Chapter 1

5.5K 117 9
                                    

Dedicated to JramCastle. Thank you for letting me use your name, again. Ito na, sisimulan ko na ang kwento mo. 😊

Sa mga nakabasa nito sa first published nito, you might need to re-read this because I made a major edits. Like changing the Pov from 3rd person to 1st person. ☺️ Arigatogousaimasu! 😘

ANNOUNCEMENT! SIMULA PO LUNES, MARCH 29, 2021, AALISIN KO NA PO RITO ANG IBANG CHAPTERS NITONG LOVING A BEAST  DAHIL ANDUN NA PO SIYA SA D R E A M E . NO WORRIES PO, FREE PO ITO ROON, WALANG BABAYARAN, PARA LANG KAYONG NAGWAWATTPAD. 

ITO PO ANG LINK:  https://www.dreame(.com)/novel/%2BmithwZZ6aNP2%2F7vwHsl6w%3D%3D.html  PAKIALIS NALANG PO ANG OPEN/CLOSE PARENTHESIS SA MAY .COM 

DOON NIYO NA PO MABABASA ANG COMPLETED VERSION NITONG STORY. SANA SUPORTAHAN NIYO AKO LAGI. MWAH! 

PS. SAME UN LANG DIN GAMIT KO, @shymaidegen, PWEDE NIYO AKONG I SEARCH DOON OR ANG TITLE NA LOVING A BEAST. MADALI LANG NAMAN AKONG MAHANAP HEHE.


Marian


Prente akong nakaupo sa swivel chair ko habang umiinom ng kape sa loob ng aking office. Nakatingin sa monitor habang pinapanood ang paborito kong Anime series na noon ko pa sinusubaybayan. Tapos na ako sa lahat ng gawain kaya ayos lang na manood ako ng anime buong  magdamag. At isa pa, ako naman ang boss kaya walang problema.

Nasa isang thrilling scene na ako nang bigla nalang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko itong dinampot, na nasa tabi ng keyboard, at sinagot ang kung sinuman ang tumatawag.

"Ma!" Bungad ni Summer Foster sa akin — ang aking bestfriend. Kaagad ko namang pi-nause ang pinanonood ko at itinuon ang buong atensyon kay Summer.

"Good afternoon, Su!" Bati ko.

"Good afternoon! Close na ba ang Café mo?"

"Hindi pa. Alam mo namang mamayang 5:00 pa kami magsasara," pagpapaalala ko dahil mukhang nakalimutan niya yata.

"Ay, oo nga pala. May two tickets ako ng Code Geass kung saan nabuhay muli si Lelouch. Paborito mo ito 'diba?"

Nanlaki ang mata ko sa excitement. Holy cow! Paano siya nakakuha ng ticket? Kailangan ko iyong mapanood!

"Where are you?" Mabilis kong tanong. Mabilis akong nag-ayos at pinatay ang computer. Hindi madaling makakuha ng ganoong ticket dahil sa bilis nitong mag sold-out kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito. Grabe nga ang panghihinayang ko nang maubusan ako ng ticket eh.

"Saan pa ba? Isa ako sa mga customer mo ngayon."

Lumawak ang ngiti ko. Nagtanong pa talaga siya kung nagsara na ba ako, samantalang nasa Café ko lang naman pala siya. Baliw lang.

"At pina-out ko na ng maaga ang mga empleyado mo," dagdag niya. Baliw nga. Sinong kaibigan ang magpapa-out sa employees nang hindi alam ng may-ari? Summer.

"Sige. Hintayin mo ako riyan." Pinatay ko ang tawag at kinuha ang sling bag sa upuan. Sinuyod ko pa muna ng tingin ang opisina at nang masiguradong maayos na ang lahat ay tsaka ko pa pinatay ang lahat ng ilaw.

Paglabas ko ng office ay natanaw ko kaagad si Summer na sumisimsim ng kape at naghihintay sa akin. Wala narin ang mga empleyado ko at malinis narin ang paligid. Kagagawan ito ni Summer, malamang.

Nilapitan ko siya. "Tindi ah! Ready na lahat." Bungad ko.

Ngumiti siya ng matamis. "Syempre naman! Alam ko kasi na hindi mo ito mapapalagpas." Aniya at winagayway sa ere ang tickets. Nagsparkle ang mata ko. My precious!

Loving a Beast [COMPLETED]Where stories live. Discover now