Everyday Life

150 5 0
                                    




Marahang nag unat unat ang dalaga pagkababa ng taxi. Matapos ang tagpo kagabi ay nauna na siyang umuwi sa mga kaibigan, maliban kasi sa pagod na rin talaga siya ay natatakot din kasi itong makita pa ulit ang binatang Doctor.





Malayo pa lang ay dinig na dinig na ni Karylle ang talbog ng bola at mga yabag ng paa habang papalit siya sa staff entrance ng hospital. Isang maliit na basketball court sa kabilang lote di kalayuan sa entrance ang bumungad sa kanya. She saw two familiar faces kaya bahagya siyang napahinto at saglit na tinignan kung sila nga ba ito. Di niya maiwasang kabahan dahil naisip niyang baka nandoon lang din ang taong iniiwasan niya.




Aalis na sana siya ngunit huli na at nakita na siya.
"Oy Karylle!" Bati ni Billy matapos matanaw ang dalaga. Sakto namang tumalbog sa pwesto ni Karylle ang bolang shinoot ng isa nilang kalaro kaya awtomatikong siyang napahabol at kinuha ang bola.





"Good morning Doc!" Bati niya pabalik sa papalapit na si Billy. She handed him the ball at nagpasalamat naman ang binata. Nakahinga naman ang dalaga ng maluwag nang makitang wala ang taong hinahanap niya.






"Tara, laro!" Yaya ni Vhong matapos saluhin ang bolang binato ni Billy.





Napatawa naman si Karylle at umiling "hindi ako marunong."





"Sus. Naka three points ka nga agad e," makahulugang turan ni Vhong habang nakangiti pa.






"Siraulo." Billy mouthed to Vhong habang nakangiti na din.






Hindi naman maintindihan ni Karylle ang dalawa kaya magalang nalang siyang nagpaalam.




"Kita kits nalang later."




"Have a good day K!" Paalam ng dalawa sa dalaga.





Pagkapasok ni Karylle sa locker room nila'y naabutan niya si Anne na naghahanda na rin para sa duty nito.





"Wow ha, goodmorning too K." sarkastikong turan ni Karylle matapos agad siyang tanungin ni Anne about last night at hindi manlang nag-abalang batiin din siya ng good morning.






"Parang sira kasi bigla biglang umuwi." pairap pang turan ni Anne.





"Pagod nga kasi ako." sakto naman na inilabas ni Karylle ang bagong labang jacket ni Vice mula sa bag niya. Di niya maiwasang mapangiti habang hawak hawak ito.





"Pagod din kami K wag ako," reklamo ni Anne.





"Di naman kasi ako sanay sa bar noh?" Inirapan lang siya ng kausap.




"Anyways, naabutan mo ba yung kasama nina Louis na binugbog?" Tanong ni Anne sabay tingin sa dalaga. Agad namang nag-iwas ng tingin si Karylle at ibinalik ang jacket sa bag niya.





"Hi-hindi eh. Bakit? A-ano ba raw nangyari?"






"Binugbog daw e, di naman nila alam kung sino. Kawawa nga e kung makikita mo mukha niya, halos di na nga makatayo yung guy."





"For sure di yon makakapasok" dagdag pa ni Anne habang inaayos ang buhok. Di naman na sumagot si Karylle at nanahimik na lang. Naaawa kasi siya at the same time nasasatisfy sa sinapit ng lalaking nang manyak sa kanya. Tumango na lang siya bilang pag sang-ayon sa kaibigan. Naging tahimik ang sumunod na minuto dahil busy ang dalawa sa pag-aayos, not until Iza came in with a megawatt smile.





HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon