Terrified

110 7 11
                                    



(CONT.)



Para akong tangang tumatakbo pababa ng hagdan. Wala nang pake kung ilang baitang na ang nilalaktawan ko para mapabilis ang pagbaba, ang mahalaga makalabas na ako. Blanko ang isipan ko, napaka bilis nang tibok ng puso ko at natatakot ako. Pero hindi ko alam kung bakit? Kung saan? Para na talaga akong masisiraan ng ulo.



"Ano ba!"



"Sorry..."



"Pucha, bakit ganyan hitsura mo?" Kunot noong tanong ni Bella. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa, para bang QR scanner ang mata.



"Wala!" pagka-ila ko at tumakbo na padiretso sa locker room. Doon ko lang nahabol nang maayos ang hininga ko. Umupo lang ako ng sobrang saglit at agad na hinablot na 'yung bag ko, hindi na chineck pa ang locker ko sa takot na maabutan niya ako. Gusto ko nang makalabas dito.




"Totoo nga! Nakita ko kanina. Magkasunod nga silang pumasok don."



"Baka naman nagkataon lang. Eto naman jump to conclusion agad. May pruweba ka ba?"



"Ah basta. Iba pakiramdam ko. Isipin mo, madalas siya sa mga big cases samantalang tayo, nganga. Landi is the key naman pala. Ay mali, Landi is the K. K for Karylle."



"Excuse me?" Biglang singit ni Bella sa dalawang kapwa intern na nagchichismisan sa supply closet, "Kung magchichismisan lang din naman kayo siguraduhin niyo namang naka-lock 'yung pinto. Ang galing sa tsimisan tatanga tanga naman sa ibang bagay." walang ka-abog abog na dagdag pa niya.



Nagpintig ang tenga ng isa at akmang susugurin pa si Bella pero pinigilan siya ng kasama nito sabay bulong ng, "Kapatid 'yan ni Dr. Hermosa remember."



Narinig pa rin naman iyon ni Bella at napangisi pa nga ito. Wala na tuloy nagawa ang dalawang intern at umalis na lang nang payapa. Humingi pa ng pasensya ang isa rito ngunit hindi naman ito pinansin ni Bella.



"Kawawang tatlonghari." bulong ni Bella. Maging siya ay hindi maiwasang mapa-isip dahil sa nakita rin nito ang dalawa kanina.





Kinabukasan...



"Saan ka galing?" Bungad agad ni Louis nang makarating sa pinakadulong upuan ng Cafeteria kung saan nakita ang kanina pang hindi makitang kaibigan.


HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon