iii | him and her

35 13 4
                                    

☽༓☾

"Takip siya ng mukha, ih."

Napapikit ako sa kahihiyan dahil sa malakas na halakhak ni Kuya Gian. Ano ba 'tong pinsan ko, pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan! Nilapat ko ang hintuturo ko sa aking labi para sawayin siya pero 'di man lang niya ako pinansin.

Sa totoo lang, wala akong balak sabihin sa kanila ang nangyari kanina. Ang kaso, kung kulitin ako ni Kuya Gian, parang 'di siya makakatulog kapag 'di ko kinwento! God knows how irritated I was when he showered me with questions once we got out of his unit. Hanggang makarating kami sa mall, kumain ng tanghalian, nanood ng sine, at ngayong nasa supermarket kami, tanong pa rin siya nang tanong so I had no choice but to tell him!

I don't know which is better, actually - marindi ako sa katatanong niya o marindi ako sa mga pang-aasar niya.

Tinapunan ko siya ng masamang tingin nang sa wakas ay humupa na ang pagtaas-baba ng kaniyang balikat sa pagtawa. "Tawa ka pa ulit," I said, my voice oozing sarcasm.

"Alam mo kung anong tawag sa gano'n, Patchot?" aniya habang kumukuha ng dalawang klase ng junk food. He dropped it in the pushcart as he glanced at me, the corner of his lips curving into a mischievous grin.

Sarkastiko akong ngumiti. "Hindi, at wala akong balak alamin." Inabot ko 'yong isa pang junk food sa kabilang shelf at nilagay din sa cart.

"Destiny tawag doon!" sabi niya, natatawang muli. My lips twitched in disgust. Destiny, destiny. Baduy.

"Daming alam, love." Nakangiting umiling-iling si Kuya Karlo habang iginagala ang tingin sa shelf ng junk food sa harap namin.

"Sino ba kasi 'yon, mga Kuya? Bakit siya nando'n kanina?"

"Kaibigan namin 'yong may-ari no'ng katabing unit," sabi ni Kuya Karlo. "Si Dan 'yon, kapatid ng kaibigan namin," dagdag pa niya.

Tumaas ang kilay ko. So they know him? Ka-close kaya nila 'yon? Magsasalita pa sana si Kuya Gian nang biglang nagring ang phone niya. Kaagad niya 'yong sinagot. Dahil busy ang pinsan ko, kay Kuya Karlo ako nagpaalam na kukuha muna ng yogurt.

Buong akala ko, hindi ko na makikita ang lalaking 'yon. Nasa proseso pa nga lang ako ng pagkalimot ng kahihiyan ko sa bus, bigla siyang magpapakita ulit! Sa sobrang taranta ko pa, gumawa na naman ako ng panibagong katangahan. May nadagdag tuloy ulit na isa sa listahan ng pinaka-nakakahiyang bagay na nangyari sa akin!

Napapikit ako nang mariin. 'Wag na sanang madagdagan pa, utang na loob.

Kumuha ako ng isang yogurt at agad na bumalik sa pwesto namin kanina. Naabutan ko sila ro'n na nagtitinginan, parang nag-uusap pero walang salitang lumalabas sa mga bibig. Tiningnan nila ako, mukhang nag-aalangan sabihin kung anong dapat sabihin. Nilagay ko ang yogurt sa cart at lalong nangunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila.

"Anong meron?" I asked. "Bakit ganiyan mga mukha n'yo?"

Kuya Gian scratched his eyebrow. Sumulyap siya ulit kay Kuya Karlo, tila nanghihingi ng tulong gamit ang mata. Tinanguan lang siya nito, parang sinasabing kaya mo na 'yan.

"Birthday kasi ng isang highschool friend namin, 'yong tumawag sa akin kanina," sabi ng pinsan ko. "Nagtatampo na kasi 'yon sa amin dahil ilang beses na kaming 'di natutuloy sumama sa lakad. Hindi naman ako makatanggi kasi baka sumama lalo loob pag 'di pa rin kami um-attend."

"Oh?"

"Okay lang ba kung isasama ka namin?"

I snorted. "Bakit sa akin mo tinatanong kung okay lang na sumama ako, Kuya? Ako ba ang may birthday?"

The Midnight Our Fates EntwinedWhere stories live. Discover now