Everglow

194 6 1
                                    

WARNING:

This chapter depicts sensitive topic related to death and childbirth.

.....

Naging tahimik ang byahe ng dalawa pabalik ng hospital, pero di gaya kanina ay kahit papano nagtatanong tanong na si Vice sa dalaga na ikinatuwa at ikinilig nito.

"Kanina sabi mo may-ari ka nong resto? Totoo ba yon?" Tanong naman ngayon ni Karylle habang nilalaro ang koala stuffed na sinadya nilang ipalaundry para malinis na ito pagka bigay kay Maddie.

"I don't like advertising my personal life" tipid na sagot ni Vice. "Tsaka bat ka nakikinig ng usapan ng iba?"  Inirapan na lang siya ni Karylle ngunit nakangiti ito, alam niya kasing matapos ang saglit na katahimikan ay ikekwento din naman ni Vice ang sagot niya at di nga siya nagkamali.

"Maddie considered me as the co-owner of that restaurant, but I don't acknowledge that position. She's the one who put up that restaurant. I just helped her financially nong naguumpisa palang siya, but after non, siya na lahat yon."

Taimtim namang nakikinig si Karylle sa kanya habang manghang manghang nakatitig kay Vice. Di naman nito alam na naiilang ang huli kaya bahagya niyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan.

■■■■■

"Thank you ha" nakangiting bulong ni Karylle sa koalang tangan niya. "Dahil sayo kinausap na rin ako sawakas nong bugnuting doctor"

Kunot noo naman siyang tinignan ng kabababa lang na si Vice. "Are you seriously talking with that koala?"

Nakanguso pang umiling si Karylle "inaamoy ko lang" depensya niya.

"I'll just see you in an hour. Ako na lang din magbibigay kay Maddie niyan." Tumango naman si Karylle at inabot ang koala.

"Tsaka magpalit ka na rin ng damit, then make sure to dispose that mask properly" paalala pa ni Vice bago tuluyang umalis.

Pagkabalik ni Karylle sa loob ng hospital agad din itong nagpalit ng damit, after non ay saglit na itong tumambay sa cafeteria para uminom ng tubig pampagising. Matapos non ay nagikot ikot siya sa mga iba niyang pasyente at kinamusta ang mga ito. She's walking down the hall when a nurse approached her "Dr. Tatlonghari, Ms. Avilon's urinalysis result" sambit ng nurse at iniabot ang papel sa doktora.

"Thanks Jackie" nakangiting turan ni Karylle. "Anytime Doc, sige po una na ko" she smiled back at tuluyan ng umalis. Naghanap muna si Karylle ng mauupuan bago basahin ang test result ni Maddie.

Di na niya nagawa pang tapusing basahin ang nakaimprinta sa papel at tila may sariling buhay ang paa niyang naglakad para hanapin si Vice. Ilang nurses narin ang pinagtanungan ni Karylle kung nakita ba nila ang Doctor, pero pareho lang ang sagot nilang hindi nila ito napansin.

She decided to check him in Maddie's room at di nga siya nagkamali, pagkasilip nito sa blinds ng bintana ay nakita niyang masayang nagkekwentuhan ang dalawa, pareho silang nakatawa habang hawak hawak ni Maddie ang koala stuffed na si Vice ang nag abot.

Magtutungo na sana si Karylle sa pinto para kumatok ngunit nakita na siya ni Vice sa bintana kaya agad itong lumabas.

"I got her result" saad niya bago iabot ang papel. Nakita niya kung pano mabilis na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Vice. 

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon