vii | how it feels

40 4 15
                                    

☽༓☾

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko nang hindi tinitingnan si Dan. Tinanguan ko 'yong bowl ng potato soup na kanina ko pa inilapag sa harap niya. "Lalamig na 'yan."

Napilitan akong iangat ang tingin sa kaniya dahil wala siyang naging sagot. I lifted an eyebrow when I saw him gaping at me. Ano, tutulala lang siya ro'n at 'di kakain? Nag-effort pa naman akong gumising nang maaga para iluto 'yon; mabuti nga, may stock pa sa fridge nina Kuya Gian ng ingredients no'n.

He raked his fingers through his disheveled hair. Inaasahan kong may sasabihin siya, kaso paulit-ulit lang ang pag-awang at pagsara ng kaniyang labi. I continued eating, pretending I didn't notice how his cheeks reddened a bit before he rubbed his palms on his face. Malas niya, obvious ang gano'n dahil sa kulay namin.

Napairap ako nang imbis na magsalita ay tumikhim lang siya at itinuon ang atensyon sa pagkain niya. Anong balak niya, titigan lang 'yon? Halos makalahati ko na ang soup ko pero 'yong kaniya, 'di man lang nagalaw. With a sigh, I shook my head.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo 'yan, ako na lang ang kakain—"

Natigilan ako nang dali-dali siyang bumaba mula sa sofa at umupo rin sa sahig gaya ko. He pulled the bowl of soup closer to him and began eating it. Buti naman. Akala ko 'di niya man lang titikman 'yon.

"Sorry talaga, Patch," he said, voice laced with embarassment. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nag-aalangang ngumiti. "Nakakahiya, naabala pa kita."

Nagkibit na lang ako ng balikat. Ano pa nga ba. Nangyari na rin naman, e.

Walamg umiimik sa amin habang kumakain kami. The silence made me realize that I should've turned on the TV just so it wouldn't be this awkward. I could feel him throwing glances at me, though. Hindi ko alam kung dahil ba naiilang din siya sa katahimikan o may mga gusto siyang itanong sa akin at 'di niya lang alam kung saan magsisimula.

"Ang sarap," aniya. Isang tango lang ang tugon ko. Malay ko ba kung sinasabi niya 'yon para lang magbukas ng topic o dahil masarap talaga. "Luto mo?"

"Alangang ikaw?"

"Awtsu, pilosopo si Patch."

Umirap ako. "Obvious naman kasi."

Natawa siya sa naging sagot ko pero agad din nalukot ang mukha niya at mahinang dumaing. Hilot ang kaniyang sentido, dumukdok siya sa glass table. He kept on grunting and mumbling things I couldn't hear properly. Hanggang sa maubos ko ang soup ko, gano'n pa rin siya.

Hindi rin nagtagal, ipinatong niya ang braso sa mesa at iniangat ang ulo ro'n. His lips twitched. "Sakit sa ulo. . . ayaw ko na talaga malasing, 'di na ako uulit. Kasalanan ito nina Hikaru, e." His forehead formed a crease when I chuckled. Tapos ay pumikit pa siya at hinampas-hampas ang dibdib na parang nasasaktan. "Ba't ka natatawa? Katatawanan ba ako?"

Tangina?

Hindi ko na napigilan ang malakas na paghalakhak ko. Kung ano-anong sinasabi! Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkurba ng labi niya sa isang ngiti habang minamasahe ang sentido. Inabot ko 'yong baso ko at uminom do'n bago nagsalita.

"Natawa lang ako kasi nanisi ka pa ng iba."

He shifted from his seat. "I'm telling the truth!"

Inilapag ko ang baso sa mesa. Napangiti ako dahil sa itsura niya ngayon; nakasimangot at salubong ang kilay. Kulang na lang ay ipag-cross niya ang mga braso niya sa hangin para ipakitang tutol na tutol siya sa tinuran ko.

"'Di ba galing kami sa mall, e pauwi na talaga ako no'n, tapos bigla nila akong hinatak para uminom!"

I scrunched my nose. "Excuses mo lang 'yan." Umiling-iling pa ako na lalong nagpangiwi sa kaniya. "Nagpatangay ka sa kanila, ibig sabihin gusto mo rin. You could've refused the moment they asked you but you didn't." Ipagtatanggol niya pa sana ang sarili pero tinanong ko na 'yong kagabi pa bumabagabag sa isip ko. "Wait, ilang taon ka na ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Midnight Our Fates EntwinedWhere stories live. Discover now