Sweet Talk

181 6 0
                                    



Previously...





"Be careful" tanging nasabi ni Christian. Napalunok na lang si Karylle sa narinig, nagtatalo na naman tuloy ulit ang utak niya. Bat mo pa siya kakausapin?—Eh bakit naman hindi? Diba?



"Maka 'be careful' naman to kala mo nangangagat yung tao" biro ni Karylle, pilit na pinapagaan ang loob.



"Sure ka ba talaga?"




Sure ka nga ba talaga? Tanong ng isip niya.



"He's our adviser Christian, so that's what I'm gonna do, get some advice from him" kibit balikat pa niya bago huminga ng malalim. Bahala na!





...





Naging ma-ingat ang bawat hakbang ni Karylle. Hakbang na tila umiiwas makagawa ng kahit anong ingay. Busy ang binata sa pagbabasa ng papel na hawak nang biglang may lumapit na naman sa kanya. Saglit na natigil si Karylle dahil isang babaeng naka wheelchair ang kaharap ng binata ngayon. Medyo malapit lapit din si Karylle sa pwesto ng Doctor kaya rinig niya ang pinaguusapan ng dalawa.






"No Carmen I'm not asking you, I'm telling you" rinig niyang tugon ni Vice sa Ginang.





"Ewan ko sayo Jose! Pagka ako talaga 'di nakatiis, ako mismo maglalabas sa sarili ko sa hospital na 'to" kunsumidong turan ng Ginang.




Jose. Di naman maiwasan ni Karylle mapangiti dahil para silang maglola na nagtatalo. Isama mo pa ang makalumang pagtawag ng Ginang sa binata.




"Okay sige, pero kasama ako" tuluyan ng napangiti si Karylle. Kung matigas ang ulo ng pasyenteng iyon at tila doble naman ang tigas ng ulo ng Doctor, which she finds it cute. Kitang kita niya kung pano makitungo ang Doctor sa mga pasyente, kalmado at mabait. Atleast he's nice with the patients- she thought.




"Por Dios por Santo, sinabing maayos na nga ako, aba'y bagot na bagot na ko sa pagmumukha ng mga tao dito. Paulit-ulit ko na lang nakikita! Yung paborito kong teleserye di ko na nasusubaybayan, di ko na alam kung ano na bang nangyari kay Cardo. Ay jusko nakakabagot lang talaga!" kontra pa rin ng matanda.


"At bagot na rin ako sa mga dahilan mo Carmen. Whine all you want, pero di kita titigilan hangga't di mo iniinom lahat ng gamot mo" he wheeled the old woman towards her room, isasara na sana ito ng binata nang unahan siya ng matanda at pabagsak na isinarado ito sa mukha niya.





Ang taray! Idol ko na 'tong si nanay. Bulong ni Karylle na di pa rin makapaniwala sa ginawa ng Ginang sa binata.




Parang batang namang napakamot ng batok si Vice at tila may binubulong sa sarili marahil sa kunsumisyon sa pasyente niya. Nang makita ni Karylle na mag-isa na lang ang Doctor ay nilapitan na niya ito. Kasalukuyan nang nakatayo ang binata sa harap ng vending machine, he slides a peso bill pero imbes na pumindot ay humalukipkip lang ito at nakatingin lang sa mga naka display na pagkain.





HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon