The Doctor Is In

188 5 0
                                    


Karylle




It was already afternoon when I finally had a moment for myself. Sandali akong pumikit at sumandal sa pader. Napahinga na lamang ako ng malalim dahil sa wakas naipahinga ko manlang ang likod ko na halos pitong oras ng hindi nakadama ng upuan. Unlike the other interns who had their breaks on regular intervals, I jumped from one room to another to carry out my chores para iwas bad shot na din sa mga attendings lalo pa't first day ko ngayon.



Mariin akong pumikit at muling napabuntong hininga habang inaalala ang mga naging pasyenteng ko kanina, hindi lahat naging mabait tulad ng mga naging pasyente ko na sina Ms. Louisa at Pierre. Pumasok sa isip ko yung matandang bugnutin na hindi sinusunod ang mga pinapagawa ko kesyo 'di raw ako mukhang doctor, kinuwestyon pa kung saan ko nakuha ang suot kong lab coat na baka ninakaw ko lang sa nanay ko na nagtatrabaho rito. Hindi ko alam kung flattering ba iyon o hindi dahil napagkamalan niya akong bata. Isali nadin natin 'yung isang matandang lalaki na mas bihasa sa pagmumura kesa sa pagbuo ng isang buong salita.




Nakakaloka! I whispered to myself.




I absently reached for my coat pocket then realized na bumili nga pala ako ng twix bar sa vending machine kanina. Nangingiti ko pang kinuha ito dahil sa wakas makakakain na rin ako kahit papaano nang biglang may sumulpot sa harap ko na babaeng may tangang iilang files.





"Dr. Tatlonghari?"- I smiled awkwardly bago pasimpleng ibinabalik sa bulsa ang tsokolate. Daot naman tong si ate oh.




"Yes?"





"Yung Labs niyo po for the patient sa Maternity Ward." Nakangiti niyang iniabot ang file na nakapangalan kay Ms. Louisa sa akin at kay Dr. Hermosa. I thanked her at tuluyan na siyang umalis. I read it over carefully. Her viral fever blood test came out positive. I was rather relieved since it wasn't that serious and could be suppress simply just by Tylenol. For record, viral fever manifestation meant that there was already an underlying disease. During pregnancy, the females immune system was disoriented to take care of the baby inside that is why they could possibly catch infections easily by means of any transmissions, pero sa kaso ni Ms. Louisa. Tylenol is just enough.





Nabalik na lang ako sa realidad nang marinig ko ang pagkanta ng sikmura ko. Gutom na nga talaga ako, sintunado na tinig ng tyan ko e. Nakakailang hakbang pa lamang ako nang matanaw ko ang isang pamilyar na pigura.






"Hi Doc!" Nakangiti nitong bati nang tuluyan na siyang makalapit sa kinaroroonan ko, I smiled then asked her "Saang floor ka naka assign now?"





"Sa atrium Doc" nakangiti parin niyang saad. Di mo alam kung ngumingiti ba talaga sya o sadyang fineflex lang ang mga dimples niya.





"Savior ka talaga!" I exclaimed at bahagya pang napahawak sa balikat niya "pwede bang ikaw muna bahala sa pasyente ko sa maternity ward?" I politely asked. Tumango naman ito agad bago niya ito i-note sa chart niya.





"It's viral fever, give her 5mg Tylenol every four hours and maybe paki asikaso na lang din yung lunch niya." I handed her the prescription paper after. "And by the wa she's allergic to peanuts kaya pakicheck na lang ng mabuti yung pagkain niya." I handed her the prescription paper after.





HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon