v | friends

25 9 9
                                    

☽༓☾

Kulang na lang ay magdabog ako papunta sa banyo. Alas otso pa lang ng umaga, at gustong-gusto kong maiyak dahil limang oras lang ang itinulog ko! Ginabi na ako ng dating dito sa unit nila Kuya Gian, at 'di ko naman matiis na matulog na lang habang nakakalat ang mga gamit ko. Inabot pa ako ng madaling-araw sa pag-aayos ng mga 'yon!

Last week pa nakaalis pa-Hongkong ang pinsan ko, habang si Kuya Karlo naman ay ngayong linggo aalis, pero minabuti niyang umuwi muna sa probinsya nila. Papa and I were beyond thankful when they let me borrow their unit. Halos maiyak pa ako sa tuwa no'ng ibigay na nila sa akin ang susi nitong unit.

At least, makakabawas kami sa gastusin dahil wala akong babayarang upa-tuition, pagkain, at allowance ko na lang.

Parang hinahabol ko ang oras dahil sa bilis ng pagligo ko. Agad kong isinuot ang oversized shirt at denim skirt na naghihintay sa akin sa kama. Hinayaan ko nang nakaladlad ang kulot kong buhok dahil wala na akong oras pa para ayusin 'yon.

I decided to apply some blush-on and lip tint para hindi sobrang pusyaw ng kulay ko. Pagtapos ay kinuha ko ang envelope kung saan nakalagay ang mga ipapasa kong requirements at lumabas na.

Hinihingal pa ako nang huminto ako sa tapat ng mataas na gate ng university. Bakit ba hindi ko naisip na magdala ng payong? Tirik na tirik ang araw! Ang layo pa ng nilakad ko dahil ang ilap ng mga tricycle, puro mga taxi ang mga dumadaan.

I fished my handkerchief from my sling bag and wiped the beads of sweat trickling down my forehead. Now I kind of regret not tying my hair.

Naglakad ako papasok. Hindi ko na-appreciate ang ganda ng LBU no'ng una kong punta dahil umulan bigla no'n. Dito nag-aral sina Kuya Gian at Kuya Karlo dati, kaya balak sana nila akong i-tour dito para maging familiar na raw ako kung dito ko balak mag-aral, kaso 'di rin kami natuloy.

Napangiti ako nang madaanan 'yong fountain sa sentro. Mas malinis na 'yon kumpara no'ng huli kong nakita. Maraming nakatayong puno katabi sa mga nagtataasang building. Nagkalat din ang mga benches sa lilim ng mga puno. Agaw-pansin naman ang isang grupong umookupa sa isa sa benches dahil sa lakas ng kanilang tawanan at kantahan, dala ang kanilang mga gitara.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi habang pinagmamasdan sila. Will I be able to make friends here? I feel like I'd have a hard time adjusting, lalo't wala naman akong kakilala rito. I'm not good at making friends...

But I think this is much better - toxic is an understatement to describe my previous school. At least, dito, wala na 'yong mga mapanghusgang mata sa dati kong school. 'Yong mga kaklase ko no'n, lahat na lang yata ay itinuring na kompetisyon. Bawat galaw ko, pakiramdam ko hinihintay nila akong magkamali para may maliitin sila at pagtawanan.

Kumurba ang labi ko sa isang ngiti. Hindi ko na sila magiging kaklase! Finally, pwede ko na silang ibaon sa limot. Para akong kinikiliti sa tuwa dahil sa naisip.

Sana lang talaga ay 'di rin gano'n ang environment dito. I really want my senior high school experience to be worthwhile. . . especially since I've spent four terrible years back in junior high.

Hindi rin naman matagal ang inabot ko sa pagpapa-enrol. Mabuti na lang nga't naaalala ko pa kung saang building ako nag-exam no'n kaya hindi ako naligaw. When I walked out of the uni, I immediately roamed my eyes around the vicinity. Hindi na ako nakapag-agahan kanina dahil sa pagmamadali. Kumukulo na ang tiyan ko!

Kaagad akong tumawid papunta sa isang puting building na nakita ko. Parang restaurant - Alejandro's ang pangalan. Pagpasok ko, samu't saring amoy ng pagkain ang sumalubong sa akin. Inilibot ko ang aking tingin. The colors white, red, and black were everywhere. Mukhang mamahalin pa ang mga pagkain dito dahil sa interior design!

The Midnight Our Fates EntwinedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt