i | that one midnight

168 25 63
                                    

☽༓☾

Ilang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin ako tapos magalit sa mundo. I took in a few deep breaths, trying to calm myself as much as possible. Tumingala ako para pigilan ang mga nagbabadyang luha. Ayaw kong umiyak. Hindi ako dapat umiyak.

Too late, though. Napapikit ako nang walang tigil na bumuhos ang mainit na likido mula sa aking mga mata.

My trembling hands wiped the tears rolling down my cheeks. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob para bitawan ang bagay na matagal ko nang pinapangarap. I hugged my knees and allowed myself to let it all out.

Kanina, nakatanggap ako ng email mula sa university na pinag-exam-an ko — sa Buenalejo Academy. Bata pa lang ako, pinangarap ko na ang paaralang 'yon. Sa tuwing may nakikita akong estudyante mula doon, magkahalong paghanga at inggit ang nararamdaman ko. Kaya pinag-igihan ko lalo ang pag-aaral, kasi isa lang naman ang gusto ko: senior high pa lang, makapasok na ako sa BA.

Hindi ko kasi makita ang sarili ko sa ibang school. . . at kung sakali man, baka 'di ko maramdamang buo ako kung hindi ako doon mag-aaral. Parati akong may hahanap-hanapin at baka mahirapan akong punan ang puwang na iyon sa pagkatao ko.

Inis na inis ako sa tingin ng mga kaklase ko noong nalamang nag-exam ako. Para bang pinaparating nila agad na babagsak ako dahil hindi naman ako matalino. They were one of the reasons why I doubted myself! I mean, why? Alam kong average lang ako, pero wala ba akong karapatan mangarap? Sa totoo lang, isa sila sa mga naging dahilan kung bakit ako nagpursige; kasi gusto kong isampal sa mukha nilang lahat na kaya ko.

And true to my words, I passed the entrance test.

Ang malamig na hanging nagmumula sa bukas kong bintana ay tila inaalo ako. Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakasubsob nito sa aking hita. Humugot ako ng malalim na hininga, pero imbis na kumalma na ng tuluyan ay lalong lumala ang paghikbi ko.

Abot-kamay ko na sana ang isa sa mga pangarap ko. Konting-konti na lang, mapapasakin na. Ang kaso, may isang bagay akong nakalimutan; hindi namin afford ang tuition fee doon. Mapait akong tumawa. Dapat ba akong maging masaya na nakapasa ako o malulungkot dahil nakapasa nga ako, pero hindi pa rin naman ako makakapag-aral doon?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Masasayang lang ang oras ko sa pag-iyak dahil kahit lumuha pa ako ng dugo, walang milagrong mangyayari — wala namang perang lilitaw bigla para ipambayad sa tuition fee. I let out an exasperated sigh, hoping to finally untangle the mess of my thoughts and calm the chaos in my heart.

Baka hindi talaga para sa akin 'yon.

Kumirot ang puso ko sa naisip.

Despite my wobbly knees, I managed to stand up and sit in front of my vanity mirror. My eyes were already swollen from crying. Halata rin ang pamumula sa aking pisngi dahil sa maputi kong kutis. My fingers traced my chapped lips. Ang kulot kong buhok ay lalong bumuhaghag. Mukha akong zombie na lasing! Paniguradong aasarin ako ni Mikoy kapag nakita niya ako sa estadong 'to.

Hindi ko na kinaya ang malagkit na pakiramdam kaya minabuti kong maligo ulit. Sana posibleng maalis din ng pagligo ang bigat at sakit na nararamdaman ng isang tao. Kung may nangyayari lang talagang gano'n, baka sa banyo na ako tumira mula ngayon.

Matapos kong maligo, I wore my usual oversized shirt and pajamas. I was tying my naturally curly hair into a loose ponytail when I heard my phone's familiar ringtone. Kumunot ang noo ko. Maga-alas diyes na ng gabi, who would chat me at this hour?

I let my body fall on the soft mattress after I turned the lights off. Hirap kasi akong makatulog kapag bukas ang ilaw. Inabot ko ang phone kong nakalapag sa katabing study table. Sandali akong napapikit dahil sa liwanag na nagmula sa phone ko ng buksan ko 'yon. 'Yong pinsan ko pala.

The Midnight Our Fates EntwinedWhere stories live. Discover now