Eyes Wide Open

183 6 0
                                    



(CONT)





Just like every night ay jam-packed na naman ng mga hospital staff ang Tipsy Tales. May ilan na naglalaro ng darts, nagbebeer pong, nagsasayaw o di naman kaya ay nakatambay lang sa bar section. They're all having so much fun, sa haba kasi ng nilalagak nila sa apat na sulok ng Hospital ay ito na lang ang nagsisilbi nilang pahinga.




"You know I don't really drink, right?" Karylle protest habang inilalayo ang basong inaabot ni Anne.




"Fine, but if ever matempt ka, kumuha ka lang. Don't worry 'di kita huhusgahan" biro nito. "Pero one shot lang ha! later ka na magwalwal pagka balik ko, okay?" dagdag pa ni Anne bago magpaalam para puntahan si Vhong leaving Karylle alone at their table. Iza, Louis and Christian are on call for that night habang sina Jugs and Teddy ay nauna nang umuwi that's why si Karylle lang ang nayaya ni Anne para samahan siya nito. Hindi na rin naman na nakatanggi pa si Karylle dahil sa pamimilit ni Anne.




"Nice, so ano namang pag bubutas bangko ang gagawin ko" she whispered habang nilalaro ang yelo na nasa ice bucket. First few minutes ay nag pakabusy lang ito sa pagcecellphone pero dahil wala rin naman siyang messages na narereceive at naboring na rin sa pagsusurf sa internet ay inabala na lang niya ang sarili sa panunuod sa mga taong sumasayaw.




Sa sobrang bored niya ay eventually na convinced niya rin ang sarili na tikman ang inuming kanina pang nakatengga sa harapan niya. It was a red cocktail drink garnished with an apple. Inamoy niya muna ito. It's plain apple scented drink kaya di na rin nagdalawang isip si Karylle na inumin ito sa pag aakalang typical flavored drink lang ito.




Hindi nito inaasahang magugustuhan niya ang lasa kaya she ordered for another glass. She's already on her third glass when she starts to feel warm all over her body, especially on her face. She also starts to feel a bit light headed but relaxed.




Matapos maubos ang pang limang shot nito ay naisipan niyang tumayo para sana kumuha ng tubig dahil hindi na niya masyado nagugustuhan ang pakiramdam niya ngunit di pa man siya nakakahakbang ay bigla na lang ito nawalan ng balanse. Tila nawala saglit ang pagkahilo niya nang marealize niyang matutumba siya ngunit laking gulat niya nang may pares ng kamay ang biglang umalalay sa likod at braso nito.




"Doctor Viceral?" Dahil sa may kadiliman ang buong silid ay pilit na inaaninag ni Karylle ang mukha nang lalaki para makilala ito.




"You're drinking alone?" Tanong nito sakanya. Boses palang ay alam na niyang ang binata nga ito. She shooked her head as an answer.




"I'm with Anne, but she's with Doctor Navarro now, so yes I'm drinking alone" salungat na sagot ni Karylle, halatang may tama na ng alcohol. "I'm sorry Doc, medyo nahihilo lang talaga ako" Hawak noo siyang umupo pabalik habang nakaalalay pa rin si Vice sa kanya. Agad namang nag padala ng tubig ang huli para ipainom sa dalaga.





"You're drinking vodka?" He asked after smelling the empty glass. "Do you even drink alcohol?"





Nakangiting umiling si Karylle. "How bout you?" Tanong pa nito.





"How many shot did you already have?"




"I don't know? Five?" Sagot niya while raising her four fingers. "Ay mali" this time ay itinaas niya ang hinlalaki nya nang marealize na mali siya.




"This cocktail is infused with fruity flavors just to mask the strong flavor of vodka. Did Anne even told you that?"




"Told me what?"




HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon