko siyang inirapan at umupo na lang ng maayos sa likod.

Hindi na rin ako kinausap ni Jericho dahil nagsaksak ako ng earphones sa tainga kahit wala namang tumutugtog doon.

NAKARATING kami sa Bolinao at hindi pa rin nagigising si Camille.

Jericho even have to wake up Camille. Iniwas ko na lang agad ang tingin ko at mabilis na bumaba ng sasakyan ni Jericho dahil sa sobrang inis.

Naghihintay lang ako sa labas ng sasakyan at pinagmamasdan ang mga ka-trabaho kong masaya at excited na pumapasok sa resort.

The Nerd's Obsession | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon