ii | pink and blue

78 17 17
                                    

☽༓☾

I slowly shook my head when my phone rang for the sixth time in an hour. Sinilip ko ang screen nito at napangiwi nang makitang tumatawag na naman ang pinsan ko. Kahapon niya pa kasi ako kinukulit na samahan siyang magmall, at tinanggihan ko rin siya dahil sabi ko marami pa akong kailangan ayusin sa school lalo ngayong malapit na ang Moving Up ceremony namin.

Well, a part of it was a lie.

Totoo namang marami pa akong dapat ayusin pero kaya ko naman tapusin 'yon kahit next week pa. Hindi naman sa ayaw kong sumama kay Kuya Gian. . . pakiramdam ko nga, kaya niya 'to ginagawa dahil naikwento ni Lola na ilang araw na akong nakakulong sa kwarto at ilag makipag-usap; and I appreciate his effort to cheer me up. But the thing is, I just don't have the energy to socialize.

When my phone rang for the seventh time, I decided to pick it up. Hinilot ko ang aking sentido at bumuntonghininga. Mukhang hindi ako titigilan ng pinsan ko hangga't hindi ako pumapayag.

"Patchot kasi!" Nilayo ko sandali ang phone ko sa tenga dahil sa lakas ng sigaw ni Kuya Gian. "Bakit ba ayaw mong sumama?"

"May gagawin pa nga ako, Kuya," sabi ko.

"Talaga lang, ah," aniya, bakas ang pagdududa sa boses kaya napangiti ako. He knows me well, at sigurado akong hindi siya naniniwala sa palusot ko. "Feeling ko may kinalaman 'tong pagtanggi mo sa nangyari sa 'yo last week. Na-trauma ka na yatang sumakay sa bus!"

I bit my lower lip before I could even tell him that he's right. Kung sasabihin kong oo, sigurado akong aasarin niya ulit ako buong araw tulad ng ginawa niya no'ng kinwento ko sa kanila ng boyfriend niya ang nangyari last week! As if hindi pa sapat na oras-oras pinapaalala sa akin ng utak ko ang pahiya moment kong 'yon!

I'm pretty sure everytime I would ride a bus, that would be the only thing in my mind. Isang linggo na ang lumilipas pero nanlalamig pa rin ang nga kamay ko tuwing naalala ang ngiti no'ng lalaki. Kahit sa panaginip ko nga, nando'n siya. . . tinatawanan pa ako! Tuloy, kada madaling araw nagigising ako at hindi na nakakatulog pa nang maayos.

Mahinang natawa si Kuya Gian sa sandali kong pagtahimik. "Okay, sabi mo eh."

"Bahala ka, Kuya. Ibaba ko na ang tawag-"

"Wait!" I flinched when he shouted over the phone again. Bakit kailangan sumigaw? "Sure kang 'di ka sasama? Paano kung sabihin kong ililibre ka namin ni Karlo sa paborito mong buffet restaurant dito sa LB?"

Napabangon ako sa kama habang nanlalaki ang mga mata. Matagal na akong hindi kumakain sa labas dahil nagtitipid ako, so his offer was really tempting. . . at sa paboritong restaurant ko pa! Hindi ko alam kung maiirita o matutuwa dahil alam na alam niya talaga kung paano ako mapapa-oo.

"Okay, Patch, hindi mo na kailangang sumagot," sabi niya, natatawa. "Silence means yes! Ihanda mo na ang sarili mo. Don't worry, susunduin ka namin ni Karlo. Magko-kotse kami." With that, he ended the call.

Nagtext na lang ako sa kaniyang tawagan ako kapag malapit na sila. I could imagine Kuya Gian wearing his triumphant smile right now because he had me wrapped around his fingers. Bakit kasi ang rupok ko pagdating sa pagkain? I clicked my tongue as I made my way to the bathroom.

Nagsuot ako ng simpleng blue v-neck shirt at jeans matapos kong maligo. I decided to tie my hair into a bun dahil sigurado akong magiging abala lang ito kapag hinayaan kong nakalugay. Ngayon ngang kalalabas ko pa lang sa banyo ay pinagpapawisan na ako. Para bang ibinubuhos ng araw ang lahat ng galit niya sa mundo kaya ganito ang panahon.

Matapos naming kumain ng agahan ay tumulong ako kay Lola magligpit, habang ang kapatid kong si Mikoy ay dali-daling tumakbo sa labas. I shook my head slowly. Hindi na talaga napirmi ang batang 'yon sa bahay!

The Midnight Our Fates EntwinedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ