vi | unexpected visitor

27 5 4
                                    

note: at dahil giniling ang ulam namin kanina - which is my fav - here's an update haha :D

☽༓☾

"Nakapag-enrol ka na ba, Patchot?"

I stopped scribbling in my notebook. Inilapag ko sandali ang ballpen ko at inangat ang tingin sa phone kong nakasandal sa lamp shade sa study table ni Kuya Gian. Papa sat on a chair, causing his camera to slightly shake. Isinandal niya iyon sa kung saan, pagtapos ay inalis niya ang salamin sa mata at pinunasan ang lenses no'n.

Tumango ako. "Kaninang umaga po." Slowly tapping my fingers on the wooden table, I continued jotting down the things I need to buy tomorrow at the grocery. "Ang ganda at ang laki ng LBU, Pa. Feeling ko nga maliligaw ako, e."

"Sabi ng Kuya Gian mo, mababait daw ang mga estudyante at mga teacher diyan."

Agad na lumitaw sa isip ko sina Dan at ang mga kaibigan niya. Smiling a bit, I nodded again. "Mukha nga po. May mga nakilala na nga ako kanina. . ."

"Talaga?" aniya, bakas ang gulat at tuwa sa kaniyang himig. "Totoo ba ito?" dagdag niya pa. I chuckled. He knows what happened to me back then, kaya siguro ganito ang reaksyon niya. Nasanay na sila nina Lola na naging ilag ako sa ibang tao, tuloy, parang isang himala na kapag nagkukwento ako ng mga ganitong bagay.

"Kung gano'n pala, e, kaibiganin mo ang mga 'yon, anak. Malay mo. . ." he trailed off.

Napawi ang ngiti ko. Kahit hindi na ituloy ni Papa ang sinasabi niya, nakuha ko agad ang gusto niyang iparating. Malay mo, hindi na maulit 'yong dati. Ilang beses na rin sinabi sa akin 'yon ng pinsan ko at ng lola ko kaya halos makabisado ko na. Kahit pakiramdam ko ay 'di naman ka-ugali nina Dan 'yong mga naging kaklase ko no'n, still. . .

Bumuntonghininga ako. "Okay, susubukan ko po." I tried my best to sound cheerful. Ngumiti pa ako ulit para mas maging convincing.

Kumurba ang labi ni Papa sa isang ngiti sa sinabi ko. He even gave me a thumbs up as he uttered a few words of encouragement. Mahina akong natawa ro'n at tumango-tango na lang habang patuloy pa rin siya sa pagbibigay ng tips kung paano ako makikipagkaibigan.

I silently thanked the heavens because cameras couldn't capture feelings. Unti-unting gumagapang ang kaba patungo sa sistema ko. Ito na yata ang epekto ng ilang taon akong nakuntentong mag-isa lang pagtapos ng pangyayaring 'yon - I have no idea how to befriend people!

Hindi ako sigurado kung mapapanindigan ko ba ang sinabi ko kay Papa.

Pero shit, bahala na. Maybe. . . maybe this is the first step I should take if I really want my remaining years in high school to be memorable.

Nag-usap pa kami sandali ni Papa ngunit nang mapansin kong panay ang kaniyang paghikab, nagpaalam na ako. He's currently working in New Zealand, at kung mag-a-alas nuebe na rito sa Pinas, paniguradong madaling araw na ro'n. Dapat nagpapahinga na siya ngayon lalo't buong araw siyang nagtrabaho.

"Sige na, Patchot. . . ibaba mo na ang tawag," aniya habang kinukusot ang mata dahil sa paghikab.

I waved my hand. "Bye, Pa! Tawagan n'yo po si Mikoy bukas, nami-miss ka na no'n." Tumawa ako at kinuha ang phone. I was about to press the end button but my fingers froze when he spoke again.

"'Nak. . ." panimula niya. "Pasensya na talaga, ha?"

It felt as if someone squeezed my heart when he said that word again. Lampas na yata sa bilang ng daliri ang pagso-sorry niya sa akin mula no'ng March pa, and we've talked about this countless of times already, pero mukhang sinisisi niya pa rin ang sarili dahil hindi ako natuloy sa Buenalejo.

The Midnight Our Fates EntwinedWhere stories live. Discover now