"Ikaw nalang kasi jowain ko," pagbibiro ni Eunice, niyayakap niya pa si Seve


"Close na po ang heart ko," Seve moves his finger,


"Kay Mr. Moon Ga Kyo nalang ako. Oppa.." Eunice giggled,


"Oppss...ayoko sa army." sabi naman ni Kyo,


"Eh sa blink?" Alexa asked, "Gusto mo?"


"Meron ka ng Xen, Alexa. Shut up," sabi ko naman.


Itinawa nalang namin ang pag-aasaran. Namiss ko ang ganito, yung walang iniisip na problema. Pero mas masaya ako ngayon dahil aside sa mga taong nasa harap ko, meron ding taong nagpapatibok ng puso ko.


Nag-order na si Eunice ng whiskey at iba pang spirits. Balak naman nilang magpakatungga ngayon. Mabuti na lang at di sila nagdala ng kani-kanilang mga sidechicks or fuckboys. Dahil ang pagkikita namin ngayon ay sa amin lamang.


"Cheers sa solid nating samahan!" sigaw ni Eunice, 


"Cheers, gang!" sabay sabay kaming tumagay at tumawa.


"I love you all," sigaw ni Alexa at sinabihang lumapit dahil magseselfie kami.


Inilagay ko sa picture frame ang selfie naming magbabarkada at ikinabit ito sa dingding. Kakagising ko lang dahil sa kalasingan namin kagabi. Lumipat na ako dito sa unit muli ni Carlo last week. Balak na nga naming magpatayo ng bahay, siguro kapag stable na ang lahat.


Ibinitbit ko si Goya saka niyakap siya. "How are you, sweetie," tanong ko sa kanya,


Ibinaba ko saglit si Goya ng may biglang kumatok sa unit, pagbukas ko it was Carlo,


"Babe!" niyakap ko siya ng mahigpit ng makasalubong, ganoon din siya.


"I miss you so much," he sniffs my hair, and whispered a love words.


"Sabi mo 7 pm nandito ka na," I frowned, "7:01 na oh," tinuro ko ang wall clock.


"Ikaw," binatukan niya ako. "Huwag mong gagayahin yung nakikita mong  ganyan sa Facebook,"


"Hala bakit? Ayaw mo na ba sa akin?" kunwaring pagtatampo ko,


"Hindi naman, geez." akma niyang susuntukin ang pader, pero sabay lang kaming napatawa,


Habang kumakain di ko maiwasang mapatitig kay Carlo. Ang lalaking ilang beses ko iniyakan at kalimutan. Pero ngayon, ibinalik kami dahil kami ang para sa isa't-isa. Tinanong ko muli ang sarili ko na bakit nangyayari ang lahat ng 'yun, parte ba talaga yun ng pagmamahal?


Mahal na mahal ko talaga si Carlo, di ko na siya kayang bitawan muli. Paniguradong di ko na iyon kakayanin. Siguro hihilingin ko nalang sa maykapal na siya lang. Luluhod ako at magdarasal na si Carlo ang para sa akin, at wala ng iba pa.

Beyond The Lenses (Asia Series #1)Where stories live. Discover now