A Message

203 5 0
                                    




"Rookie"




I heard him. Klarong klaro, pero hindi ko siya nilingon.




Dineretso ko ang corridor at mabilis na lumiko sa sumunod na hall.




"Rookie" rinig ko muling tawag niya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ko. May ilan na napapatingin na lang sa kakaibang inaasta ko pero dedma na, kailangan ko makalayo kay Doc. Vice este Viceral.





I'm few steps away from the nurse station na destinasyon ko talaga nang biglang sumulpot si Anne na may yakap yakap na mga charts, at gaya nga ng naiisip niyo ay hindi sadyang magkabanggan kami. Nagkalat ang mga charts na hawak niya pati na rin ang iilang bitbit ko.




"May taxi sa labas? May naghihintay?" Pabirong turan sa akin ni Anne referring sa pagmamadali ko kanina.





"Wala pero humahabol na multo meron" makahulugan kong sagot habang mabilis na pinupukot ang charts naming dalawa.




"Too late, Casper is coming" she pouted behind me kaya napairap na lang ako. Naiinis ko na lang pinagpatuloy ang pagpupulot hanggang marinig ko ang isang pamilyar na tinig.





"Your charts Dr. Curtis" ma awtoridad na turan ng boses "this is the last time na makikita kong nagkalat lahat ng medical charts ng mga pasyente, understand?"




"Yes Doc" turan ni Anne bago bumalik ng tingin sa akin at sumenyas na para umalis. She excused herself leaving me and this guy alone.




"I believe this is yours" he handed me the last chart na nasa sahig. Ngiting aso ko itong tinanggap without looking at him.




"Rookie" he said in a stern voice trying to make me look straight in his eyes. Hindi naman siya nabigo at tila awtomatiko akong napatingin sakanya. Bakas ang pagod at antok sa mukha niya. Halatang mula kagabi ay di pa siya nakakatulog kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng pagka awa.




"I need a follow up test on this ASAP" he handed over the samples at agad ko naman itong kinuha. Nanatili akong nakatingin sakanya, fighting back the urge to ask kung okay lang ba siya at ang baby ni Maddie.




"A-anything else, Doc?"





Wala akong sagot na nakuha maliban sa pag iling. Hindi ko alam pero nakadama ako ng pagkalungkot, d. He finally turned his back kaya akmang paalis na rin ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Tila bumalik ang kaba ko nang marealize na marahan niya akong hinihila palayo sa maraming tao.




"Teka Doc-"




"Are you avoiding me?" He asked suspiciously.




"What? No!- I mean, pano mo nasabi?" Trying to compose my thoughts and expression, hindi ko inalis ang tingin sa kanya kahit gustong gusto ko na.




Again, he shooked his head. "Nevermind"




"Mauuna na po ako Doc" pag iwas ko sa nakaiilang na tensyon sa aming dalawa, hindi ko na nagawang tignan pa siya at agad na akong umalis ngunit sa pangalawang pagkakataon muli niya akong tinawag.




"Thank you for last night" straight face niyang turan bago maglakad palayo. Wala na akong ibang nagawa kundi ang sundan na lamang ang imahe niyang papalayo.






......




"

HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon