iv | dreams

51 10 6
                                    

☽༓☾

"Isang tanong, isang sagot ka talaga, 'no?"

Nilingon ko si Dan na abala sa kinakain niyang puto. Nakatingin din siya sa akin, bahagyang nakangiti. Himala ngang 'di pa napupunit mukha ng isang ito dahil sa kangingiti. Kanina pa siya ganiyan, e!

He groaned when I gave him a shrug. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi para pigilang mangiti sa naging reaksyon niya. Kanina niya pa ako pilit dinadaldal, pero mukhang hindi siya satisfied sa mga nakukuhang sagot mula sa akin. Hindi ko nga alam kung matatawa ba ako sa kaniya o maaawa dahil ang effort niyang mag-isip ng mapag-uusapan, samantalang ako walang kagana-ganang sumagot.

I can't help it, though. Hindi ko naman kasi ugaling dumaldal sa mga taong kakikilala ko pa lang. . . unless I feel comfortable with them.

Sinabihan ko siyang ikuha rin ako ng soft drink nang magpaalam siyang kukuha ulit ng makakain. Doon nga lang ata kami magkasundo-sa pagkain. Nabanggit pa ng loko na balak daw niya sanang tikman bawat putaheng inihanda ngayong gabi kaso dahil nahuli rin sila ng dating, kaunti na lang ang pagkaing natira.

Inabutan niya ako ng isang baso ng softdrink pagbalik niya. Umupo siyang muli sa tabi ko. Nagawi ang tingin ko sa paper plate ng palabok na maingat niyang inilagay sa kaniyang hita. I must have stared at it for too long, dahil inangat niya iyon at inilapit sa akin.

"Gusto mo?"

Umiling ako nang marahan. "Ayoko."

Pasado alas otso na ng gabi pero marami-rami pa rin ang mga bisita. Lumabas na nga ang pinsan ko at 'yong mga kasama nila kanina sa sala, e. Natatanaw ko sila mula rito at kita kong nagkakasiyahan pa rin sila kaya hindi na ako lumapit, t-in-ext ko na lang silang dalawa na kasama ko 'yong kapatid ng kaibigan nila.

"Ang sarap kaya nito, ba't ayaw mo?" tanong niya habang nilalantakan 'yong palabok. I almost scoffed at what he said.

Dahil paborito niya 'yan.

Sumimsim ako sa soft drink bago sumagot. "Kapag kumain ako niyan, malalasahan ko lang ulit 'yong mga alaalang matagal ko nang kinalimutan."

He chuckled softly. "Ano raw? Palabok lang pinag-uusapan natin, bakit napunta sa mga-" Marahan niyang inilapag muli sa kaniyang hita ang paper plate. He flexed the index fingers and middle fingers of his hands. "-alaalang kinalimutan?"

Natawa ako ro'n.

Mula no'ng iniwan niya kami, hindi na ako nagtangkang kumain pa ulit ng palabok. Ewan, feeling ko kasi, imbis na masarapan ay galit at pait lang ang mararamdaman ko kapag tumikim ako muli no'n. Palabok will never be the same for me because it will always remind me of. . .her. Kaya kahit mukhang masarap o kahit sinumang mag-alok sa akin, hindi ko talaga kinakain.

"Bakit, sino bang naaalala mo? Ex mo?" he asked again after a few moments of silence.

Mama ko.

I scrunched my nose. "Wala ka na ro'n," sabi ko para inisin siya. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko siyang ngumiwi. Hindi na siya umimik at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Curious ako," aniya matapos nguyain 'yong huling subo ng palabok. I hummed in response. My eyes drifted to him when he didn't say anything. Nakatingala na siya ngayon, pinagmamasdan ang langit at tila ninanamnam ang ganda ng libo-libong bituin na malayang natatanaw dahil walang mga ulap ngayong gabi.

"Doon sa bus. . . why were you crying back then?"

Umikot ang mata ko. Sabi ko na nga ba't itatanong niya rin sa akin 'yon. The night breeze kissed my skin, and I could only hug both of my knees to keep myself from shivering. Sana pala nagdala ako ng jacket.

The Midnight Our Fates EntwinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon