Terrified 2 Furious

105 7 9
                                    



(LONG ASS CONTINUATION)




"The fuck?"



"Shit! Your shoe!"



"Ano ba kasing ginagawa mo riyan?!" kunot noong turan ni Vice bago alisin ang paa niyang nakatapak sa white coat ni Kristine na naka-upo naman sa lapag. Kagagaling lang ni Vice sa Pathology at ngayon ay nasa supply closet ito para kumuha ng kailangan niyang gamit.



"Wala!" masungit na sagot ng dalaga at akmang tatayo na nang muling bumukas ang pinto.



"Brad? Nandito ka--Tin?" naguguluhang saad nang kakapasok lang na si Vhong nang makita ang dalawa sa loob ng madilim na silid.



"I know that face." sita agad ni Kristine bago hatakin si Vhong para tuluyang makapasok, nag-aalala na may makakita sa kanilang tatlo sa loob. "Kadiri 'yang utak mo." hampas pa ni Kristine rito na nakapag pahagalpak naman sa huli.



"Wala akong sinasabi!" iwas ni Vhong.



"Ano bang ginagawa mo rito, Navarro?" Vice asked bago magsimulang magtingin sa storage rack.



"Ano munang ginagawa niyong dalawa rito?"



"I need syringes," Vice answered, "and Tin needs a good breakdown."



"Oh bakit? Umiiyak ka?" usisa ni Vhong kay Kristine.



"So what? Ikaw ba hindi?" singhot pa ng dalaga sabay irap nang muling bumukas ang pintuan dahilan para bahagyang mabangga si Vhong dahil nakatayo ito sa tapat.



"Ano 'to reunion?" bungad ni Billy nang makita ang tatlong kaibigan, "What? I saw you guys na pumasok so na-curious ako." depensa niya nang tanungin siya ng mga ito.



"That's it. I'm outta here," nakataas pa ang kamay ni Kristine na aalis na sana ngunit di naman makadaan dahil nakaharang ang dalawang kaibigan. "Alis nga!" iritang saad nito.



"Brad, lock mo pinto." Turo ni Vhong na agad naming sinunod ni Billy.



"The hell?" ani ng dalaga.


HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon