Case Closed

119 5 0
                                    




Malalim na nag-iisip si Karylle habang tinatahak ang hallway ng hospital. Bitbit nito ang ikalawang blood samples ni Annie para muli itong maitest.




'Wolff-Parkinson-White Syndrome? Hindi din eh, kung yon nga edi dapat alam na niya dati pa lang' pagkausap ng dalaga sa sarili, anina pa kasi siya nag-iisip kung ano ang mga posibleng sakit ng kanyang pasyente.




'Or aortic stenosis' she thought 'but she doesn't have the risk factor' kontra ulit niya sa sarili. Napahinga na lang siya ng malalim at kunot noong lumiko ng daan.




Makailang segundo pa siyang naglakad bago marealize na hindi na siya pamilyar sa tinatahak niyang daan. Saglit na tumigil si Karylle at nagpalinga-linga, she was looking for the directional signages when someone accidentally bumped into her. Mahigpit namang hinawak ni Karylle ang vacutainer na naglalaman ng blood samples ni Annie.





"Sorry!" Gulat na turan ng lalaki ng tuluyang nang
makaharap si Karylle. Isang matangkad at payat na binata ang bumungad kay Karylle. Itim ang buhok nito at may kaunting balbas sa kanyang baba. Kapareho niya itong ng ID kaya nalaman agad ni Karylle na katulad niya din itong intern.




Tumango nalang si Karylle telling him it's okay at bahagyang inayos ang sarili "just be more careful next time" paalala ng dalaga. Napakamot naman sa batok ang binata at nahihiyang ngumiti.




"Pasensya na talaga ha! Chinecheck ko kasi yung dinaanan ko kanina di ko na matandaan e"




"Naliligaw ka din?"




"Obvious ba?— 'di joke lang, actually pangalawang balik ko na dito di ko talaga matandaan yung papuntang main hall eh. Ikaw ba? San ba punta mo?" The guy asked eyeing with the sample she's holding.





"Sa pathlab sana. Kaso mukhang hindi ata dito yon" palinga lingang turan ng dalaga.








"Theodore nga pala. Teddy for short."







"Karylle." Nakipag kamay din naman ang dalaga sa binata.





"Alam mo sa totoo lang pangalawang beses na kong naligaw ngayong araw na 'to." Natatawang kwento ni Teddy habang pinupunasan ang pawis sa noo.





Napatawa nalang din ang dalaga "alam mo samahan mo nalang din ako para may kasama naman akong maligaw"





Pumayag na lang din si Teddy at akmang aalis na ang dalawa ng isang matandang babaeng ang sumitsit sa kanila. Di naman ganon kalayo ang pwesto ng Ginang kaya naka lapit rin ito agad sa dalawa.




"Naliligaw kayong dalaw no?" Natatawang bungad ng matanda habang nakahawak sa IV stand niya. "Halika't ituturo ko sainyo yung daan papuntang main hall"




HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon