Parang panaginip lang ang lahat na isang umaga ay magigising na lang sila na wala na sa tabi nila ang pinakamamahal nilang ama. Na hindi naglaon ay sumunod naman ang ina nila na nawala sa kanila ng ate niya.

Napahagulgol siya. Napakasakit pa rin pala isipin na wala na sa piling nila ang mahal nila sa buhay. At kung 'pwede lang sanang hilingin sa langit na sana ay ibalik nito sa kanila ang magulang nila ay sana araw-araw niya iyong hiniling.

Pero hindi na 'pwede.

Dahil kahit anong hiling pa niya sa may taas na ibalik ang ina niya ay hindi na talaga 'pwede. Dahil wala namang patay na maari pang mabuhay. At ang maari na lang siguro niyang hilingin sa ngayon ay sana...makita na niya ang ama niya at makasama muli.

Pero paano?

Ni anino nga nito ay hindi nila alam ng ate niya.

Naramdamam niya ang mainit na braso ng ate niya na yumakap sa kanya. Lumuluha pa rin ito kagaya niya at naiintindihan niya ito dahil nasasaktan din siya tulad ng ate niya.

"Shhh, tama na 'yan. Sira na ang make-up mo at baka hindi ka na niyan mapapansin ng mahal mong asawa na si Jz." biro nito.

Tumawa siya habang lumuluha pa rin. Humarap siya sa ate niya at marahang pinunasan ang masaga niyang luha.

"Ikaw naman kasi Ate, eh. Pinaiyak mo ako."

Umingos siya at muling tumawa.

"Ikaw kasi ang naunang nagdrama at hinawaan mo pa ako kaya hayan tuloy, nasira ang make-up ko. Kapag hindi ko mapa-ibig ang mahal kong si Jz ikaw na ang sisihin ko, Ate."

Tumawa ng malakas ang ate niya habang pinunasan ang mga luha nito gamit ang mga kamay nito.

"Oh siya, tama na ang drama at baka malate ka pa. Mahirap na at baka mamaga 'yang mata mo at matakot sa'yo si Jz, takbuhan ka pa niya palayo." Biro nito. "Halika at ayusin natin muli ang make-up mo." Dagdag pa nito na agad naman niyang sinunod.

Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili niya mula sa pag-iiyak. Ang ate kasi niya eh, itinaon pa ang drama nito sa pagpaganda niya. Kaya hayon tuloy at nasira ang make-up niya.

"Ate?" mayamaya ay kinuha niya ang atensyon ng ate niya na nilalagyan siya muli ng make-up.

"Hmm?"

"Wala ka na ba talagang alam kung nasaan na ngayon si papa? Baka dito na siya sa Pilipinas at hindi lang natin alam 'di ba?"

"Kalimutan na natin siya, Neszie. Mas lalo lang tayong masasaktan kapag umasa pa tayo na bumalik siya rito pero hindi man lang tayo hinanap."

Bumuntong hininga siya. May punto naman ang ate niya, pero mas maganda pa rin sana malaman na sana nandito lang ang papa niya sa Pilipinas. Nang sa gano'n ay masilayan man lang niya ito. At ang makita niyang masaya ang papa niya ay masaya na rin siya.

"Neszie, kalimutan na natin siya, okay? Kasi kung mahal niya tayo ay babalikan niya tayo. Pero wala eh. Ibig sabihin mas mahal ni papa ang bago niyang pamilya ngayon. At pinili nitong doon manirahan sa ibang bansa kay sa rito sa Pilipinas na may tendency na makikita niya tayo. So please, kalimutan na natin siya at hayaan na natin siya kung saan man siya masaya."

Yumuko siya bilang pag sang-ayon sa sinabi ng ate niya. Ang importante sa ngayon ay magkasama pa rin sila ng ate niya at masaya silang nagsasamang dalawa.

HINDI mapakali si Jz habang nagmamaneho sa kanyang kotse. Katabi niya si Neszie sa front seat at tahimik na nakaupo roon. Hindi niya alam kung anuman ang tumatakbo sa isipan nito ngayon. Napalingon ito sa kanya at ngumiti bago ibinalik ang paningin sa labas ng bintana.

Malakas ang tibok ng puso niya na siyang madalas niyang nararamdaman tuwing malapit sa kanya si Nezie. Lalo na at hindi niya inaasahang masilayan sa ganitong ayos ang dalaga. Tila nawala siya kanina sa kanyang sarili nang sunduin niya ito sa bahay nito. Ibang Neszie kasi ang nakaharap niya nang labasin siya nito.

Isang napakaganda at seksing Neszie ang nasilayan niya sa suot nitong red fitted long gown.

Kitang-kita ang makinis nitong hita na lumalabas tuwing naglalakad ang dalaga. At napapalunok siya sa nakakasilaw na kaputian at maumbok nitong cleavage na kitang-kita rin sa V-shape and lower cut ng suot nitong gown.

He feel so proud dahil ito ang kanyang kasama sa party na pupuntahan niya. At tiyak niyang maagaw ni Neszie ang pansin ng karamihang dadalo sa party. Lalo na ang mga kalalakihan na tiyak niya rin na hindi basta-bastang baliwalain ng mga ito ang kanyang kasama.

Hanggang sa marating nila ang venue at inalalayan niyang makalabas ng kotse si Neszie.

Hinawakan niya ito sa kanang kamay para yayain nang pumasok sa loob kung saan ay dinig na dinig nila ang nakasalang na musika na sila mismo ang kumakanta.

Napatingin siya kay Neszie nang hindi ito tuminag sa kinauupuan nito at kitang-kitang niya sa mukha nito ang kaba.

"N-natatakot ako." Sabi nito na napakagat-labi.

"Bakit? Huwag kang matakot, Neszie. Ako naman ang kasama mo and I'll promise na hindi kita pababayaan dito, okay?

"P-pero...hindi ba nakakahiya itong suot ko? B-baka-,"

"Shhh...relaks, okay? I'm with you and everything will be okay."

Napalunok ang dalaga at naramdaman niya ang nanginginig na kamay nito na humigpit ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

Napangiti siya.

"C'mon," yaya niya muli at inalalayan ang dalagang napilitang bumaba sa kotse.

Nang maisara niya ang kotse ay mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Neszie. At hindi na siya nagtaka nang itinago nito ang sarili sa kanyang likuran. Nagsilabasan kasi ang mga reporters ng iba't ibang istasyon ng telebisyon at sabayang kumislap ang mga camera ng mga photographers sa kanilang dalawa ni Neszie.

Malawak siyang ngumiti habang hawak sa kamay ang dalaga. "Relax..." bulong niya rito.

Ipinagpatuloy nila ang paglalakad ng sabay-sabay na humarang sa kanilang harapan ang mga reporters habang patuloy sa pagkikislapan ang mga hawak na camera ng bawat photographers na naroon.

Kasabay no'n ay ang sabay-sabay ring pagtanong ng mga reporters tungkol sa break-up nila ng non-showbiz girlfriend niyang si Manilyn.

Love Shot by CatchMe (Complete)Where stories live. Discover now