“Ang kuripot mo talaga! Bwisit ka!” singhal ni Asha.

“Libre kita diyan ng fries at nachos tapos si Gail ng burger, ayos ba? Huwag ka na daw mag-burger kasi mataba ka na” sabi nito kay Asha at tinignan pa siya mula ulo hanggang paa.

Nagningning naman bigla ang mata ko nung marinig kong ililibre niya ako ng burger. Grabe! Kapag heto hindi sineryoso ni Darryl, friendship over na kami! Joke!

“Lilibre mo talaga ako?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Darryl. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti.

“Oo naman, hayaan mo na yung isa diyan” aniya at bigla niya akong inakbayan at marahang hinatak palapit sa kanya.

“Ah? Ganyan ha Darryl? Tandaan mo kapag ako nagka-pera, who you ka saken!” singhal ni Asha at tsaka umirap. “Lilibre mo pa yan si Gail eh mayaman naman yung asawa niyan!” dugtong pa niya at bigla kaming napatahimik ni Darryl.

Bigla na naman tuloy pumasok sa isip ko si Jared at lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya. Ngayon, nararamdaman ko na talaga kung gaano kalaki ang naging impact ni Jared sa buhay ko. From the first day I met him, everything change. Everything becomes complicated. Ang normal kong buhay ay tuluyan ng nawala.

Tumikhim na lang si Darryl at tsaka na nauna ng naglakad papasok ng Zark’s.

“Tara na nga” malamig na sabi niya. Nagulat naman ako sa naging biglang pagbabago ng mood niya, kanina masaya siya tapos biglang naging seryoso.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Asha. Nagkibit-balikat lang siya at hinawakan ako sa kamay at tsaka hinatak papasok sa loob.

“Huwag mo na lang pansinin yun, nagseselos lang yun” sabi niya dahilan para lalo akong maguluhan. Bakit naman magseselos yun?

“Alam niyo ang gulo niyong dalawa” bulong ko kay Asha. Napatingin naman siya sa akin at sinamaan ako ng tingin.

“Hindi kami magulo girl, manhid ka lang talaga” sabi niya at tinalikuran ako.

Ano daw?

 

Hindi nagtagal ay nagsimula na rin kaming kumain at bumalik rin naman sa normal yung aura ni Darryl. Mostly catching up ang topic namin dahil hindi rin kami gaanong nakapag-usap at nakapag-bonding dahil na rin sa naging busy kami. At siempre ako, naging busy sa personal ko na buhay. Si Darryl sa basketball at si Asha sa fansclub kuno namin ni Jared. Ewan ko ba sa kanila kung bakit kailangan pa nilang ipa-uso yun.

“Uy, hihingi sana ako ng tulong sa inyo…” mahina kong sambit. Napatingin naman sila pareho sa akin.

“Kung ipapaubos mo yang burger mo, willing kitang tulungan” nakangiting sabi ni Asha at mukhang kanina pa siya takam na takam sa burger. Paano ba kasi sineryoso ni Darryl yung fries at nachos lang ang ililibre niya kay Asha.

Sinaaman ko na lang siya ng tingin at labag sa loob na iniurong yung plato ko na may lamang burger sa kanya. Gusto ko pa sanang ubusin yun pero naawa naman ako sa kanya.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now